Chapter 7: [ Mission Impossible]

204K 6.3K 537
                                    

Myrttle's Point of View

ISANG LINGGO ang lumipas matapos ang eksena sa cafeteria. Pero magmula noom ay hindi na natahimik ang buhay ko. Kahit saan na lang ako pumunta ay hindi puwedeng walang magbubulungan. Nakaka-bwisit!

"Girl, tingnan mo siya, oh. Hindi ba siya 'yong nang-away kay Papa Blaise no'ng isang linggo?"

Speaking of the devil.

"Oo, siya nga! Siguro gusto niya lang magpapansin kay Blaise—my loves. Mukhang effective, huh!"

"Teka... gayahin kaya natin ? Darn! Ang bright ko talaga!"

Isa pa, 'di ako magdadalawang isip na—

"Tama! Naku... kung nagkataon nasa hea—"

I stood up. "Ano! Titigil kayo o titigil kayo?!" Irita kong sigaw sa mga ito.

Tokwa naman kasi! Magbubulungan na lang, ang lakas-lakas pa! Ayos lang kung nasa classroom, kaso wala! Nasa library kaya kami! Kaya nga ako nagpunta rito para matahimik. Tapos... argh! Ang lalakas ng mga saltik!

Dali-dali naman silang umalis ng titigan ko sila nang masama.

"Myrttle Joong, right?"

Napaatras naman ako nang biglang magsalita ang kaharap ko na nagbabasa lang ng libro kanina. Nakasalamin ang pamilyar na lalaking ito na halata namang walang grado.

So I stood up and leaned my body forward to get a closer look. Halata ang gulat nito sa ginawa ko pero hindi ko iyon pinansin. Mga ilang segundo rin ang tinagal niyon nang makumpirma ko kung sino siya. He's the weird guy na kasa-kasama ni Isdang Blaise. Siya iyong lalaking kumikislap ang mga mata—ang pinakamaliit sa kanila.

He's indeed cute with his round baby face and big expressive eyes. Bagay na kinahahalataan ng takot nito sa'kin.

"What do you want?" tanong ko rito at nagbasa na muli ng libro.

"A-ah, w-wala naman. Ah-eh. Hi, I-I'm Ethan." Pagpapakilala nitong hindi ko na inimik.

"Y-you know what? I like you, Miss Myrttle."

Ikinagulat ko ang sinabi nito kaya salubong na kilay ko siyang tiningnan.

Just wow. Ngayon, isang bata naman ang naligaw sa library para sabihing crush niya ako? 'Yong totoo? Gano'n na ba kalala ang mga straight forward na tao dito?

"Ah-eh... What I mean is—" Tumigil ito sabay kamot sa kanyang ulo. "Okay. Ibahin na lang natin from the start," paputol-putol nitong bawi which I hate the most.

Mataman ko lang naman itong pinagmasdan nang bumalik ulit ito sa tarangkahan ng silid aklatan at seryoso siyang uulitin ang lahat.

"Hi, I'm Ethan Romsay. One of the Harrison University Rulers. And I'd like you to be our new member." Masayang abot nito ng kanyang kamay.

Wala akong balak abutin ang kamay na iyon. Na ilang segundo pa ang itinagal bago niya marealise. Pero ikinagulat ko ang maluha-luha nitong pagbawi dito. Patuloy pa itong naghintay sa sagot ko kaya naman para hindi ako makonsensya'y itinaas ko na lamang ang hawak kong libro.

"Please, sumali ka na. Alam mo bang lahat ay pangarap na makasali sa'min?"

Pero inunahan ko na ito. "Hindi ako intiresado at huwag kang istorbo," diretso kong pigil sa kanya at hindi na siya tiningnan pa.

Third Person's Point of View

Napatulala ang binatang si Ethan Romsay sa narinig nyang iyon kay Myrttle. Hindi ito makapaniwalang sa kabila ng kanyang kahinahunan at kabaita'y tatangihan siya ng dalaga. Bagay na unang beses nitong naramdaman kaya hindi pa ma'y maluha-luha na itong tumakbo papalabas ng Library.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon