Chapter 57(part I): [Bestfriend]

160K 3.9K 824
                                    

*An Hour before Hunts' Call*

MYRTTLE JOONG

"Hoy, Ayus ka lang? Kanina ka pa tahimik diyan." Lingon ko kay Blaise na nakasandal ngayon sa sasakyan nito na tila malalim ang iniisip.

Gulat naman itong napatunghay sakin na parang ngayon niya lang ako nakitang nasa tabi niya.

D*nm, anong problema niya? H-Hindi ako sanay.

Napaayos ako ng sandal ng tignan lang ako nito ng deretyo sa mata. MASYADONG MALAPIT! MASYADONG MALAPIT!

Kaya naman iniiwas ko nalang din ang tingin ko sa kanya.

Ugh...Badtrip.

Kagaya ng pwesto ni Blaise, nakasandal din ako sa sasakyan nito malapit sa kanya at pinagmasdan ang malawak na bukirin.

"Don't mind me." Tipid nitong sagot sakin at tumitig ulit sa kawalan.

Tsk, okay.. Agh! Kainis edi h'wag mong sabihin pinipilit ba kita?!

Nandito kami ngayon sa isa bukiring pagmamayari ng nga Fontellan.

Kaya naman dito narin namin napagkasunduang magkita-kita ng iba pang mga Rulers since Agata knew this place.

Dapit hapon na, kaya naman napakaganda rin ng tanawin dito.

Napakalamig at malakas din ang ihip ng hangin, kaya naman napayakap ako sa sarili ko ng biglang umihip ito ng malakas.

Grr, badtrip hindi ako nakapagdala ng jacket. Iniwan ko pa 'yung Blazer ng uniform ko sa kwarto ni Biboy sa ospital. Ang tanging soot ko lang ay ang puting polong nakadoble sa uniform namin na may light blue'ng neck tie at ang palda ko. It somehow cool kaya sinubukan ko. Bagay naman sakin ang kahit na ano. So why not?

Pero Badtrip lang talaga wrong timing , sisipunin talaga ako hindi....

Pero napabalikwas ako ng maramdaman kong may nainit na kung ano ang bumalot sa balikat ko.

T-Teka...

"Here, wear this. Baka magkasipon ka." Isang hindi inaasahang pagtugon ang narinig ko.

Napalingon muli ako sa gawi ni Blaise nang agad ko din itong bawiin ng halos magkadikit na ang ilong namin dahil sa sobrang lapit nito.

What the hell is this guy doing?!!

At heto nanaman, isa nanamang kung anong sensyasyon ang dumaloy sa buo kong katawan na parang kuryente.

Ready na sana akong sigawan siya dahil sa kawirduhang mga ginagawa niya.

But instead of doing the things I wanted, my tongue stock up as I tried to yell at him.

"O-Okay." Salungat ko sa sarili ko.

D*nm it Myrttle!

Tinanggal ni Blaise ang Blazer ng Uniform niya at ipinatong ito sa balikat ko. Nakatulong din naman ito para sa lamig na nararamdaman ko.

Seryoso ba 'to, oh wala lang talaga siya sa mood kaya gentleman na siya?

Tsk, Whatever you freaking fish!

P-Pero 'yung totoo?

Ang bango ng Blazer niya...

Argh NO! Ano ba "tong mga naiisip ko!

Sinulyapan kong muli ng palihim si Blaise. At gaya ko kanina, nakapolo nalang din itong puti at may light blue na neck tie. He looks so perfect with hi....I mean, mukhang malalim parin ang iniisip nito. At nagsimula ang pagtahimik niyang 'yun mula ng mabasa niya ang nakasulat sa papel na iyon.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon