Chapter 56 [The Other Side]

141K 4K 1.3K
                                    

DAYLE TRINIDAD

Matapos kong pumunta sa school para i-check ang ilang mga bagay ay dumeretyo na ako sa bahay ng mga Montague..

Ang pamilyang kumupkop saakin na ipinapanalangin kong hindi na sana nangyari pa.

Dumiretyo ako sa kwarto ko at umupo sa harapan ng salamin.

Napatingin ako sa repleksyon ng mukha ko.

Dayle Trinidad..

Isang mukhang hindi makabasag pinggan. Isang mukhang noo'y kinahahangaan ng lahat. At ang isang mukhang kinamumuhian na nila ngayon.

I tried to smile but it didn't work again.

Gusto kong tumawa, gusto kong maglumpasay kakatawa, dahil maging ang ekspresyon ko ay hindi ko narin pala kayang makita pa.

So I closed my eyes and imagine the smile in my lips, way back years ago. Isang magandang ngiti, noong kaya ko pa. Noong ako pa ang may-ari ng ngiting iyon. At noong kontrolado ko pa ang lahat.

Pero imbis na mainis at sumuko sa kalagayan ko ngayon. May natitira parin palang dahilan para ipagpatuloy pa ang buhay ko.

And its her, it's always her.

I was there,

I was there, watching Myrttle habang ginagawa ang masasayang bagay kasama ang mga rulers. Malayo sa kanya, sa lugar na hindi niya makikita.

Mga Rulers na nagsilbing sandalan ni Myrttle noong mga oras na wala ako. At ngayon. Masasabi kong may dahilan na akong sumaya dahil alam kong totoong kaibigan ang nasamahan ni Myrttle. Hindi lang totoong kaibigan, dahil alam kong makakaya din siyang protektahan ng mga ito sa oras na dumating ang araw na iyon.

I feel sorry for her dahil sa ginagawa ng katawang ito para lang agawin sa kanya ang lahat. Mahirap mang paniwalaang hindi ko ito ginusto. Pero sino bang niloloko ko, hindi ko talaga kahit kelan ginustong masaktan si Myrttle. But I still brought her in pain.

Because I'm so stupid..

Wala akong kwenta.

Kung kaya ko lang sana, gusto ko siyang samahan kahit saan man siya magpunta. Makipagtawanan kasama siya. At ang masabing namimiss ko na rin siya ng sobra. Pero hindi, hindi maari. Dahil alam kong sa oras na malaman ng lintik na organisasyong ito na tinataliwas ko sila. Alam kong mapapahamak siya. Mapapahamak si Myrttle.

Myrttle.... Myrttle Joong....

The girl with ridiculous personality but a girl with a good heart.

My friend. My very own friend.

That was the same phrases that I used to review in my mind. Because I don't have any idea when is the time that even my mind couldn't

remember anything about her.

Kaya naman paulit-ulit ko itong iniisip dahil gusto kong sa oras na iyon ay hindi parin mawala ang alaala niya sakin.

Ayoko, at hindi ko hahayaang mangyari ito...

I cried in pain ng muling kumirot ang kanang braso ko. Mariin ko itong hinawakan at agad kong sinubukang lumayo sa salamin para hindi ko makita ang sarili ko.

A-Ayoko, ayokong makita kung anong ityura ng bagay na sumisimbolo sa kasamaan nila. A-Ayokong kaawaan ang sarili ko.

Pero mas nasakyan ako nang hindi ko na maramdaman ang mga paa ko.

'The first side effect. The numbness of the lower parts.'

Biglang nag-echo sa utak ko ang boses na iyon.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon