Chapter 44: [The Plan]

161K 4.6K 498
                                    

MYRTTLE JOONG

Ipinikit ko ang mga mata ko at inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Aki. Ramdam kong nakatingin sila sakin pero hindi ko lang ito pinansin. I just let my last tears fall freely from my eyes.

Ayokong may makakakita sakin kapag umiiyak ako. At talaga namang kinaiinisan ko ang sarili ko kung may makakita saking ganito. Ang makita nila ako sa isang kaawa-awang sitwasyon.

Madalas akong masaktan kada may makikita akong malapit sakin na nasasaktan. Kaya naman naisip kong ayoko nang ipakita pa sa kanila kapag ako na mismo ang may dinadala. Dahil alam ko ang pakiramdam ng masaktan dahil nasasaktan ang iba. Kaya dibale nang kimkimin ko ang lahat h'wag ko lang silang makitang magalala sa kalagayan ko.

But the mean girls?

Hindi ako makawala sa kanila. They know me too much at alam na alam din nila ang lahat tungkol sa akin. Makakatakas pa ba ako?

Hindi ba... hindi na?

Marahan kong idinilat ang mata ko at kitang-kita ko ang may pagaalalang tingin ni Autumn at Kenzie sakin. Gayun din naman si Aki dahil pagkislot ng balikat nito. So I stood up and weeping my tears.

Bakit nga ba ako umiiyak sa isang taong ngayon ko lang nalamang nag e-exist pala? Nabuhay naman ako dati ng wala siya ah?! Tapos dadating siya ngayon para saktan lang ako? Para paasahin lang ako na may pakialam parin siya sakin? Samin?!

Hindi na! Ititigil ko na ang kahibangan ko na 'to!

Bakit ko ba iniiyakan ang isang walang kwentang tao?

Na piniling iwan ang sarili niyang dugot laman dahil sa hindi malamang dahilan?!

Bakit ba ako umiiyak para sa isang taong pinili lang din naman kaming iwan noong una palang?

At bakit ako umiiyak dahil sa isang walang kwentang ina na alam ko namang walang pakialam sa existence ko simulat sapul pa man?!

BAKIT?!

Kelan pa ako naging ganito ka-tanga?! Kelan pa ako naging ganito kasensitibo pagdating sa usapang pamilya?! Dapat lang ay mamanhid na ako. Mamanhid na, dahil mula bata palang ako sanay na ako sa ganito. Ang iwan magisa kasama ang kambal ko...

I stared at Aki, Autumn, and Kenzie. At sa kahulihulihang pagkakataon ay pumatak nanaman ang luha ko. But this time hindi na dahil sa sakit na nararamdam ko. Kung hindi dahil sa masaya ako sa nakikita ko.

I should be happy right now. Because I have this three mean girls, I have Shenny, Xander and Paris.. I have Nay Julie.. I have Myrko my twins.. At ngayon ay mayroon narin akong mga taong natutunan ko nang pahalagahan.

Ang Rulers....

Tama, papatunayan ko sa kanyang hindi ko siya kailangan at hindi na kakailanganin kailanman.

"Tsk ang drama ko badtrip!" At nginitian ko silang tatlo. But they role their eyes heavenward.

"Tsk, Myrttle it's okay. We understand you." Kaswal lang na sagot ni Kenzie sakin at syempre kasabay nito ang irap niyang sobrang tirik ang mata.

But I gave her my sweet smirk.

"Wushuu... Understand. Kaya pala mas grabe pa ang iyak mo saakin." Pangaasar ko pa dito.

Yeah, Our wicked Kenzie is now crying . At ang malupit pa nito ay parang siya pa ang mas problemado saming dalawa.

Kahit na mataray, masungit at brutal na babae itong si Kenzie, siya parin ang pinaka mababaw ang luha saming apat.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon