Chapter 49: [Please, stay]

141K 4.4K 529
                                    

BLAISE HARRISON BLAIRE

"Haytsss."

Muli kong pagbuntong hininga habang pinapanood si bunso na sagutan ang equation na binigay ko sa kanya. Periodical exam na nila bukas at gaya ng lagi naming ginagawa ay ako mismo ang nagrereview dito.

"Ano ba kuya! Kanina ka pa diyan! Sabihin mo nga may problema ka ba?!" Nagulat ako at halos tumabingi ang salaming soot soot ko dahil sa sigaw na iyon ni Celine.

"Ah- Eh, Eh ikaw ba't ka sumisigaw?" Hilamos ko sa mukha nito.

Lakas talaga nitong batang 'to, bigla bigla nalang sumisigaw.

Daig pa may saltik! At saan niya naman namana ang ugaling may pagkasaltik? Aba sinisigurado kong hindi saakin iyon. Matino kaya ako sa lahat ng bagay.

"Ano nga kuya? Kanina ka pa kasi diyan nag bu-buntong hininga." Kunot-noo pa nitong tanong. Ang cute din nito k'pag nagagalit manang mana sakin.

Syempre lahat ng positive sakin. Lahat ng negative nevermind.

Pero deym! Ano isasagot ko?! Isip!! Isip!!

"W-Wala. Tsk, kasi... Ano..." Ano bang sasabihin ko?! "..Si Ash! Oo si Ash!" May pagkalakasan kong pagkukumbinsi kay bunso.

Pero nagpoker face lang ito sakin. At humawak pa talaga sa baba niya.

Grr.. Maniwala ka please.

"Oo nga si Ash nga! Hindi niya kasi alam kung pano mag sosorry dun sa taong gusto niya."

WHAT?! At saang bahagi nanaman ng utak ko nanggagaling iyon? Eh ang pagkakaalam ko ang problema ko ay kung pano ako magsosoorry kay Myrttle ah? Tsk, Nagsisinungaling pa kasi.

Pero tama naman siguro! Baka kung ano nanamang sabihin ng batang to.

"Sige kuya kunwari na convince mo ko," Sagot niya habang sinusulat an final answer niya sa papel. "Madali lang 'yan. 'Yung lovers samin kuya grabe 'yung effort ni kuya John sa girlfriend niyang si Andi. Grabe eh! Sobrang ganda. Parang mag pro-propose, pero nagsorry lang talaga siya. Wahh kuya k—" I stopped her

"Sige Bunso, tama 'yang mga sagot mo ang galing galing mo talaga manang mana ka sakin. O siya alis na muna ako."

Nagmamali akong kinuha ang susi ng sasakyan ko at nag drive papuntang head quarters ng H.U

It's already 7:30 P.M! Badtrip! Bakit ngayun lang kasi sinabi ni bunso.

Nang makarating ako sa school ay agad akong pinapasok ng guard. Mabuti naman, paslangin ko siya kung harangin niya ako.

At dahil wala ng estudyante ng gantong oras ay mabilis ko na itong pinatakbo patungo sa Restricted area. Sa meeting room.

Pagdating ko dito ay agad ko nang pinag da-dial ang mga number ng iba pang ruler gamit ang specialised phone na para lang saming rulers kapag may biglaang meeting. Ito ay nakakonekta sa number naming lahat at syempre tatanggalin ko muna ang number ni Myttle.

"Hello." Pamungad ko sa kanila.

Rinig ko ang sabay na sabay nilang sagot. May dismiyado at may mga mahinahon naman.

"Tsk, Isa isa lang! Magpunta kayo sa Head quarter ngayon na. May gagawin tayo."

"Langya naman boss, Heto na 'e, matutulog na ko 'eh. Naka panjama na ko oh." Sagot sa kabilang linya ni Landon.

"Tsk." Palatak naman ng...syempre kanino pa ba? Edi sa kambal.

"On the way na." Nagulat ako ng sabihin iyon ni Hunt.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon