Chapter 15: [ Choices ]

168K 5.3K 621
                                    

HARRISON UNIVERSITY: The School of Monsters
By: GHIEbeloved

BLAISE HARRISON BLAIRE

Nang magsink-in na sa utak ko lahat ay agaran akong napatayo sa kinauupuan ko.

Hindi maari... nagbibiro lang siya.

"Are you serious Lo?" I grimaced hoping that this is part of his joke, but his expression doesn't change. He does not smile, nor lit up his face.
"Yes, Apo. Seryoso ako." tuluyan nitong sagot na ikinaguho ng mundo ko.

"Pero Mr.Harrison, alam mong hindi mo kami pwedeng isama sa mga estudyanteng 'yun." Kiera retorted as her face blanched.

"That's your first rule Mr. Harrison. Ang huwag na huwag sasama sa mga estudyante sa loob ng campus." Paliwanag pa ni Hunt. His eyebrows snapped together. But those grey eyes remains.

"Ang sabi mo'y mapanganib sa labas ng wall na ito, Mr. Harrison. So why did you like these to be happen all of the sudden?! I don't undertand!" Hinaing naman ni Linzy.

Inilibot ko ang tingin ko sa kanila at kita ko ang kaba sa mga ito. Delikado, delikado para sa siguridad namin ang paglabas sa restricted area. Oo, siguro nga'y alam namin kung sino ang mga mapanganib. But most of them limit their information. Wala kaming idea kung anong kakayahan sa kanila. At napakadelikadong masama kami doon, dahil anytime maari nila kaming kantiin. Kantiin sa kadahilanang kami ang rulers.

Nakakainis ding tanggapin na kahit na kami pang lima nila Hunt, Ethan, Ash at Landon ang may pinaka-mataas na pwesto pagdating sa Crimson Palace. Delikado pa rin. Tsk ano ba kasi 'tong naiisip ni Lolo!

"Is that so? Well for now on, that rule is no longer existing," kaswal nitong tugon.

What the actual hell!

"Okay, lets me tell you something. I told you before that you need to be train for you to be strong and to have the capacity to protect the entire students. Panatilihin ang kapayapaan at kontrolin ang mga dapat kontrolin. Pero dahil wala kayong idea sa gagawin niyo ay nananatili lang kayong petiks. At base sa mga records ninyo ay hindi ninyo lahat siniseryoso ang mga bagay-bagay." Labas nito sa isang folder at nagulat ako ng makitang record naming lahat ito.

Anak nang...

Wala namang nakasagot sa kanya dahil maging ako ay na-guilty.

"Niintindihan ko naman na ngayon kung bakit ganoon ang nangyayari. At ang simpleng dahilan ay hindi niyo pa kasi nakikita kung anong mayroon sa School na ito nang harapan," dugtong pa nito.

"I am aware that this might bring danger for you but I have faith in you, Rulers. I know that you can protect each other. I know all your skills and that's enough to protect the student, as well as yourselves." he hopefully says as he darted his eyes upon us. Bagay na ikinatukom lang naming lahat.

Kita ang galit at lungkot sa mga mata ng Lolo ko. Hindi ko sya masisisi kung bakit napaka-importante sa kanya ng school na ito. Ito ang kaisa-isang school na naging dahilan sa lahat ng yaman ng angkan ni Lolo. At alam kong hindi papayag si Lolo na mawala ito kahit na marami na kaming ibang negosyo. Dahil para sa kanya, mas maganda ang pangalagaan kung saan ka nagsimula. At ito ay ang pagsasaayos ng school na ito.

"Pa, hindi ako payag." Dad stood up na ikinagulat naming lahat. "Hindi ako sang-ayon sa sinasabi mo. Delikado, at base sa mga sinabi mo. Alam kong mas lumala ang problema ng University ng mawala kami. Pero hinding-hindi ko pababayaan na ilagay mo ang buhay ng mga batang ito sa panganib para lang masalba na naman ang eskwelahan mong ito!" Dad raises his voice with anger but his eyes shows pain and apprehension. I saw how he clenched his fist, bagay na ikinalakas ng kabog ng dibdib ko sa takot.

This was the second time I saw Daddy these mad. Ang una'y noong umuwi siya sa bahay at sabihin niyang wala na si Mom. It's actually weird, nang makita kong ganoon ang reaksyon niya. He never cry noong burol ni Mom, and that proves me that he never loves Mom.

But this time, I'm afraid that he is pertaining for what happened twenty years ago. The day of their victory at ang araw kung kailan din sila nagkawatak-watak.

"H'wag kang makisali, Edward! Hindi ako humihingi ng opinyon mo! Kasalanan niyo ito! Kung hindi niyo inayos ang trabaho niyo! Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito!" Lolo yelled at him, bagay na ikinatahimik naming lahat. Walang pagkurap, at pigil hiningang tinititigan ang dalawa.

Lolo never been mad like this.

"Hindi ginawa? Ginawa namin ang lahat! Muntik pang mamatay ang iba. Then you're underestimating all we have done?! Baka kayo ang may kasalanan! Alam niyo kung sinong mga tao ang hindi maaring papasukin sa school na ito pero you still accepted them! Hindi! Hindi ko hahayaang maulit ang lahat ng 'yon, hindi!" kontra pa ni Dad kasabay nang malakas nitong paghampas sa upuan.

Hindi ko sila maintindihan. Anong delikado? Ganun ba talaga kalala?

Lolo made a deep sigh. "Shut up Edward. Let them choose," timping sagot ni Lolo.

"Rulers, ito ang unang beses na papipiliin ko kayo. Do you still want to be The New Harrison Rulers? Tumayo ang may gusto. At manatiling nakaupo ang ayaw. You can choose rulers. Hindi ko kayo pipigilan," matapang na ani sa amin ni Lolo at prenteng nang umupo.

Bagay na ikinakaba kong bigla. Ramdam ko ang tensyon sa loob ng meeting room. Lalo na noong titigan kami ni Dad at Lolo habang umaasa sa sagot na gusto nilang marinig sa amin. Lolos' expression is still calm, but Dad face drained out its color.

Badtrip! Bakit ba napunta kami sa ganitong sitwasyon?

Tatayo ba ako o hindi? Ako dapat ang unang tumayo! Dahil ako ang leader! Ano? Naduduwag na ba ako sa pwedeng mangyari sa akin kapaag lumabas ako sa restricted area?! No, that's too gay!

Pero bakit ang bigat?! Bakit ang hirap bigla tumayo? Kainis!

Ngunit nagulat ako ng biglang tumayo si Ash na talaga namang ikinanganga ko.

KIERA TAYLOR

This is Hell! Paano ako sasangayon sa bagay na ni minsan sa buhay ko hindi ko naisip?! For the first time, ngayon ko lang naramdaman ang mapresure!

Si Kurt! Kapag sumangayon ako parang ginusto ko na rin siya makita araw-araw! Hell no! Pero napatigil ang puso ko ng makita ko ang kambal kong tumayo.

Ano na naman ba 'to Ash?!

Dahilan upang tapunan ko ito ng masamang tingin.

I darted my eyes to his giving him a what-the-hell-are-you-doing-look. But he gave me what-do-you-think-look instead. And those gestures boiled by blood!

Bakit ko nga naman ba naisipang itanong 'yun!

I looked at him again confirming kung sigurado na ba talaga ito ngunit nagkibit-balikat lang ito na inis ko na lang ding ikinatayo.

Adik talaga 'tong kambal kong 'to!

Bahala na! Kailangan ko siyang samahan, kailangang magkasama kami sa lahat ng oras. Natural, kambal kami, dapat lang.

AGATA FONTELLAN

Sa totoo lang ay naguguluhan ako sa nangyayari. Yes, I know how much danger approaching to us, but the expression of this two man still puzzled me.

First is Mr.Takashi expression that seems so worried about us. I know what he is up to, but his problem is way too connected about what happened in the past.

Ano nga ba talaga ang nangyari Legendary Rulers twenty years ago?

And last is this old man gestures, I never failed on reading someone's expression. But this old fart must be hiding something. I saw how he smiled before we hear his decision. And I never convinced by his act na concern talaga ito sa amin dahil sa ngiting iyon.

Hindi ako sigurado sa lahat, pero dalawa lang ang maaring maging ibig sabihin ng galawan ng matandang ito. It's either he is just an ordinary business minded man. O may plano ito sa aming iba sa hinaharap. Planong ipinapanalangin kong imahinasyon ko lang talaga.

I looked at my right side and I saw how Ethans' ate his fingernails again. Kaya agad na nagsulubong muli ang kilay ko at sinuway ito.

"Stop eating your fingernails!" mahina kong suway dito na ikinapula na naman ng kanyang tainga.

Bagay na ikinalakas na naman ng pintig ng puso ko dahil sa lakas ng epekto ng lalaking ito.

But I panicked when he started to lower his eyes as its starts welling. Bagay na madali kong ikinahawak sa kamay nito, at kahit na dumadagundong ang dibdib ko'y pinangahasan ko pa ring gawin ito.

"Tara na, tumayo na tayo." I smiled as he looked back to me, with flush crept up his face.

"A-ano?" utal pa nitong tanong na sinagot kong agad ng ngiti.

I love reading this man expression. It's too obvious, and these make him so adorable.

"Samahan mo akong tumayo. Ililibre kitang icecream," yaya ko dito pero nanatili pa rin itong nakatulala sa akin.

But in just one snap, his face lit up as he cares my hand para isabay akong tumayo kasama siya.

Bagay gusto kong ikatawa, pero ang paghawak nito sa aking kamay ay nagpapanatiling tulala sa akin.

Oh, god. Natamaan na ng lintik.

BLAISE HARRISON BLAIRE

Ikipinanlaki ng mata ko ang bigla ring pagtayo ni Agata at Ethan. Pero mas ikinakunot ko na ng noo nang gulat ding napatayo si Landon at Linzy.

Kita ko pa ang pagaaway ng dalawa, pero nang marealise nila ang kanilang ginawang pagtayo ay tila mangiyak-ngiyak na ang mga ito.

Langya! Ni hindi ko alam kung pinagisipan ba nila ang pagsangayon!

Naghahanda naman na akong tumayo ng maunahan ako ni Hunt. Tsk badtrip. Mukhang ako pa tuloy ang naduwag!

Bahala na! Bahala na kung paano namin haharapin ang lahat! Bahala na!

Tumayo na rin ako ng may pagka-inis. Sino ba kasi ang nagbigay sa kanya ng idea na ganito? Mapapatay ko talaga siya! Pagsisisihan niya ang araw na kausapin niya si Lolo!

Napatingin ako kay Lolo ng pumalakpak ito.

"Great decision, Rulers. Sinasabi ko na nga ba't hindi ako nagkamali sa pagpili sa inyo. Matatapang! Walang inuurungan. Don't worry I'll announce this good news tomorrow. Aayusin ko na lahat ng dapat ayusin. But for now, umuwi na muna kayo. Be ready for your big day tomorrow," ngisi nito at naglakad na papalabas ng pinto. Bagay na sinundad agad ni Daddy pero bago iyon ay pinasadahan niya muna kami ng tingin. Tinging punong-puno nang pagaalala.

"Oh by the way. Gusto niyo bang malaman kung sino ang nagbigay sa akin ng magandang ideang ito? Napakatalinong bata talaga noon. Manang-mana sa kanyang Ina," habol na sabi ni Lolo bago tuluyang makalabas ng pinto.

Yes Lolo, I want to know who the hell is she!

"It's Myrttle. Your co-member. Okay, Good luck, Rulers. See you tomorrow." tuluyan nitong sarado sa pinto.

Bagay na ikinainit agad ng ulo ko!

Si Myrttle?!

That girl! Arrgh!

Pweh! Did I say to myself earlier na dapat kong pasalamatan kung sino nagsabi kay Lolo non?! Yuck! She even makes the situation worst! Myrttle, kahit kelan talaga wala ka ng nagawang matino!

"Ikaw kasi 'eh! Napaka OA mo! Abg hina hina lang namang ng hampas ko may pag-standing ovation ka pa!" Linzy groaned habang masakit na tinatampal nang paulit-ulit ang braso ni Landon.

"Bakit ako?! Sino ba kasing nagsabi na hampasin mo ako?! Close ba tayo huh? Close ba tayo! Sino ba kasi ang kinakikiligan mo!" Iritang sigaw din ni Landon na namumula na dahil sa hampas ni Linzy.

Nakakairita talaga 'tong aso't-pusang 'to!
Lagi na lang away nang away!

"Tara na libre na kitang ice-cream," biglang singit ni Agata na ikinakislap lalo ng mata ni Ethan. Bagay na ikinahampas na naman ng matindi ni Linzy kay Landon, na agad ko ring ikinagalit!

Huwag nilang sabihing ito ang dahilan kung bakit sila tumayo?!

"Ash, Hunt, Kiera. Kayo? Bakit kayo tumayo?" mahinahon kong tanong dahil hindi ko inasahang tatayo sila! Badtrip lang.

"Gusto ko lang kangawit umupo 'eh." walang buhay na sagot ni Ash.

"Tumayo kasi si Ash 'eh," dismayado namang tugon ni Kiera.

Pero isang bagay pa ang mas ikinainis kong tugon.

Hunt just gave me a shrug at sinaksak na ulit ang headphone sa tenga nito.

Sa sobrang inis ko na tila sasabog na ako, kaya padabog na akong nagtungo sa pinto para lumayas na sa harapan ng mga ito!

Ugh!

Kasalanan itong lahat ni Myrttle!

TO BE CONTINUED ~



AN:

Survey Alert!!

Sino ang gusto niyo ?!

BLAISE-the Saltik/beastmode type
Landon-the GGSS ? GWAPONG GWAPO SA SARILI TYPE?
Ethan-the childish type?
Hunt- the cold type?
or
Ash- the cool type?

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon