Chapter 47: [Dayle Trinidad]

116K 3.9K 487
                                    

LINZY

Agad akong napatingin kay Myrttle nang agaw eksena itong tumayo mula nang lumabas ang sinasabing exchange student ni Tandang Davian. I used to call him Tanda for his cool hair color, grey.

"D-Dayle." Rinig ko ang habol hiningang bulalas ni Landon na halos maging sila Blaise.

Pero wala nang mas gragrabe pa sa reaksyon ng lahat, nang makita ko ang mabilis na paglinya ng luha ni Myrttle sa pisngi nito.

Shee.... What's happening? Sino ba ang exchanged student na ito at ganito na lamang ang reaksyon ng lahat?

Maputi, balingkinitan, baksak ang buhok at may maganda at matatalas itong mga mata. Pero wala akong naalalang kinwento siya ni Ethan sa akin. I must know, we are that close.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa lahat maging kay Dayle Trinidad. Pero ikinatigil ko nang mahuli ko ang ilang segundong pagkawala ng ngiti nito nang maibaling nito ang tingin kay Myrttle.

The most suspicious smile I've ever seen in my life. Sinubukan kong tignan ang reaksyon ni Myrttle. Pero huli na ako nang madatnan ko na itong nakayuko. And by this time I knew that there's something wrong between the two.

"Hi everyone." Mahinhin ang pagkakabating iyon ng babae. Which I really didn't expect dahil sa matatalas nitong mata.

"I am Dayle Trinidad, eighteen years old. I really hope we could all be friends," kaway nito sa napakaganda nitong ngiti. Pero kahit na anong tamis pa ang ipakita nitong ngiti sa akin. Hinding-hindi mawawala ang suspisyon ko sa kanya sa tingin nyang iyon kay Myrttle kanina.

Rinig ko ang samut-saring bulungan ng mga roommates namin. And obviously, puro magaganda ito. Pero bakit ganoon? I used to praise things that is beautiful. Pero ibang-ibang kasi ang datingan ng taong ito sa mapanuri kong mga mata.

"Hey kaps," I called Landon.

"Who is she?" tanong ko dito nang walang paglingon. I didn't want to take my eyes away from my prey.

Nainis ako nang ilang segundong hindi ako sagutin ni Landon. Hindi pa man lumilingon ay naiimagine ko na itong naglalaway sa kagandahan ng babae sa harapan! Bwisit.

Pero iba ang Landon na nilingon ko.

"She's Dayle. Our long lost childhood friend." He seriously spoke as one sad smile appeared on his lips.

E-eh?

"Anyway, your Logic class is cancelled. The faculty conduct an urgent meeting. So you may take your five hours break," agaw eksenang anunsyo ni Tandang Davian na nakapagpalaglag sa panga ko nang tuluyan. Nang mag sink in na sa akin ang lahat ay buong tili kong hinampas ang braso ni Landon.

"Walang Logic!" Masaya ko pang kurot sa braso nito na hindi niya nalang sinuway pa. Natawa ako sa ginawa ni Landon, dahil sa sobrang daming beses ko na siyang nahampas sa braso ay na-immune na ito sa sakit. Hindi ko na ito pinansin dahil mabilis ko nang sinuot ang bag ko't tinungo si Myrttle para tabihan.

I was about to take my first step para lapitan si Myrttle nang biglang mabilis na tinakbo nitong Dayle si Blaise para yakapin ito ng sobrang higpit. Halos magpabuhat pa nga.

Sa sobrang gulat ko sa ginawa niya ay hindi ko maiwasang hindi mapakunot ang noo...Hell?

"Blaise! Namiss kita ng sobra!" Kaliskis pa nito kay Blaise.

Teka. Ang init eh, parang bigla akong hina-highblood.

Nakita ko kung gaano ka awkward ang ngiting itinugon ni Blaise, na agad ko rin namang ikinairap. Ang akala ko gusto niya rin. Tss. Solid ako sa kanila ni Myrttle 'no.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon