Chapter 69: [Me]

132K 4.2K 675
                                    


I dedicate this chapter sa lahat ng nagpadedicate sakin last na Update ko. Huhu Sorry Ulyanin ako Kindly comment here para ma tag ko kayu isa isa.. SALAMAT. 😢💪😘😮

MYRTTLE JOONG

Hindi ako makagalaw, tulala parin ako sa usok na bumabalot sa kalangitan. Magiilang minuto na akong tulala sa usok na gawa ng pagsabog. Umaasa na makikita ko pa silang dalawa muli, umaasa na bumalik pa sila.. Umaasa na.....

Umaasa na ligtas pa silang dalawa ngunit.....

Alam kong hindi na..... Dahil ako mismo ang bumitaw sa kanila...

Sa ilang minutong aking pagkatulala ay hindi parin maintindihan at marurok ng aking isipan ang nagawa ko. Paulit ulit ang pagtanong ko sa aking sarili ng tanong na 'bakit'.

Bakit ko sila pinabayaan?

Bakit ko sila hinayaang makuha ang bombang iyon?

Bakit hindi ko sila napigilan?

Bakit.... Bakit nagtiwala ako ng husto na magagawa nilang i deactivate ang bombang iyon....

Bakit...

Bakit ko hinayaang mangyari ang bagay na alam kong masasaktan ang lahat.... Nag desisyon akong magisa, nagdesisyon akong pakawalan si Hunt kasama ang bombang iyon at si Dayle..

Ngayon, ngayon ako ang dahilan bakit wala na ang kaibigan kong si Dayle... Si Hunt, ang bestfriend ng taong mahal ko.. At ang pagtangis nila lahat ngayon ay ako ang may gawa...

Ako ang may gawa nang lahat..

Kasalanan ko..

Kasalanan ko itong lahat!

BLAISE HARRISON BLAIRE

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tila ba gumuho ang mundo ko kasabay ng pagsabog nang sinasakyan ni Hunt at Dayle...

Si Hunt.... Ang bestfriend ko...

Wengya, ang duga duga mo naman eh... B-bakit kailangang humantong sa ganito ang pagiwan mo samin.

~*~

Noong bata pa ako ay wala akong hilig makipaglaro sa ibang mga bata dahil ipinagbabawal sakin ni Mommy ang lahat. Ayaw niya akong nakikisalamuha sa iba lalong lalo na sa mga anak ng dati nilang kasamahan. Pero nagiba iyon mula ng isang batang lalaki na laging nakangiti ang lumapit saakin nang umatend ang pamilya sa isang reunion.

"Hey, want lollipop? " nagulat ako ng may magsalita sa tabi ko.

Nasa Garden ako ng venue kung saan malayo sa lahat. Ayaw din akong isama ni Mommy sa kung saan siya nandoon sa hindi malamang dahilan. Kung minsan ay naisip ko kung ikinahihiya ba niya ako pero tinatanggal ko iyon sa isip ko dahil naniniwala akong mahal ako ng Mommy ko.

Hindi ko tinanggap ang alok saakin ng lalaking kasing edaran ko rin. Maayus ang pormahan nito at sa tingin ko ay anak siya ng isa sa mga nagtataasang tao sa lugar na ito ngayon.

"Yabang naman nito hindi ako pinapansin. Edi h'wag. " Bulong nito sa hangin na ikinainis ko.

Agad kong kinwelyuhan ito at inangilan.

"Hindi ako mayabang! " Sigaw ko dito pero tumawa lang ito saakin. Na mas ikinainis ko kaya naman sinagot kong muli ito ng pagsalubong ng aking kilay.

"Mayabang ka kasi ayaw mong tanggapin ang binibigay ko sayo." Walang ganang wika nito sa pagmumukha ko.

"Eh pakialam mo ba? Eh sa ayoko eh!" Angil ko dito pero tumawa nanaman ito na ikinainis ko at nagulat ako ng isumpak nalang nito sa bibig ko ang Lollipop na galing sa Bulsa niya matapos nitong tanggalin ng mabilis ang balat nito.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon