Chapter 18: [ Worried ]

151K 5.7K 1.3K
                                    

BLAISE HARRISON BLAIRE

Napatulala kaming lahat at maging ako ay napatulala sa lumang building na nilalamon na ng malakas na apoy ngayon. This is Hell! Sino ang gagawa ng ganito sa University?! Mabuti nalang at walang nagkla-klase sa building na ito. Pero takte lang talaga!

Hindi ko maipaliwanag ang takot na naramdaman ko sa pagkakataong 'to. Oo sanay na ako makakita ng mararahas na mga pangyayari. Pero ayokong may nadadamay na inusente. Mabuti nalang talaga at—

Ngunit agad akong napatakbo sa nagliliyab na gusali nang may nakita akong babae sa bintana nito.

"Sh*t."

Pero mas ikinagulat ko ng maunahan ako ni Myrttle sa pagtakbo. Dahilan upang makaramdam ng mas matinding kaba.

At anong tingin ng babaeng to sa ginagawa niya?!

"Myrttle saan ka pupunta?! Myrttle!!" Sigaw ko dito ngunit ni hindi siya lumingon sakin at tuluyan nalang na pumasok sa main entrance ng nasusunog na building!

Badtrip, talaga naman oh!!

"Blaise!!! Myrttle!!"

Rinig kong tawag nila saamin pero hindi na ako lumingon sa kanila.

Badtrip naman! Sa ginagawa ng babaeng 'to ngayon mas lalo akong kinabahan! Kapag naabutan lang talaga kitang babae ka patay ka talaga sakin!

Kainis! Ano siya super hero?! Kababaeng tao ang hilig mag stunts mag-isa!

Arrggg!!

Ang sakit mo sa ulo!

"Myrttle!"

Sigaw ko sa kanya ng makapasok na ko sa entrance pero hindi ko na siya makita. Lumalagablab na apoy ang sumalubong saakin at ang sakit sa balat ng usok at hanging inilalabas nito. Badtrip lang ang lakas na ng apoy! Ang kapal narin ng usok at ang sakit na nito sa mata.

"Myrttle!! Where the hell are you?!"

Sigaw ko pa dito pero walang sumasagot.

Agghhh!! Nakakainis! Kinakabahan ako na ewan! Tsk!! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko!

"Blaisee! Blaiiseee!"

Ngunit naging alerto ako ng makarinig ako ng tumatawag sa pangalan ko kung saan. Kaya tumakbo ako sa kinaroroonan ng boses na iyon. Nang malaglag ang nagliliyab na ceiling malapit saakin. Mabilis akong nakakilos at nailagan ko ito.

"Muntik na!"

Mariin kong sigaw. At napahawak nalang sa aking panyo at itibaki ito saaking ilong at bibig..

Ugh! Where the hell is that lady?!!!

Nang makarating ako sa kinaroroonan ng boses ay nakita ko si Myrttle at isang babaeng may salamin.

Ugh!! Badtrip, bakit ko ba nakalimutang itong babae palang ito ang dahilan kung bakit ako sumugod dito! Bwisit kasing Myrttle 'to 'e!

"Blaise help!!" Tawag sakin ng babae.

No! This can't be!

Siya 'yung nerd na yumakap sakin kanina!

Agad ko naman siyang nilapitan at itinayo sa pagkakaupo niya sa sahig. Sa hindi malamang dahilan ay mas lumakas ang pagtangis nito kaya naman nataranta ako lalo. Hinaplos ko ang ulo nito at seryoso lang itong tinignan.

"Ligtas ka na, huwag ka ng umiyak pa. Lalabas na tayo sa lugar na 'to." At kasabay niyon ang pag tayo ko dito para inalalayan siyang makatayo ng maayos.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon