Chapter 2 : [ The Fountain]

360K 8.4K 1.2K
                                    

Myrttle's Point of View

ISANG LINGGO na ang nakalipas magmula noong makapasok ako sa University. Kaunti na lamang at magsasawa na ako sa paulit-ulit na ganap sa paaralang ito.

Ngunit hindi ko maitatanging ang nakapagpapanatili sa'kin dito'y ang mga kahina-hinalang bagay na napapansin ko sa paaralan. Mga bagay na hindi pangkaraniwan at mga bagay na aking kinakatakutan. Kaya naman isang linggo ko na ring inoobserbahan ang mga ikinikilos ng mga estudyante dito.

Basta, hindi ako komportable sa mga bagay na iyon at ayaw kong magpakakampante.

Ito ang kauna-unahang vacant time ko na hindi ako busy. Kaya naman napagdesisyunan kong maglakad-lakad, hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa pinakasentro ng school kung saan naroon ang fountain.

Pansin kong hindi puntahin ng tao ang fountain bagay na katakha-takha. Ngunit nasagot iyon nang makita ko ang tila pinapabayaan na ang tubig na halos magkulay berde na.

It looks creepy but that whats makes it so special to me, I think.

Ramdam ko na naman ang mga pares ng matang nakamasid sa akin, ngunit hindi ako nito natinag at isinawalang bahala na lamang muli. Dahil kung may dapat mang matakot sa amin, sila iyon.

I don't know, napakapamilyar ng mga aurang nakapaligid sa'kin. May mga pagkakataong makakakita ako ng taong tila nakilala ko na rati, ngunit hindi ko matandaan kung saan.

I can't stop blinking in front of this magnificent fountain.

The fountain consist of twelve figures of warriors—six men and six women. It's like I am seeing a statue of the Greek gods and goddesses, but I know they're not. They probably representing different personalities from the past. Something very important, para pagtayuan ng ganito kagarbong rebulto.

They were made of crystals, kaya naman kumikinang ang mga ito sa malayuan. Lalo na't kung nasisinagan sila ng araw. Ang bawat isa'y may ipiniprisintang kulay. Bagay na sadyang napakagandang pagmasdan dahil sa tila bahagharing ilusyong nagagawa ng mga ito.

Napasingkit ang mga mata ko sa mga tangan ng mga itong bagay.

Wait... Is that a... weapon?

I was right. These figures are holding different kind of weapons. At kinalulundayan iyon ng mga simbulo.

Ang ganda. Ito ang paulit-ulit na sinasabi ng utak ko. Ngunit sa paglibot ng aking mata'y isang pigura ang nakaagaw nang husto sa atensyon ko.

Isang babae. Babaeng may hawak ng pana at palaso.

Kulay pula ang kristal nito na binabagayan ng ginto nitong sandata. Bagay na kamangha-mangha dahil sa nagliliyab nitong ityura sa sinag ng araw.

At tuluyan akong natigilan ng matanaw ko ang simbulo nito. At sa hindi malamang dahila'y ikinabigay rin iyon ng dibdib ko. Taglay niya ang isang nagliliyab na ibon. A Phoenix.

"Beautiful isn't it?"

Isang boses ang nakapagbalik sa'kin sa realidad. Boses ng isang matandang lalaking agad kong ikinalingon.

An old man was looking at the fountain as same as I. Narrowing his stare at the archer before looking back to me.

Napakasupistikado ng kanyang kasootan. Nakikita ang kanyang katandaan sa puting-puti nitong buhok. Pero gaya ng nakagawia'y hindi ko lang ito pinansin at ibinalik lang ang atensyon ko sa fountain.

I don't like how he stares at me, na para bang kilala ako nito at tuwang-tuwa pa siya na makita ako.

"They are the twelve Legendary Rulers of this University, Ms. Joong."

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon