Author's Note

170K 3.3K 679
                                    

Hi Readers/Rulers/HUTSOMians o ano pang gusto mong itawag ko sayo ahaha.

Gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat!

SALAMAT ng sobra sa pagtyatyaga niyong matapos ang HUTSOM. At Congrats din dahil naintindihan mo ang magulo kong imahinasyon!

SALAMAT din sa pagintindi at pagtatama saakin sa mga error ng akdang ito.  SALAMAT sa pagiintinding hindi ako perpekto.  Isang halik sa noo!  Hihi!

SALAMAT din sa walang sawang pagsuporta. At maraming maraming SALAMAT dahil naging parte ka ng Harrison University.

Wengya! Kaiyaq!  Jejeje lols.
Pero wala bang magaabot sakin ng tissue dyan  xD.

So ito na ang parte kung saan malalaman mo na ang pinagmulan ng akdang ito!

Questions :

1. Bakit Harrison University: The School of Monsters ang pamagat ng akda mo?

Answer:
Ang totoo nyan, hindi ko rin alam. Lols.  Pero ang natatandaan kong unang title ng HUTSOM ay ang
'Joke 'to? Tawa na ako?'

Iyan! Haha ganyan ka corny!  So ayun nga hanggang sa magusap kami ni pareng google at naghanap ako ng mga aplidong magandang pakinggan. Then wolla! Ayan na siya Harrison University na!

At kung anong rason kung bakit may School of Monsters at matataas na walls?! Tama! Nakapanood ba kayo ng Anime na ang title ay 'Attack on Titans'.
Yeah! Ahaha doon nanggaling ang idea na may lihim sa likod ng pader. Binaligtad ko nga lang kung nasaan ang halimaw.  Lols!

2. Bakit Mystery/Thriller ang Genre ng Hutsom?

Answer:
Gusto ko lang. Lols.
Pero Comedy sana ang una niyan. Kaso naisip kong corny ako kaya '❌' na agad.
Romance sana kaso hopeless romantic ako kaya '❌' din.
At ito pa! Fantasy sana ang HUTSOM! Kaso nacornihan nanaman ako.
Kaya Mystery/Thriller nalang talaga. Tutal mahilig naman ako mambitin xD lols. Agree?  Agree!

3. Anong naman pong dahilan niyo kung bakit mo isinulat ang HUTSOM?

Answer:
Ang totoo nyan. Wala talaga akong pakialam kung may magbasa nito. Wala din akong pakialam kung mag zero reads man or zero votes. Ni hindi ko nga alam kung san kayo galing lols.
Pero ayun, ginawa ko ito para masatisfy ko ang sarili ko. Na may mabasa ako balang araw pag naboring na ako sa buhay ko.

Actually hindi ko hilig ang pagsusulat. Magdrawing pwede pa, pero 'yung ito? Nevah! ahaha.

Pero syempre objective dito ay ang may matutunan kayo... Ako...  sa bagay bagay  dito sa mundo.
Matuto sa bawat aspeto ng sitwasyon ng isang tao. Ang matuto umintindi at mahalin ang kapwa. Ang matutong makisama. At ang matutong pahalagahan at ingatan ang pinakamahalagang mga tao sa buhay natin.

4. Bakit matagal mag Update si Miss Eli?

Answer:
Kasi nga 'di ako writer! Eneveh ! Lols. Madalas din ako atakihin ng katamaran kaya . Tse! XD

5. Anong inspirasyon niyo upang magawa ang Hutsom?

Answer:
Madami..
Ininnspired ako ng Greek Gods and Goddesses. Kay ate April_Avery  kay Purpleyhan at ate Alyloony. Ng mga Movie na 13 reasons why, Descendant of the Sun, at Hunger games. Pero ayun nga ang main inspiration ko ay ang Attack on titans!  Kahit hindi ko pa siya tapos <\3

And last but the most awaited announcement you want to know..

6. Bakit ganun ang Ending?

Sagot:
DAHIL MAY SEQUEL! MAY BOOK 2! MAY SEASON 2! MAY PANGALAWANG LIBRO!

ahahaha..

Yes, you read it right. May Book two ang HUTSOM

******
UNTITLED:HE'S A MONSTER
Genre: Action/Mystery/Thriller/Romance
👇👇👇👇👇👇👇👇👇👇


At isa lang ang masasabi ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At isa lang ang masasabi ko.
Mamimiss mo ang POV ni Myrttle.
Dahil si Blaise na ang bida sa Book 2
^_~

SO KELAN SIYA MABABASA?
MERON NA! MABABASA NA SIYA HANAPIN NIYO LANG. Nagtatago pa naman 'yan ahaha..

But you can just type HUTSOM Sequel.  Lalabas na ang Book 2 sa search tab niyo!

Book 2 link : http://my.w.tt/UiNb/NKtKzU9LFF

Signing off:
Miss Eli (GhieBeloved)

Date started : December 4, 2014
Date ended: May 6, 2017

Salamat ng marami.
Paalam

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon