EPILOGUE

162K 3.8K 946
                                    

HARRISON UNIVERSITY:The School of Monsters
By: GHIEbeloved

*Three year later*

MYRTTLE JOONG

"How's my Mom?" tanong ko kay Tita Miesha na kasalukuyang nagcha-chat nanaman sa long distance boyfriend nito sa Korea. Tsk, hindi nalang kasi magsama 'eh. Isang lipad nalang naman.

"She's fine, matalino kong pamangkin." Tuluyan nitong baba sa telepono niya. "Kinaya niya naman ng kambal ko ang last surgery para sa kanyang full recovery," ngiti nitong sagot sa akin na sinagot ko rin ng isang ngiti. Ngiting wala ng halong pagkalungkot. Ngiting kaya ko nang buuin dahil wala na akong dapat ipagalala. Gumagaling na si Mom and thats enought to be genuine again. Ang mabuhay ng wala nang sakit sa dibdib. Ang mabuhay ng malaya sa mga sakit ng nakaraan namin.

Ngiti ko nang pinalingan ng tingin si Mom.

I thought being one of the four divisions Queen are enough to be called strong being.
But seeing my Mom? Knowing all the hardship she had. Makes me see her as the strongest woman on earth.
Mothers  are, they are all great for all they can do for their child.

And seeing her fighting still. Makes my heart flattered everytime. Lumaban ito dahil sa amin ng kambal ko. Lumalaban, sa loob ng mga taong wala ito sa tabi namin. Sa pag-asang balang araw ay makakaharap din niya ang kanyang mga anak.

Her skin are turning rosy again. Unlike how pale she was noong araw na makita ko siya sa ospital na ito. Ang kanyang buhok ay lumalaho narin. At nakakatuwang pagmasdan ang buhok nitong kasing tingkad ng pagkapula ng sa akin. The thing I should be proud of.

Sumailalim ang Mom sa isang prestihiyosong gamutan kung saan mababa lang ang magiging epekto ng mga gamot sa katawan nito. Kaya naman paunti-unti. Ay mas nagiging malusog ito.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang lampasan ang masalimuot kong nakaraan. Ang masalimuot na pakiramdam kung paanong talikuran.
Pero heto ako ngayon. Nakatayong matatag, buong-buo, at punong-puno ng pagmamahal ang puso.

Ang akala ko'y wala ng katapusan ang lahat sa buhay ko. Ang pabigat nang pabigat kong mundo. Ang buhay kong punong-puno ng delubyo. Pero nagkamali pala ako.

Madalas nating isipin na ang lahat ng masamang bagay na nangayayari sa buhay natin ay mga bagay din na parusa sa ating lahat. Mga pasakit na kung madalas nating isisi sa iba.

Pero ang totoo? Hindi iyon para parusahan tayo. Hindi iyon dahil sa ito ang papel mo sa mundo. Ang kaawaan, ang maging talunan, at pagsakluban ng langit at lupa.

Ang totoo'y ang lahat ng bagay na iyon ay nagkakalakip-lakip para mapabuti tayo. Para mapatatag tayo. At para matuto sa bawat aspeto ng buhay na mayroon tayo.

These what life teaches me.

Life are sometimes tough, but bad situation doesn't exist to make us feel giving up.
It is existing to make us a fighter.
Its one of the ingredients of being strong enough.

I can't help myself for not crying. I am too overwhelm of everything. I wanted to say thank you for the Almighty God above. But I know that no words can describe how thankful I am right now.

"Why are you crying?!"
Ikinagulat ko ng may magsalita sa tabi ko. Bagay na agad kong ikinakunot ng noo, dahil kilala ko kung sino ito.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko. "Anong ginagawa mo dito?" bungad ko ditong sermon na ikinabungisngis niya lang.

"Sinusundo ka?" pangungulit nitong sagot na inikutan ko lang ng aking mata.

At kung sino siya?

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon