Chapter 30: [ Special students ]

168K 4.8K 1K
                                    

BLAISE HARRISON BLAIRE

Makailang sandali pa bago ko tuluyang mapagdesisyunan na tuluyang pabayaan si Ken. Nakakainis, dahil hindi ako pinapatahimik ng konsensya ko dahil sa nagawa ko kay Myrttle! At alam kong hindi gagana ang utak ko ng maayos kung may bumabagabag saaking ganito. I hate to claim that it was my fault but I need to apologize to her!

Pambihira naman kasi. Bakit ba kasi siya umiyak?! Kasalanan naman niya ah?! Sinagad niya ako. Pero nasobrahan ko lang talaga siguro. Ugh, this is so frustrating.

Nang tuluyan na akong makapasok sa silver gate ay agad akong nagpunta sa lugar kung saan ko siya makikita – sa likod ng main building. Alam kong malaki ang posibilidad na nandoon ito dahil kung ilalagay ko ang sarili ko sa kanya... At ganoong kasakit ang binitawang salita saakin ng isang tao... Gugustuhin ko ring mapag-isa...

Ugh! That's it Blaise. All you've done just hurt her that much! And you're f*cking aware of that!

Hindi ko na rin inintindi si Ken na kanina pa tawag ng tawag sa telepono ko. Hindi ko iyon pinapansin dahil baka siya pa ang mapag-initan ko ng ulo. Pero hahabol ako sa usapan naming ni Ken ngayon dahil kailangan ng presensya ko sa lugar na iyon. Kailangan ko lang talagang unahin si Myrttle dahil miski ako ay nasaktan ng makita ko ang mga luhang iyon.

Ang totoo'y wala akong ideya kung bakit ako nagkaka-ganito. Bagay na napakawirdo dahil ang pananakit dito ang ginusto ko simula palang ng malaman kong anak siya ni Aimi. Pero ngayong nasaktan ko na siya at napaiyak pa...bakit imbis na makuntento ay tila pinipiga lang nito ang dibdib ko.

Nang malapit na ako sa likuran ng Main building ay binagalan ko na ang pagtakbo ko. Pawis na pawis narin ako dahil hindi biro ang layo ng bwisit na Main building na ito sa pinasukan ko. Nakakairitang pagpawisan, pero tinitiis ko maabutan ko lang si Myrttle.

Pero ngayong napakalapit ko na sa kanya ay tila naurong bigla ang dila ko dahilan ng paghinto ko.

Anak ng tipaklong! Ano namang sasabihin ko?! Magsosorry ba ako?

Malamang 'yun nga ang pinunta ko dito 'e! Pero badtrip lang, bakit ako kinakabahan ng ganito!?

"Ugh! Kalamayin mo ang loob mo Blaise. Isang sorry lang sabay alis ayus na. Tama! Ganoon lang!" Mariin kong bulong sa sarili ko at muling humakbang paabante. Pero nakakatatlong hakbang palang ay napaatras ulit ako ng isa.

Dang! Kinakabahan ako! Ano ba kasing eksaktong sasabihin ko?!

"Sorry na?" Kamot ko sa ulo ko at napakagat nalang din sa aking kuko.

" Darn, that's too short!"

"'E kung sorry na talaga dahil hindi ko naman talaga sinasadya?"

"Ugh Blaise! That's stupid! Nasabi mo na at nasaktan mo na siya then what? Sasabihin mong hindi mo sinasadya? " Kunot noo ko muling bulong.

Sa ilan pang sadali ay nakita ko ang sarili kong paatras-abante sa kinapwepwestuhan ko. Para akong timang sa ginagawa ko bagay na ikinaasar ko kaya pikit-mata ko nalang nilakad ang lugar patungo kay Myrttle nang—

"Yah Myrttle naman 'e."

Malanding boses ng isang lalaking hindi pamilyar saakin.

Pero teka?

L-lalake?!

At nang mag sink-in saakin ang lahat ay tila nawala ang lahat ng alinlangan sa aking isip at kunot-noo lang na sinilip ang umbrella na nasa likod ng school. Hindi ko alam kung anong eksaktong nararamdaman ko pero ikinagagalit ko ang mga ideya na tumatakbo ngayon sa isip ko.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon