Chapter 14: [ Final Decision ]

171K 5.4K 159
                                    

HARRISON UNIVERSITY: The School of Monsters
By: GHIEbeloved

MYRTTLE JOONG

Lumabas na ako ng gate at hindi na pinansin ang mga asungot na bantay. Tss. Gusto ko sanang tanungin kung gusto na ba talaga nilang malagutan ng hininga pero huwag na lang. Nakakatamad.

Ngunit sa kakamadali kong hanapin ang sasakyan ko ay hindi ko sinasadyang makabangga ng isang lalake. Bagay na ikinatigil ko lalo na't naikalat ko pa ang mga papeles nito sa lupa. Na agad kong pinagpupulot ngunit laking gulat ko nang kumaripas agad ito ng takbo na tila may hinahabol.

Dahilan upang lalo akong magmadali para habulin siya. Mahirap na, baka importante ang mga ito!

Ugh...

This is strange because it is not my usual thing. Hindi ko gawi ang mag effort sa mga bagay na papahirapan ako. Pero ewan ko, hindi ko alam kung bakit ginugusto kong sundan siya. Hanggang sa tumigil itong humahangos kasabay ng pagtukod nito ng kanyang kamay sa tuhod niya. He is a mid-40 man na may matipunong pangangatawan. Katawang hinuhubog pang lalo ng polo shirt nitong hapit. Na binabagayan ng itim nitong salamin at nakakaintimida nitong mukha.

Sa totoo lang ay napamangha ako sa kakisigan at mga batak na muscles ni Manong. Kaya't hindi ko na namalayang ilang segundo na pala akong nakatitig dito.

"Tsk," rinig kong palatak nito habang may tinatanaw pa sa malayo.

"Manong?"
tawag ko pa na agad nitong ikinalingon sa akin.

"Oh, Iha ba't ka nandito?" walang maang na tanong nito sa akin.

"Nahulog kasi itong mga papeles mo noong nabangga kita, hindi mo ba nakita?" agaran at walang galang kong sagot dito. Pero ikinagulat ko nang bigla niya akong sagutin ng halakhak. Halakhak na halos ikamatay na ito. Bagay na asar kong tinapunan ng tingin dahil nakayayamot ang tawang iyon!

"Bakit ka tumatawa?" I gawked.

Humalakhak pa ito, "Teka..." pagpipigil pa nito kasabay ng pamumula ng kanyang mukha!

"Okay, hindi na. May naalala lang kasi akong ganyan sumagot sa nakakatanda sa kanya. Wala man lang—" tigil nito na tila pinipigilang muli ang kanyang tawa. Seriously?! "—po." Tuluyan na nitong tawa na mas lumakas pa. Bagay na pinagmasdan ko lang dahil mamatay na talaga siyang tumatawa.

Problema ba niya? At bakit ko siya gagalangin 'eh hindi ko nga siya kilala? Pero kilala ko man siya o hindi. Hindi naman talaga ako gumagalang sa nakatatanda.

Huminga ito ng malalim, "Okay. Hindi na. Sorry," tuluyan nitong tigil na sinagot ko ng tinging walang pagkainteres.

Lupet, punong-puno talaga ang paaralan na ito ng may mga saltik. Professor, estudyante, may-ari, rulers, at ngayon maging ang mga dayo? Tss.

"H'wag mo na kong tignan ng ganyan, Iha. Bati na tayo. But you know what? You really remind me of someo—" But I stopped him nang tuluyan ko na itong talikuran.

Gusto ko nang umuwi. Ngunit nagulat ako dahil nakakailang hakbang pa lamang ako'y nasa harapan ko na naman si Manong.

"Anyways, maraming salamat Tumatanda na talaga ako ni hindi man lang kita nakita kanina." Sabay kamot nito sa ulo niya.

Oo, pati nga ata dala-dala mong papeles hindi mo na naalala.

"Ah 'yun ba? Wala po iyon," walang buhay kong sagot dito, emphasizing the word 'po' para wala ng pagtalunan pa. At gaya ng inaasahan ay lumobo na naman ang mga pisngi nito. Magpipigil na naman sana ito ng tawa kaya tinaasan ko na ito ng kilay. Bagay na ikinatigil nito at ngumiti na lang.

"Ah-eh, here." Abot niya sa akin ng isang calling card.

"Para saan po?"

"Kapag kailangan mo ng tulong o kahit na ano, just call me. Kahit na ano. Natutuwa kasi talaga ako sayo," wirdong ani nito kasabay ng pagtalikod nito sa akin at naglakad papalayo.

Okay, what was that? Idadagdag ko na ba siya sa listahan ng mga may saltik sa school na ito?

Psh, bahala na nga. Nakasakay na ako sa sasakyan ko nang maalala kong tignan ang calling card na binigay ni Manong. Bagay na ikinabilog ng mata ko dahil sa nababasa ko.


F-For real?

Edward Blaire.
0975-212-7963
Harrison Ruler
TAKASHI.

F-For real?
Did I just met the powerful leader of the former Rulers?!
Oh God. H-He's Blaise father?!
B-bakit parang ang layo?
They've got to be kidding me.


BLAISE HARRISON BLAIRE

Natapos ang lesson namin kay Mr. Santos nang punong-puno nang aral at pagkasabik. Ito ang unang beses na nangyari ito sa klase niya. At kung ano mang binulong ng babaeng 'yun sa kanya? Natutuwa ako dahil nakatulong iyon kahit na papaano.

Ugh! Why do I need to tell this to myself? Pwe!

"Announcement: Rulers to the meeting room now," ani ng robotic voice ng isang babae na naririnig sa speaker sa buong restricted area. Napatayo naman ako bigla dahil dito. Ang alam ko'y ginagamit lang ito kapag may importanteng meetings.

"Tara na," yaya ko sa lahat na agad din nilang sinunod.

"Ano kayang meron? Parang napaka-urgent nong meeting," hinala ni Ethan.

"Kaya nga 'eh. Hindi kaya may gulo na naman sa University?" alala namang teorya ni Landon.

Gulo? Huwag naman sana.

"Maybe yes, maybe no. Psh. As usual, we're always clueless." Kiera frowned as she carelessly walks inside the elevator.

She's right, we don't have any idea what's happening outside this walls. Hindi namin alam. At ang isang beses kong pagpunta sa lugar na iyon ay talaga namang ikinagulantang ko. This University is turning worst. At ikinahihiya kong wala akong magawa dahil hindi ko man lang kayang i-handle ng maayos ang lahat. Tsk.

Nang makababa naman kami ay nadaanan namin si Ash sa waiting area ng Blue House habang nagbabasa ng libro.

"Ash, tara na," yaya ko rin dito.

Isa pa 'tong problema ko. Itong si Ash, mukhang nababagot na sa buhay namin tulad ng iba. Sa totoo lang ay maging ako'y ganito na rin ang nararamdaman. Ngunit wala akong kakayahang sabihin ang lahat ng ito kay Lolo, wala dahil alam kong magagalit ito kung pakielaman ko siya.

Lolo treated himself as a king, and like a king, no one can dictate him of even questioned his act.

Kaya nananatili akong tikom. Kahit inis na inis kong maramdaman ang pagkawalang kwentang leader ko sa grupong makapangyarihang itinuturing, ngunit wala namang kayang gawin. Ang maging makapangyarihan pero walang silbe.

Nang makarating na kami sa meeting room ay agad naming nakita si Lolo na may kausap sa loob.

"Sino kayang kausap ni Mr. Harrison?" rinig kong tanong ni Linzy na tanong ko rin sa sarili ko.

"Hindi ko rin alam Ate 'eh," Ethan shrugged kasabay ng pagsilip nito sa loob.

Tuluyan na kaming pumasok sa meeting room ngunit napatigil akong bigla sa bukana nito nang matanaw ko ang isang hindi ko inanasahang tao. Bagay na ikinatuyo ng lalamunan ko habang nakapako ang tingin ko sa kanya.

Nandito siya...
Nakaupo sa dati niyang upuan.
Sa upuang pagmamay-ari ko na ngayon. At sa upuang ginawa para sa kanya noon.

Tuloy-tuloy lang ang pagpasok ng mga kagrupo ko habang ako ay mababato lang sa kinatatayuan ko. Nakatitig lang sa kanya.

Sa ama ko. Sa taong kinamumuhian ko ng sobra.

"Oh, Blaise, apo. Ano pang ginagawa mo dyan?"

Ang sakit, ramdam na ramdam ko ang pamamanhid ng puso ko. Ang sakit at galit sa puso kong ilang taon na akong binubuhay.

Matagal na panahon na rin... Matagal na panahon na rin noong huli ko siyang makita.

Panahong madalas kong iniiwasan, at panahong ako mismo ang lumalayo.

Bakit? Para saan pa, ayoko na sa kanya.

Kontento na akong si Celine ang puntahan niya sa bahay at pasayahin ito. Pero ang puntahan ako sa bahay? Hindi na! Mas gugustuhin ko pang h'wag na siyang dumalaw pa kung ako lang din ang pakay niya.

"Blaise nandito ka na! Maupo ka na dito!" Tayo nito sa kanyang kinauupuan ngunit walang gana ko lang itong tinitigan. "Pasensya na. Namiss ko lang talagang umupo dito," alok nito sa akin pero hindi pa rin ako nagpakita ng kahit na anong reaksyon.

"OMG! Siya ba si Mr. Takashi?!" Linzy giggled.

"Hindi ko ito inaasahan." Kiera murmured. Madali rin itong nataranta at agaw eksenang lumapit sa aking ama.

"Mr. Takashi! Can I have your autograph?"

Seriously?!

"Ah—" He laugh. "Sure." Pirma naman nito.

Mayabang.

"Wait? You must be Ana's daughter! Kamukhang-kamukha mo siya!"
tuwang-tuwang bulalas nito.

"Ummh. Opo, Tito," sagot naman ni Kiera na ikinapupula pa ng pisngi niya.

Tss. They are wasting my time.

Napabuntong hininga ako at tumingin sa iba. Hati ang atensyon ng lahat, sa akin at sa aking ama.

Kaya naman inis akong naglakad nang deretyo lang ang tingin. Walang lingon-lingon, at walang kahit na anong emosyon. Nalagpasan ko siya nang mabilis at halos hindi ako makahinga nang mga segundong iyon.

Psh, stupid strings. Just cut it off, Blaise.

Ramdam ko ang pagsunod ng tingin nito sa akin dahil maging ang buntong hininga niya ay narinig ko. Pero hindi ko lang iyon pinansin at umupo na sa upuan ko. Prente at seryosong tumingin kay Lolo. I just need to ignore his presence. His damn stupid presence!

"Mr. Harrison can we now proceed?" I asked Lolo na ikinatahimik na ng lahat. Kasama siya.

"May sasabihin akong importanteng bagay." sagot nito sa akin.

Importanteng bagay?

"But Mr. Harrison wala pa po si Myrttle dito. Gusto niyo po bang tawagin ko siya?" Napatalon naman agad ang puso ko sa suhesyong iyon ni Landon.

Darn! Hindi pwedeng malaman ni Dad ang existence ni Myrttle!

"Myrttle? New member, Papa?" tanong ni Daddy kay Lolo.

Jeez!

"Yes, and she is A—" Dahil sa taranta ko ay pinutol ko na ang sasabihin ni Lolo.

"No!—" Bagay na ikinatigil nilang lahat, " I mean. We don't need Myrttles' presence here. So please proceed Mr. Harrison," palusot ko dito.

Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol kay Myrttle. Hindi!

"Okay," buntong hininga ni Lolo. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero nakita ko ang isang segundong pagngiti nito na lubos kong ipinagtakha.

"We need to change everything, Rulers," ani nito na ipinagtakha naming lahat.

Anong dapat ibahin? Anong lahat?

"What do you mean Mr. Harrison?" tanong ng bestfriend kong si Hunt.

"Everything."

Lumakad si Lolo malapit sa bintana at binuksan ang automatic na blinds nito. Matagal na rin noog buksan namin itong blinds. Kita dito ang buong Restricted area at ang pinakamataas na tower sa Harrison University. Ang clock tower na limitado lang ang maaring umakyat.

"Harrison Rulers, please take my apology. Wala akong Idea na ganito na pala kapalpak ang plano ko para sa inyo, mabuti na lamang at may isang taong tumulong sa aking iresulba ito," sinsero nitong paumanhin sa amin.

"All this time, ang buong akala ko'y maayos ang lahat, lalo na ang pagpapatakbo ko sa Harrison University. But those complacency blinded me from the true status of everything." Yuko nito at malumanay pang pumikit.

"Ang akala ko kasi ay magiging maayos din ang pamumuno niyo katulad ng mga nauna. Pero ako pa pala ang gumagawa ng hadlang para magawa ninyo ng maayos ang responsibilidad na ibinigay ko." His eyes gleamed in disappointed. Bagay na nakapagpatahimik sa aming lahat dahil hindi kami sanay sa Mr. Harrison na kaharap namin ngayon.

"Can I ask you something, Rulers? Please answer my question with all your honesty."
Ethans' color drained out when Lolo tap his shoulder.

"Si-sige po Mr. Harrison." He said after drawing his lower lips between his teeth.

"What do you know about Harrison University?" tanong ni Lolo na ikinakunot agad ng noo ko.

Seryoso ba ito sa tanong na iyon?

Ethan gulped, "H-Harrison University is one of the luxurious schools here in the Philippines, Mr. H-Harrison," sagot nitong tinanguan lang ni Lolo. Natapos ay ibinaling naman ang tingin kay Agata.

"How about you Agata?" He asked again. But the Agatas' reaction makes me irritated.

She's faking her smile as if she's getting bored of what Lolos' asking!

"Base on my research, Harrison University is the most — Yeah, luxurious school, but a weird school at the same time. That's only based on my research, in short I really don't have any idea what this university had." flipping her hair before sitting. Pero ikinatawa lang iyon ni Lolo.

Ano ba kasi ang gusto niyang malaman?

"Ikaw Ash, Iho." He questioned while crossing his arms. His face seems so bright, but his eyes are telling me different thing. He is indeed disappointed.

"University with useless professors." Bagot na bagot namang sagot ni Ash na ikinagulantang ko. Pero mas agaw eksenang tumawa si Edward Blaire, na agad ko ring sinamaan ng tingin.

"Kiera?" tawag naman ni Lolo kay Kiera.

But Kiera shrugged as if she doesn't know a thing, seriously?

"Ano ang alam ko? Ewan ko po. Pero base sa mga reports sa amin. Your students are getting worst," tipid nitong sagot.

"Don't tell me kambal kayo Ash, Kiera?" agaw eksenang komento ni Edward kasabay ng kanyang paghalakhak. "Akalain mong nakadalawa si Keyser kay Ana!" Halakhak pa nito. Na ikinatingin naming lahat sa kanya dahil sa wala sa hulog na singit ni Edward.

What's wrong with him?!

"Sorry," agad nitong paumanhin kasabay ng pag-ayus nito sa kanyang salamin.

"How about you, Hunt Spark?" baling ni Lolo kay Hunt.

"Don't know," tipid ding sagot ni Hunt. Bagay na hindi ko natakha-takha dahil natural ito sa kanya. Mabuuti nga't sumagot pa.

"Ikaw, Blaise?" Biglaang tawag sa akin ni Lolo na ikinagulat ko. Ngunit ng sasagutin ko na ito'y tila nakagat ko ang dila ko at hindi na nakapagsalita.

Pambihira! Bakit ngayon pa, kung kelan nanonood siya?! 'Eh, sinabi na nilang lahat! Ano pa bang isasagot ko? Ang i-summarize ang lahat? That's stupid! Bakit ba kasi hindi ako 'yong inuna.

"Alam kong wala ka ng masabi apo, dahil nasabi na nilang lahat. Don't worry I understand," pigil ni Lolo sa akin noong magsasalita na sana ako.

"That's the point Rulers. You only know the basic information about this school, not the reality behind these walls. And I'm very sorry for making you useless. I gave you the power to be a Rulers of this University without any idea kung ano at paano ito mangyayari." paliwanag sa amin ni Lolo.

"Someone told me that you can't rule the whole place without knowing how wild this University is. And yeah, she's right. Kinulong ko kayo sa lugar kung saan malayo kayo sa reyalidad. Malayo kayo sa lugar kung saan ko kayo itinalaga para pangalagaan." he stopped as if he's getting his energy to his deep loud sighs.

"Dati ay kontento na ako sa pagpasa sa inyo ng report patungkol sa mga estudyanteng nahuhuli sa video footage. Kampante na akong ituro sa inyo ang lahat ng kailangan upang paghandaan ang pagdidisiplina sa mga susuway sa atin. Pero mali ang bagay na iyon. Maling-mali."

Ikinatahimik naming iyon lahat, dahil totoo ang lahat ng ito. Wala kaming alam kung anong mayroon sa labad ng University na ito.

We rarely seen things that is happening inside the campus dahil dinadaanan lang namin ito. Hindi kami maaring makihalubilo sa nga estudyante dahil na rin pinagkakaguluhan kami. Kaya ang makulong nga sa loob nito'y himahadlang upang malaman namin ang tunay na problema ng paaralan.

Kaya mung sino mang nagsabi ng bagay na ito kay Lolo.

I think, kailangan ko siyang pasalamatan.

"That's why I decided to—" He paused as he slowly blinked his eyes a several times. And those gestures make me worried.

"Napagdesisyunan kong tama ang sinabi nito. Bukas na bukas din ay sa loob na kayo ng University kukuha ng mga minor subjects ninyo. But the training subjects ay sa loob pa rin ng restricted area. Dahil kayo lang ang may subject na ganoon." Napanganga naman kaming lahat sa sinabi ni Lolo.

S-Seryoso ba s-siya?

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon