Chapter 45 [Guilty]

150K 4.7K 1.1K
                                    

HARRISON UNIVERSITY: The school of Monsters
By: GHIEbeloved


BLAISE HARRISON BLAIRE

Umupo ako sa malaking bato na nakita ko kanina ng bumaba ako sa sasakyan ko. Malapit ito sa parking lot at malayo ito sa kanilang lahat.

Mula dito tanaw ko ang dagat at dama ko pa rin ang malakas at malamig na hanging dala nito.

Niyukom ko ang kamao ko at napayuko nalang ng marinig ko nanaman sa utak ko ang mga dahilan ng pagaaway ni Dad at Mom. Parang itong sirang plaka, at sobrang sakit sa tenga kapag nag e-echo ito sa utak ko .

Masakit, sobrang sakit para sa isang batang walang kamuang-muang dati na malamang ganun na pala ang pamilyang akala nito ay perpekto. Nakaka-trauma. At oo, siguro ito din ang dahilan kung bakit ako naging ganito. Mainitin ang ulo, mahirap pasayahin at madalang ngumiti. Sapat nang dahilan ang pagkasira ng pamilya para maging katulad ko.

'Tapos gaganunin mo lang? Ganyan ba talaga katigas yang puso mo huh?! Sige nga! Sabihin mo! Makatwiran ba yang ginawa mo?! Nakita mong umiiyak si Celine pero wala! Ni kahit na anong salita wala siyang natanggap sayo! Iniwan mo lang siya basta! At kung nakakalimutan mo! Birthday niya! Birthday ng kapatid mo Blaise... Birthday ni Celine'

Siya pa ang may ganang magsalita sakin ng ganun? Ang umangal? Akala ba niya hindi ko alam?!

Alam kong birthday ni Celine. Dahil ito ang panahong lagi kong hinihintay, ang mag diwang ng kaarawan ang bunso kong kapatid. Gustong-gusto kong maging perpekto ang araw niya. Pero sa nagawa ko? Alam kong ako na mismo ang sumuway doon. I planned this day to be perfect but I just ruin it. I ruined everything and made my princess cry!

Napasapo ako sa mukha ko at kasabay nito ang malalim na buntong hininga ko.

I'm sorry, hindi ko sinasadya Celine. Hindi ko talaga sinasadya. Hindi, maniwala ka bunso... Ang sama ko, ang sama ko at nagawa kong ipakita sayo kung gaano ko kaayaw ang Daddy natin. Ang sama ko, ang sama...

"Umhh Blaise."

Halos sumabog ang puso ko ng marinig ko ang boses na iyon.

Tumingin ako sa malayo para iwasan si Myrttle at palihim na pinunasan ang luha ko.

Ano sa tingin niya ang ginagawa niya ngayon sa harapan ko? Ako na nga ang dumidistansya para hindi ko na siya masabihan ng kung ano pa. Tapos siya pa ang lalapit saakin?

The hell?!

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Myrttle ng hindi tumitingin sa kanya.

Punong-puno ako ng galit sa kanya. Pero ayoko nang sigawan pa siya para sumbatan. Dahil kanina habang sinisigawan ko siya ay kitang-kita ko na gusto niya lang makatulong sakin. At hindi ako manhid para hindi mapansin 'yun.

Wala siya sa lugar para gawin iyon, dahil hindi niya alam na ang ina niya ang may gawa nito sa pamilya ko.

Pero nang maglakad na ako papalayo sa kaniya kanina? Sabay-sabay na bumalik saakin lahat ng sinabi ko. And for the first time pinagsisihan ko ang mga salitang binitawan ko.

Alam kong hindi makatarungan para sa isang tao ang kagalitan dahil sa kasalanang miski siya ay biktima.

Kung bakit ba naman kasi kailangan ko pa siyang makilala. Kung bakit pa kasi kailangan ko pa siyang makasama. Kung bakit ba kasi kailangang mapalapit pa siya sakin ng ganito.

Ni hindi ko nga alam kung bakit ako napalapit sa kanya!

Kung nilayuan ko lang sana siya dati magiging madali na siguro sakin ang sabihin sa kanya lahat. Ang sabihin sa kanya na kagagawan ito lahat ng babaeng nagsilang sa kanya.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon