Chapter 70: [Glance]

148K 3.8K 836
                                    

MYRTTLE JOONG

Humahangos akong nakababa sa Clock tower. At sumalubong kaagad saakin ang dagsa dagsang tauhan ng kapatid ko.... Myrko is the Chief officer of the Eagles eye corporation o kilala din sa Double E Corp. Isang tagong grupo ng taong humahawak sa mga kakaibang case na hindi na saklaw ng pamahalaan.

Hindi na importante kung anong dahilan kung bakit sila nandito ngayon, wala akong pakialam kung maging ang sikreto ng lugar na ito ay alam na nila.... Dahil gusto ko nang makita ang kambal ko. Gustong gusto ko nang mayapos ng yakap ang kapatid ko... Gustong gusto ko na.. Dahil alam kong nagaalala na ito..

Myrko should know that I'm still alive. I don't want him to feel that he lost someone today. Because loosing someone is the painful thing I have experience for the several times. Mga oras na paulit ulit akong dinudurog hanggang sa wala nang matirang saya sa sarili ko. Mga oras na ni isang segundo ay hindi ko na ninais pang maranasan muli dahil sa sakit nito.

Nagmadali pa akong lalo nang makita ko na ang bukana ng clock tower. Hindi ko na nahintay pa ang mga kasamahan ko dahil nahihiya ako at nasasaktan ako kada makikita ko ang lungkot sa mga mata nila. Lungkot na ako ang gumawa! Lungkot na ako ang dahilan dahil sa huling pagkakataon ay hindi ko pa nagawang pigilan ang aming kaibigan.

Why do I need to trust Hunt para sa bagay na iyon. Hindi ba dapat ay ako nalang?! Hindi ba dapat ay ako nalang ang nawala dahil ako naman talaga ang puntirya ng mga Montague?! Nasaakin ang bomba! Ako dapat! Ako dapat ang namamahinga na ngayon, ako nalang dapat dahil matagal na akong pagod!

Matagal na akong pagod sa mga bagay na kailangan kong ipaglaban gayong ako naman mismo palagi ang dahilan kung bakit ito nagsimula.

I am a trouble maker, I caused trouble wherever I go. I don't deserve any people na mapalapit sakin. Dahil on the first place ako ang nagdudulot sakanila ng sakit. Ako at ang isa ko pang kakambal..... Ang kadalamhatian..

Knowing about my life principles makes this situation more painful..

I should stop myself noong mga panahong napapalapit palang sila saakin. Hindi ko na sana hinayaang maging parte ako ng buhay nila.

Dahil kung hindi nangyari iyon ay buo pa sana sila ngayon...

Blaise with his bestfriend. Kiera with his Hunt... And the rulers with their cold prince...

Nanlalabo nanaman ang aking paningin dahil sa mga luhang tila ba walang katapusang pumapatak saakin. Marahas at paulit ulit ko itong pinapahid ngunit hindi ito matigil-tigil. Nakakainis!

Nasa labas na ako ngayon ng Tower at ang mga estudyante ng Harrison University na napuruhan ay inaasikaso na ng mga taga Double E Corp. Nagpalinga linga ako, dahil wala akong nakitang bakas ng kapatid ko. Ngunit nang iikot ko pang muli ang aking sarili sa gitna ng napakaraming tao ay isang pamilyar na mga mga mata ang sa mga mata ko'y tumagpo...

Her eyes are teary, her lips are trembling.... At nang ibaba ko pa ang tingin ko sa damit nito ay...... Napakadaming dugo.

"Shenny..... " Bulong ko sa hangin at agad akong napatakbo patungo sa kanya ngunit napatigil naman agad nang makita ko kung sinong tao ang hawak hawak niya sa kanyang bisig.... Nakaupo sila sa sahig at wala ni isang umaasikaso sa kanila. Duguan din ang taong nasa bisig nito at tila ba kumirot ang aking dibdib ng makita kong wala itong malay...

H-hindi to pwede.... Alex.. Hindi pwedeng pati ikaw!

"A-Alex.... Alex hoy ALEXANDER!" Halos mapaos paos kong sigaw habang papatakbo sa pwesto nito at tinapik tapik ang kanyang pisngi.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon