Chapter 37 [ Unknown Feelings]

153K 4.4K 1K
                                    

MYRTTLE JOONG

Para akong nabingi sa putok ng baril na iyon.

B-Blaise.. Bakit..

Bakit mo hinarang ang balang dapat ay sakin?

Hindi ko lang maintindihan....

H-Hindi ba't mainit ang dugo mo saakin? Hindi ba't galit na galit ka sakin? B-Bakit mo ako nililigtas ngayon?

"B-Ba-Bakit." Garalgal na tanong ko na halos bumara na saaking lalamunan. Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng aking mga luha. Mairiing pumipikit dahil sa takot makita ang katotoohanan.

Ayoko...

Ayokong sa muling pagkakataon ay mawalan nanaman ako ng taong importante saakin.

Kaya wala nalang akong ibang nagawa kung hindi ang humagulgol nalang sa dibdib nito.

Ikinakakakaba, ikinatatakot, at ikinadudurog ng dibdib ko ang bawat mabilis na pintig ng puso ni Blaise ngayon...

Bagay na agad kong ikinamulat at ikinagulat ko ng gusto ng mahagip ng mga mata ko ang wala ng malay na si Alaine.

A-Anong nangyari?

Hindi ko man alam kung anong nangyari ay kinapa ko ng agad ang likod ni Blaise upang makasigurado. At para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng wala akong makapang dumudugong bahagi ng damit niya.

"You're safe." Bulong ko sa sarili ko kasabay ng mahigpit kong pagyakap sa isdang ito na ikinatulo pang lalo ng mga luha ko.

BLAISE HARRISON BLAIRE

Napamulat ako sa mariin kong pagkakapikit. Nang makaramdam ako ng isang mahigpit at mainit na yakap sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

B-Bakit niya ako niyayakap?

At nang magsink-in saakin ang laht ay tila mas lalong naghuramintado ang puso ko.

Ngunit nagawa kong ibaba ang aking mga tingin kay Myrttle at nakita ko kung gaanong ang mga luha nito'y tumulo sa kanyang mga pisngi.

Para pa akong tanga dahil ginusto ko iyung punasan nang mabalik ako sa realidad ng aking sitwasyon ngayon!

Jeez! Nabaril ba ako?! Bakit wala akong maramdamang sakit? Dahil ba sa higpit ng yakap ni Myrttle?

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at napaluwag ang hininga ko ng wala akong naging tama ng baril. At lalong-lalo na't hindi nasaktan si Myrttle.

Oh, thank goodness she's safe. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas na loob na yakapin siya pabalik. But... I did... I hug her back.

Yakap yakap ko ngayon ang babaeng mortal kong kaaway.

Nagaalala ako ngayon sa pinaka bi-bwisitan kong babae. At concern na ako ngayon sa kaligtasan ng anak ng pinakamumuhian kong tao.

I know. That this is freaking bad. Hindi ito tama. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit. Ugh! Ang gulo!

MYRKO JOONG

Bago pa man maiputok ng binibining ito ang baril ay nasa likuran na niya ako. Mabulis ko itong naagapan ng sagiin ko ang kamay nito para hindi niya mabaril si Myrttle.

Kasabay din nito ang mabilis kong pagtusok sa kanyang leeg ng aking daliri. Na naging dahilan ng kanyang pagkawalang malay.

"Hindi mo dapat ginagawa ang bagay na iyan bininini... Lalo na sa harapan ko. " Seryoso kong ani sa nakabulagta niyang katawan.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon