Chapter 10: [Identity]

197K 5.8K 339
                                    


Myrttle's Point of View

SA SOBRANG pagkairita ko sa sitwasyon ay hindi ko na naalalang kabilang pala ang tukmol na ito sa mga rulers.

Lintek, Blaise Harrison Blaire. Bakit ba hindi ko ba naisip?!

Kaya pala feel na feel ng magkapatid na Blaise at Celine ang pagsabi ng middle name nila ay para ipagkalandakang apo sila ng may ari ng school. At ako naman itong si walang pakialam. Maging ang ganoong bagay ay hindi na binigyan pa ng pansin.

"Any problem?" tanong nitong matanda sa gilid ko. Punong-puno ng pagtatakha na akala mo'y sinsero pa.

Jackson Harrison.

Inirapan ko lang naman ito at hindi na sumagot pa. Hindi ko alam kung bakit pero mainit na ang dugo ko sa kanta una pa lang. Unang-una, ay nagawa nitong padalhan ako ng sulat na magsasabing qualified ako na mapabilang sa Harrison University. Ni hindi nga ako naghahanap ng mapapasukan magooffer pa siya? Another weird thing is, ang malaman itong lahat ni Lolo the same day na padalhan ako ng sulat nung B.H na 'yon. Kaya naman nagkandaletse-letse ang buhay ko. At ngayon isasama pa ako ng huklubang ito sa grupo niya? Thats too much! Lalo na't kasama ang Isdang ito! .

Halatang nadismaya ito sa ginawa ko which made his throat clear.

"It was so great to see you here, Myrttle Joong. I am Jackson Harrison. The Owner of Harrison University. And I am glad that you finally accepted my offer," ngiti nito sa'kin na akala mo'y walang alam sa pinagdaanan ko bago ako napadpad sa lugar na ito.

Tinalikuran ko lang ito at naupo sa pinakamalapit na upuan sa'kin. Katabi si Ethan Romsay na unang umalok sa'king sumali sa grupo nila.

Katulad ng matanda, sinubukan akong ngitian ni Ethan pero agad ko rin siyang tinalikuran. Can't blame myself for hating these guys. Silang lahat ang nagplano nito.

Masaya pa ang silang naging desperado sila para makuha lang ako? Anong maganda roon at may pangiti-ngiti pa ang matandang to? May idea ba siya kung paano ako pinilit ng mga may saltik na 'to?

Argh!

"No, Miss Joong. Please be seated beside my grandson. Sa upuang may pulang kristal."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Napakaraming alam! Bakit sa tabi pa ako ng isdang 'yon uupo?! Nananadya ba siya?

May nakahabang meeting table sa silid na ito. Na kinapapalibutan ng labing-dalawang pilak na upuang may iba't-ibang kristal sa sandalan. At ang upuang may pulang kristal nga'y nasa kaliwang bahagi ng asungot na iyon.

His expression was strange, na tila hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin. But as I blinked, he gave me a glare as if I've done something wrong again.

What the hell?! Ano na naman ba?!

Blaise's Point of View

KAYA BA? Kaya ba noong unang pa lang ay mainit na ang dugo ko sa kanya dahil sa anak siya ng babaeng 'yon?

This is Hell!

Napayuko ako nang makaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Parang gusto nitong sumabog.

Bakit hindi? Bakit hindi ko gugustuhing sumabog kung ang taong may koneksyon sa pinakamumuhian kung nilalang ay lumantad na sa wakas?!

Hinding-hindi ko makalilimutan noong siyam na taong gulang pa lamang ako. Kung paano ko nakita ang pagpatay ng ina ng babaeng iyon sa Mommy ko...

Galing ako ng school noon, nang marinig ko ang sigawan nila Mommy at Daddy sa kwarto. Naiwan itong nakabukas kaya rinig na rinig ko ang pinagtatalunan nilang dalawa.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon