Chapter 68 : [ Wish Granted]

142K 4.3K 749
                                    

A/N: Hi Branch! FRANKS! Para sayo to! Hahaha. I just met another great reader of Harrison University

#Retarded

A/N: Hi Branch!  FRANKS!  Para sayo to!  Hahaha.  I just met another great reader of Harrison University #Retarded

***

*An hour before the explosion*

HUNT SPARK

"Your death is now chasing you Chairman Montague." Mapangasar kong ngiti dito. Na ikina-agaw naman ang atensyon ng mga anak ni Montague maging ng aking ama at iba pang kasamahan nito.

Nanlisik ang mga mata ni Rain saakin samantalang pinandilatan naman ako ni Dad ng mata dahil hindi ito makapaniwala sa ikinikilos ko. Ngunit imbis na masindak ay nanatili lang akong walang pakialam sa kanila..

Lalo na ngayon. Lalo na ngayong hindi na lingid sa aking kaalaman ang mga ginawa nito sa inusenteng si Dayle..

I looked at my Father. Isang masamang tingin ang ibinato nito saakin na tila sinasabing itigil ko na ang binabalak ko. Ngunit hindi ako magpapapigil sa kanya.. You can't control me this time Dad... Dahil hindi ko na palalampasin ang ginawa niyong ito.

Hindi ko rin nagawa pang indahin ang mas masamang tingin sakin ni Chairman Montague. Alam ko kung gaano ito kapanganib ngunit hindi ibig sabihin niyon ay wala na akong gagawin para sa kaibigan ko... I want to stop waiting for the right time. Dahil gigil na gigil na akong pagbayaran ng mga walangya ang mga kasalanan nila.

Gusto nang magyumapos sa dibdib ko ang sakit at galit ngunit pinili ko paring huwag ipahalata sa ilang oras. Pero tila ba hindi ko na ata pa kaya pang pigilan ang lahat. Hindi na, dahil nauubusan na kami ng oras. At kahit mahirap ang desisyong gagawin ko ay kailangan ko na ng sagot.... Sagot na pinakaiiwasan kong mangyari...

Kalmado akong nakaupo sa aking kinauupuan habang nakatukod ang aking baba sa aking kamay. Ngunit nang makita ko ang pagkasindak ni Chairman Montague ay agad ko nang itinapon ang aking turo sa babaeng nasa screen.

"And today, you'll going to dance with her, your grim reaper." Dugtong ko pa at tuluyan ng tumayo sa aking pagkakaupo.

Kita ko ang pagkasindak nito na napalitan naman labis na pakagalit. At gaya ng inaasahan ko nilabas na nito ang kanyang baril at agad nang tinutok saakin. Ngunit bilang ganti ay agad ko ring hinala sa aking bisig si Dayle at tinutok ang patalim ko sa kanyang leeg.

And this is my decision... To grant Dayles' wish.

"Go ahead, para makita mo rin ang katapusan ng taong perpekto sa inyong eksperimento." Mapait kong ngiti sa mga ito na ikinaputla ni Chairman Montague ngunit nananaliti parin ang mga baril sa kanyang mga kamay.

Nabuo ang tensyon sa loob ng silid. Nagsalubong naman lalo ang mga kilay ni Dad at hindi makapaniwala sa aking ginagawa. Samantalang katulad ni Chairman Montague halos namutla din si Rain sa aking ginawa. Kabaligtaran ng iniakto ni Cloud na tila ba hindi naaapektuhan.

So it's true, si Dayle na lang talaga ang alas na mayroon sila? Totoo nga ang sinabi ni Dayle sa sulat?

Totoo....

M-mga walang hiya.

Mula ng mabasa ko ang sulat ni Dayle saakin ay tila ba gumuho ang mundong natitira saakin. Hindi ko magawang maniwala sa mga ito ngunit ang makompirma ito ngayon sa mga Montague mismo. Ay tila ba tuluyang nagpadilim sa aking mundo.

Ang sakit, at tila ba unti unting tinutunaw ang puso ko kada iisipin ko palang ang nanagyari.

B-bakit si Dayle pa... Bakit sa lahat ng tao ay si Dayle pa...

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon