Chapter 57 (Part II): [Bestfriend]

157K 4.3K 1.1K
                                    

Isang malakas na apoy ang nakitang ng binatang lumiyab sa harapan ng dalaga.

Ngunit lubos na ipinagtakha ni Blaise ng makita niya kung paano hinigop ng bagay na iyon ang apoy na gawa ng Proximity mine.

The device given by Paris...

"What the hell is that t-thing?" Wala sa sariling tanong ng binata sa dalaga habang yakap yakap ito. Tinangkang yakapin ni Blaise si Myrttle kahit na huli na para maprotektahan ito. Ngunit wala itong naramdamang kahit na anong sakit dahil sa paghigop ng bagay na iyon sa apoy na tutupok sana sa kanila.

Napatayo din naman ang lahat ng makita ang nangyari. Bakas sa kanilang mga mukha ang gulat dahil hindi sila makapaniwala sa nasaksihan nila.

Para itong mahika dahil napakaimposible ng bagay na iyon.

"It is my bomb deactivator. Beautiful, isn't it?" Ngiti ni Paris sa kanila.

Samantala ay humarap nang muli sa kanila si Myrttle. Wearing her emotionless face again. Tinanggal na niya ang pagkakayakap sa kanya ni Blaise at hindi na ito pinansin pa, dahil miski siya ay kinabahan sa nangyayari.

Ito ang unang beses na sinubukan nila ni Paris ang imbensyong ito. Hindi lang iyon, dahil tumatakbo din sa isip ng dalagang si Myrttle ang ginawa niyang kamalian. Na dinala niya sa bingit ng kamatayan ang lahat ng Rulers.

"Lahat kayo, maaari niyo na akong iwan, kaya na naming I-handle ni Paris ang lahat mula dito." Seryosong utos ng dalaga na lubos namang ipinagtakha ni Blaise at maging ng lahat. Kumunot ang noo nito at agad na nilapitan si Myrttle.

"What the hell are you saying?!" Galit nitong sermon sa dalaga pero tinignan lang ito ni Myrttle ng makahulugan.

"Gawin mo nalang, bago ako mapilitang gumawa ng bagay na ikagagalit niyo para lang mapaalis kayong lahat dito." Seryosong banta nito kay Blaise. Kinabahan ang binata sa sinabing ito ni Myrttle kaya naman napayukom nalang ang kanyang kamao.

"No Myrttle, sasama ako." Napalingon ang lahat sa nagsalitang ito. At nagulat ang lahat ng makita nilang ito ay si Agata.

"Ako rin." Ngiti at excited din namang wika ni Linzy sabay palupot niya sa braso ni Agata.

Hindi makapaniwala ang dalagang si Myrttle. Dahil si Agata at Linzy pa na walang gaanong kasanayan ang gustong sumama sa kanya para lang makatulong. Dahilan para mapayuko nalang si Myrttle at mahigpit nitong iniyukom ang kamay niya.

'This is all my fault, Sana naisip ko na itong lahat kanina, noong tanungin palang ako ni Blaise kung gusto ko bang isama ang mga Rulers. I'm so stupid, dahil nagawa ko pa silang idamay sa delikadong misyon na ito.'

Sisi ng dalaga sa sarili niya.

"Hindi mo makokontrol ang pagiisip ng mga taong yan, gaya ko. Dahil ginagawa nila ang mga bagay ayon sa gusto nila."

Nagtakha ang dalaga kung bakit ito nagawang sabihin ni Blaise. Kaya naman napagdisisyunan nitong tumingin ulit sa harapan niya at isang luha nanaman ang kumawala sa kanyang mga mata ng malaman niya ang dahilan. Landon, Ethan, Kiera, Ash, and even Paris are now standing beside Agata and Linzy.

"Since Linzy is In. I'm also in Myrttle." Ngiti din namang sabi ni Landon kay Myrttle sabay akbay nito kay Linzy na pulang pula na ang pisngi.

"Count us in Tel tel." Sabay na sabay na sabi ng kambal at sabay ding humalukipkip.

Hindi mapigilang mapangiti ni Myrttle sa ipinakita ng dalawa.

Para itong timang na lumuluha habang nakangiti.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon