Chapter 27 [ Protect ]

182K 5.1K 1.2K
                                    

MYRTTLE JOONG

"'Nak gising ka na." Rinig kong gising saakin ni Nay Julie. Malabo iti pero kahit pilit ay bumangon lang akong nakapikit dahil antok na antok pa talaga ako.

Badtrip naman kasi, ang tagal matapos ng program na ginawa ni Paris kanina! 'Yung babae talagang 'yun. Nakapa daming atraso na ang ginagawa sakin! Mantakin mong ipamigay daw ba ako sa media kagabi para sa interview?! Ni hindi ko nga alam iyon!

"Nay anong oras na po ba?" Tanong ko nang may pagpungas pa.

"Quarter to seven na anak. Kanina pa nga kita ginigising 'e." Mahinahong sagot sakin ni Nay Julie na hindi ko gaanong pinansin.

Oh mag-aalas syete palang pala 'e.

Tama, pwede pang matulog.

Teka? Seven? Ano bang oras ang pasok?

Seven thirty.

Tama, seven thirty...Seven th—what the hell?!

At agad nalang akong napabalikwas sa kama nang mag sink-in na sakin ang sinabi nito.

"Quarter na?!" Sigaw kong tanong kay Nay Julie kasabay ng dagli kong paglingon sa orasan. At tama nga siya....

Late na nga ako!

Mabilis kong ginawa ang lahat sa abot ng aking makakaya ngunit Seven twenty parin akong nakarating sa school na talaga namang ikibataranta ko.

Nang dahil sa pagmamadali ay sa East corridor nalang ako ng Busines Ad. Building dumaan para wala masyadong nakaharang na nilalang sa daanan ko.

Kapag ganitong oras kasi ay mas maraming tao sa west corridor. Bagay na ayoko dahil baka mapabaligtad ko nalang lahat dahil sa pagmamadali ko.

Napakamalas naman kasi ah! Bakit ngayon pa ako malalate?! May long quiz Myrttle! May quiz!!

Ngunit nang malapit na ako sa aming silid ay napakunot agad ang aking noo ng makita kong tumatakbo din si Blaise sa West corridor kung saan makakasalubunan kaming dalawa.

Teka? Late din siya?

Psh, sa bagay kelan nga ba naging on time ang Blaise Harrison Blaire?

BLAISE HARRISON BLAIRE

Malas naman oh! Ngayon pa ako nasiraan ng gulong! Kung kelan late na!

Sa inis ko ay iniwan ko nalang ang sasakyan ko sa talyer at sumakay nalang ng taxi.

Ipapakuha ko nalang sa driver ni Celine 'yun mamaya.

Pero kamusta na kaya si Mizuki? Dapat kasi umuwi na siya agad kagabi. Hindi dapat siya nagpupuyat dahil masama 'yun! Alas tres na natapos ang program. Pero sh*t lang kasi, sa sobrang pagkabighani ko sa kanya ay hindi ko na nahingi ang cellphone number niya! Ewan! Nakakablanko ang kagandahan ng reyna ko!

Ngunit talaga namang ikinagulantang ng buong katawan ko ng magsimula nang tumunog ang bell bilang hudyat na simula na ang klase!

Sa pagkataranta ay mabilis ko nang tinahak ang west corridor na pinakamalapit sa main gate. Kahit pinagpapawisan ay hindi ko na ito ininda dahil may Long Quiz kami ngayon! Nak nang tipaklong! Ayoko mapagalitan ng Lolo!

It's sounds weird na ayaw malate ng isang Blaise Blaire but I'm serious about it.

KIERA TAYLOR

Dahil sa pagkaburyo ay tahimik kong nilingon ang silyang bakante sa likuran namin ni Hunt.

"Tsk, Sabi ko na 'e. Malalate nanaman si Boss." Rinig kong bulong ni Landon at kinagat-kagat ulit ang fountain pen niya.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon