Chapter 22:[My Queen]

161K 5K 496
                                    

MYRTTLE JOONG

Pagod na pagod akong humiga sa kama ko ng makarating ako sa bahay. Badtrip naman kasi 'yan. Ang dami kasing drama sa buhay ng isdang iyon.

Pero paano ko nga ba masisimulan ang pag-imbistiga?! Loko kasing Isda 'yun kung makapag-emote, wagas! 'E, bakit ko nga ba kasi tutulungan pa siya?! Ano napapalapit na ba talaga ako sa responsibilidad na 'yun?! Kay Blaise, napapalapit narin ba ako sa kanya?

Ugh, nakakakilabot naman.

"YAH!!!" Sabunot ko sa buhok ko.

Hindi pwede!

Ngunit napatayo ako bigla ng bumukas ang pinto at pumasok si Nay Julie sa kwarto.

"Oh. May nangyari ba sayo iha at sumisigaw ka?"

"Ah-Eh—Wala nay."

Palusot ko dito na agad niyang pinaniwalaan ng samahan ko pa ito ng magandang ngiti!

Wengya muntik na!

"Nagpra-practice lang ako ng play namin. Wala ito Nay." Kamot ko sa aking ulo habang tumatawa na halos kasing tunog na ng sirang plaka.

"Batang 'to talaga. Oh sya, bumaba ka na maya maya dahil malapit ng maluto ang hapunan natin."

Tagumpay!

"Ah Opo Nay bye bye." Paalam ko dito matapos kong madala na si Nay Julie sa labas ng kwarto ko.

Tss! Mabuti't hindi niya nahalata! Kung hindi ay mapipilitan nanaman akong umamin.

Napatingin naman ako sa salamin nang makita kong namumula ang pisngi ko! At bakit naman kaya?! May saltik na din ba ako?! Arghh!!

Pero naagaw agad ang atensyon ko ng biglang nag-ilaw ang monitor ng espesyal kong desktop na nag-reflect naman sa salaming kaharap ko ngayon.

Bagay na nakakabigla lalo na't alam kong isa lang ang ibig sabihin niyon.

Kaya naman mabilis akong naglakad patungo dito at agad na binuksan ang isang mensahe.

Ngunit tuluyang nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko na ang laman nito. Bagay na tila nakapagbigay saakin ng dahilan upang mapangiti sa kabila ng dinaranas naming gulo.

Kaya galak na galak akong tumayo at naglakad sa dulo ng walking closet ko. May isa pang nakatagong pinto sa likod ng damitan ko. Isang sekretong lagusan para sa mga gamit na ako lang dapat ang makakita.

Isang silid ito na may iisang kulay ng dingding. At ito ay ang kulay puti.

Nakaherera ang iba't-ibang kadamitan, sapatos, susi, at maging ang mga naglalakihang kahon na binubuksan ko lamang kapag kailangan ko ng mga bagay na ito. At matagal narin ng huli akong nakapasok sa lugar dito. Ngunit dahil kailangan kong magmadali ay wala na akong oras para pagmasdan pa ang lahat ng kagamitan dito.

Agad kong kinuha ang mga kasootang nararapat kong isoot. Isang espesyal na damit na matagal ko nang pinagawa para sana sa pagbabalik ko. Binuksan ko rin ang itim na drawer sa pinakasentro ng lugar. Lugar kung saan nakalagay ang isang gintong susi ng aking sasakyan. Ang motor kong matagal-tagal ko naring hindi nasasakyan.

Mabilis akong bumaba at sumubo ng kaunting pagkain na hinanda ni Nay Julie. Matapos niyon ay hinalikan ko nang muli si Nay Julie at nagpaalam bago na pa man siya makapagsalita. Nang makalabas ako ay agad kong tinungo ang garahe ng bahay at binuklat ang motor kong natatakpan ng puting tela.

At nang tuluyan ko na itong masilayan ay ilang Segundo ko itong pinagmasdan. Ang aking Black Ecosse ES1 Super-bike.

"I missed you so much Black!" Ngiti ko dito at sinimulan na itong ilabas sa aking garahe.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon