Chapter 28: [ Her tears]

157K 4.8K 831
                                    

MYRTTLE JOONG

Mabilis lang natapos ang ikalawang subject ngayong umaga. Tatlong oras din iyon pero nakakapagtakhang hindi napansin ni Olimpo na lumabag kami sa kagustuhan niya.

Sa bagay, mas maganda nga iyon at wala na akong kailangang intindihin pa.

"Boss himala wala yung buntot mo." Natatawang buyo ni Landon kay Blaise habang subo-subo ang isang dakot ng fries sa bibig niya. Bagay na ikinagulat naming lahat dahil hindi namin inaasahan ang tanong na iyon. At hindi na ako nagtakha kung bigla nalang sikuhin ni Ethan si Landon para bawiin ang mapangkutyang tanong.

"Sino? Si Alaine?" Kaswal na sagot ni Blaise na ikinatakha naming lahat. Dahil ito ang unang beses na hindi siya naging sensitibo kapag si Alaine ang pinaguusapan.

"Sino pa ba?" Walang preno kong sagot at kinain lang rin ang fries na kinuha ko lang din kay Ethan. Kanina pa namin kinakain ang family size na French fries ni Ethan. Hindi naman ito umaangal kapag ako ang kumukuha. Pero kapag si Landon ang usapan ay agad niyang naagapan.

"Yah! Meron ka rin kayang fries!" Angal ni Ethan dito na kain lang ng kain.

Sa totoo lang ay natutuwa ako sa kanilang dalawa. Kahit kasi ubos ang budget mo para sa kanilang pagkain ay napakasaya nilang kasama.

Ngunit agad kong iniikot ang aking mga mata ng marinig ko ang aburidong buntong hininga ni Blaise.

"Seriously Myrttle. Bakit ba pinagiinitan mo si Alaine?"

May pataas ng boses na tanong nito pero binawian ko lang rin ito ng buntong hininga.

Tahimik ko lang siyang pinasawalang bahala. Habang matiim na pinagmasdan ang mahabang lamesang kinakainan naming mga Rulers ngayon.

Maganda ang desenyo ng VIP Section ng cafeteria na ito. Dahil sa special treatment namin ay nilagyan pa nila ito ng mga muwebles na talaga namang tila nasa isa kaming five star restaurant. May mga simpleng paintings na tila tinapunan lang ng tinta. At mga kakatwang ilawan sa itaas naming pinagigitnaan ng isang magarbong chandelier.

Ngunit sa kagandahan ng ambiance ng hapag naming ito ay sinisira itong lahat ni Blaise. Bagay na hindi ko lang pinapansin pero ang lahat ang rulers, halatang kinakabahan sila.

At sa tagal na naming ganito ni Blaise. Normal na ang ganitong senaryo saakin.

Tss. My fault, ang akala ko ay hindi na ganitobang magiging reaksyon niya.

Sa totoo lang naiinis ako sa inaasta ng isdang ito. Bakit ba kasi ang sensitibo niya? Ano bang meron si Alaine at ni hindi niya mapaghinalaan.

Matapos ng matiim kong pagnguya sa kinakain ko ay kalmado ko lang na ibinaba na ang aking tinidor. Binigyan ko ito ng makahulugang tingin para sa aking sagot. At para mas maintindihan niya ay nagkibit-balikat pa ako.

Ayoko magsalita, ayoko makipagaway. Una, inaantok parin ako, at pangalawa ay masamang magaway sa harap ng hapagkainan.

"Then why are you acting like that?!"

Sigaw pa nito na halos ikailing ko. Bakas sa tono nito ang galit na ikinaikot lang muli ng mga mata ko.

What's wrong with him? Is there any reason para pasigaw pa niyang itanong iyon na parang may pinapalabas siyang kung ano?!

The hell.. I am holding my temper to respect the food. But this despicable guy makes things no sense.

"Well the truth is , hindi mo ako makokontrol kung sino ang gusto at kung sino ang aayawan kong tao." Pagpapakatotoo ko dito.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon