my sadist wife (completed) (i...

unicachicca द्वारा

24.1K 1.5K 321

"Mahal na mahal ko siya, kahit sobrang sadista niya." - Eleven Date started: May 2016 (from the first acc) ... अधिक

my sadist wife
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39: Klarisse
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
note
Last Chapter
Epilogue
Special Chapter

Chapter 19

154 16 2
unicachicca द्वारा

Eleven.

"What time is it?" tanong sakin ng asawa ko. Tinignan ko yung orasan ko nang nakangiti.

"Wala pa namang four o'oclock, asawa ko." sagot ko, may lambing sa boses. Nag aalala siya na hindi kami makaabot sa final game ng Ateneo vs Lasalle.

Hindi pa naman start pero dapat nandoon na kami kanina pa kahit hindi pa naman nagsisimula yung game.

Ang lala lang ng traffic kasi dito papunta sa MOA.

Palihim akong tumitingin sa asawa kong bagot na sa traffic. Nagpapatugtog na lang ako dito sa sasakyan at sinasabayan ko yung kanta. Pang palamig lang ng ulo dahil siguradong mainit na yung ulo niya kanina pa.

Napakainit kasi ng ulo ng asawa ko. Dapat hindi pinagdadrive yung mga maiinit yung ulo sa daan. Kanina pa busina nang busina. Nakakatakot lang na baka may makaaway kami dito.

"Ang saya mo ha." sarkastikong sambit ng asawa ko. Napatingin sa akin saglit, ' di pa rin nawawala yung ngiti ko kahit alam kong mainit na yung ulo niya.

"Paano mo naman nasabi, asawa ko?"

"You keep singing while I'm fucking annoyed here in this fucking heavy traffic." masungit niyang sabi sa akin.

"Ayaw mo bang kumakanta ako?" may lambing parin sa boses ko. Hindi ko maiwasang dagdagan ng lambing sa pagsasalita ko. Baka kasi kapag hindi ko dinadagdagan, masuntok na lang ako bigla ng asawa ko.

Hindi siya sumagot.

Imbes na kumanta ako, nag humming na lang ako kasi baka mapagalitan na ako ng asawa ko. Mahirap na at baka topakin. Baka umuwi kami nang wala sa oras nang hindi nakapanood ng finals sa MOA.

Palihim ko parin siyang tinitignan habang nag huhumming ako. Kitang kita sa gilid ng mata ko kung paano siya ngumisi, kung paano siya matuwa.

Napakunot yung noo ko. Bakit kaya bigla siyang natutuwa?

Kanina mainit lang yung ulo niya.

"Mukhang masaya ka, asawa ko." sambit ko. Tinignan ko siya sa gilid ng mata ko, nakng. Nawala yung pag ngisi ngisi niya. Sumimangot. "J-Joke lang." 

"You? Are you happy?" 

"Oo naman!" mabilis kong sagot. Nagulat naman siya kaya kinunutan niya ako. Sino ba namang hindi sasaya ngayon? Unang date ko 'to. 

Yung first date ko pa, yung babaeng pinapangarap ko nung estudyante pa lang ako. Yung taong crush na crush ko. Yung taong hindi ko aakalain na magiging first date ko. Sinong hindi magiging masaya non? Nakng.

Pero syempre hindi ko masabi sa kaniya yung rason. Nakakahiya. Baka maging awkward pa kaming dalawa kapag sinabi ko yun.

Although friendly date lang naman 'to, pero I still consider this my first date ever.

Grabe. Ang bait na sa akin ngayon ng asawa ko. Nag offer pa ng date kahit friends lang kami. Nung una, akala ko nagbibiro siya pero nananakit nung hindi ako naniwala sa kaniya.

Sa ilang buwan na naranasan ko yung pagiging sadista niya, hindi ko na inakalang darating yung time na ganito na kami. Magkaibigan na kami at hindi na siya masyadong nagiging brutal sa akin.

Nakakatuwa lang. Nakakataba ng puso.

"Sa wakas!" inabot kami ng ilang oras bago makarating dito sa parking lot. Grabe. Nakng. "Napaka traffic kasi, asawa ko."

"Hindi naman ikaw yung nahirapan mag drive para magreklamo."

Natawa ako. Ang sungit talaga sumagot.

"Cellphone mo, power bank mo. Nandiyan na ba lahat?" paalala ko bago kami lumabas ng kotse. "Wallet mo, baka makalimutan mo."

"Got it." sagot niya. "Where's the ticket?"

Pinakita ko sa kaniya. "Nandito na." 

Itong taong 'to kasi, palaging nakakalimot ng mga gamit kapag umaalis. Kaya ito ako ngayon, sinasabihan siya na mag double check.

Pasalamat siya, ako yung ka date niya. Hmp.

"No." inagaw niya yung chichirya na ilalagay ko sana sa bag ko.

"B-Bakit?" takha kong tanong. "Hindi naman kita pagdadamutan sa loob ng arena, asawa ko." sambit ko. Umiling siya.

"Foods are not allowed inside the arena." paliwanag niya.

Napakunot ako. Napapatanong. "Bakit? Eh nakikita ko sa TV na may kinakain na chips at softdrinks sa loob." sagot ko.

"If you want to eat inside, you must buy inside." sambit niya. "That's their marketing strategy." 

Nakng. Sayang naman.

Paborito ko pa naman yung snacks na yun. "Okay." 

Tinignan ko yung oras. "Three fourty five na, asawa ko." sambit ko. Nagpapahiwatig na ako na dapat makalabas na kami ngayon na ng kotse.

Pinatunog niya yung dila niya sa inis. "Kung ginising mo ako nang maaga, hindi sana tayo gahol sa oras." inis niyang sabi. Napakamot naman ako sa ulo ko dahil nasisi pa ako ngayon. Nakng.

"Hindi ka pa naman kasi nakakatulog nang maayos simula kahapon." sagot ko naman sa kaniya. "Ang lakas lakas ng regla mo pati masakit yung puson mo."

"Whatever." binuksan niya na yung pinto niya at nagmamadali siya.

Mabilis akong lumabas at nag automatic namang nag lock yung kotse. Hinahabol ko siya.

"Bakit ka nagmamadali?" takhang tanong ko sa kaniya.

"Ikaw nga diyan yung nagpapahiwatig na magmadali na tayong pumasok."

"Iniwan mo naman ako."

"Ang bagal mo eh."

Anak ng. Napakamot na lang ako ng ulo. Ako talaga yung nasabihan na mabagal, siya nga yun eh.

Buti na lang nakapasok na kami ng arena, hindi pa naman sa mismong arena. Basta dito lang sa loob.

Hinahabol habol ko parin siya kasi nagmamadali talaga siya hanggang sa mapahinto kami sa tapat ng restroom ng mga babae.

"Naiihi ka?"

May hinahanap siya sa loob ng bag niya. Para pang nagpapanic nung wala siyang makita sa bag niya. Ano ba hinahanap niya?

"Ano yun?"

Mukhang wala talaga yung hinahanap niya. "Fuck."

"Why? What happened? Ano yung naiwan mo?" nag aalala kong mga tanong.

"My napkin." tinignan niya yung paligid. "I don't want to buy napkins on their fucking vending machine."

Napatingin ako doon sa vending machine sa labas ng restroom ng mga babae. "May napkin rin dito?" tanong ko.

"Of course." sagot niya. "Ayaw ko ng mga napkin na yan. Masyadong maiksi. Hindi pa madikit!"

Kinuha ko yung napkin sa loob ng bag ko. May dala akong dalawang napkin in case man lang hindi magkasya yung dala niyang extra napkin.

Makakatulong pala talaga yung pagdala ko nito. Nakng. Buti na lang.

"Ito ba yung nakuha mo sa kotse?" takha niyang tanong. Umiling ako. "Where did you get this?"

"Nagdala ako ng extrang napkin. Mukhang kulang yung dinala mo sa kotse." sagot ko.

Tinitigan niya ako. Ito na naman yung mga titig niya na biglaan na lang.

Napakamot ako. "Bilisan mo na, asawa ko." tinulak tulak ko siya papasok sa loob ng CR ng mga babae.

"B-Bumili ka na ng food, doon na lang tayo magkita." utos niya.

"Yes, asawa ko." sagot ko.

Pagkadating ko sa bilihan ng food, may pila. Mabilis lang naman kaya pumila na rin ako. Mukha kasing hindi nakakapanood si Amber nang walang kinakain. Katulad na lang nung nakaraang araw.

Ano kaya gusto ng asawa ko dito?

"Pagkatapos ng game, diretso tayo sa SMX ha." rinig kong daldal ng nasa likuran ko.

"Bakit?"

"May MIBF."

Nanlaki yung mata ko. MIBF?

Parang familiar sa pandinig ko yun. Book fair? Book fair kaya yun?

"Hala, totoo ba?"

"Oo be."

Nakng. Tila pumalakpak yung tenga ko sa narinig ko.

Gusto kong makapunta! Nakng. Sobrang hilig ko sa mga libro. Gusto ko bumili!

"Yes, sir?" hindi ko na napansin na may pila ako, ako na pala yung next. Hindi ko masabi nang maayos yung order ko dahil iniisip ko na hanggang ngayon yung book fair na narinig ko.

Anak ng. Makakanood na nga ako ng volleyball, posible rin na makapunta ako sa book fair!

Gustong gusto ko na makabili ng mga bagong libro. Ang tagal ko ng hindi nakakabili dahil hindi ako makalabas ng bahay masyado ngayon kasi maaga na umuwi yung asawa ko kumpara dati.

Sa sobrang curious ko, inantay ko silang matapos maka order at sinalubong.

"Excuse me." malawak akong ngumiti. Napansin kong napatingin sila sa kilay kong kilayless. "Sorry to bother you but I would like to ask you few questions if it's okay with you two?"

"Ang pogi." rinig kong bulong nung kasama niya. "Yes, kuya?"

"Nothing serious naman yung questions ko, gusto ko lang malaman yung book fair." paliwanag ko. "I like reading books and I heard about the MIBF, is it book fair?"

Ngumiti silang tumango. "Opo, kuya."

"Saan kaya yun?" tanong ko. "Interesado kasi akong pumunta mamaya after this game."

"Sa SMX po." sagot nila. Tinanong ko kung saan yun at tinuro naman nila, malapit lang naman pala.

"Matagal pa ba yan?" rinig kong tanong ng pamilyar na boses.

Salubong yung kilay ng asawa kong nakahalukipkip. Nandiyan na pala siya sa likod nung mga kausap ko. "Asawa ko, wait lang."

Binaling ko yung atensyon ko sa mga kausap ko. "Great." ngiti ko sa kanila. "Salamat mga ate ha." 

"Wala pong problema!" umalis na sila sa harapan ko. Naririnig ko silang pinag uusapan ako habang naglalakad palayo sa akin.

Napangiti ako. Ang pogi ko daw. Nakng.

Wala pang kilay yan ha.

"Naniniwala ka naman sa mga sinasabi nila?" pang aasar ng asawa ko.

Natawa ako. "Oo naman."

"Funny."

"Hindi ba?" tanong ko. Hindi ko narinig yung bulong niya. "Ano?"

"Sabi ko, ang tagal mo." sabi niya. "Malapit na magsimula yung game."

"Nakabili naman na ko." ngiti ko. "Hehe."

Hindi niya na ako pinansin at naglakad na nauuna sa akin habang nakahalukipkip parin.

Ang hirap pala talaga kapag may regla yung kasama mo. Hindi mo maintindihan kung anong nangyari at bakit ganito yung mood.

Habang naglalakad kami, may nakita akong T-Shirt ng Lasalle at Ateneo. Na engganyo ako.

Pwede namin 'tong suotin habang nanonood kami!

"Amber!" tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako nililingon. "Asawa ko!"

Nagtinginan yung mga tao sa lakas ng sigaw ko. Bigla akong nahiya.

Inis niya akong nilingon. "What?"

Tinuro ko sa kaniya yung T-Shirt. "Bili tayo." malambing akong ngumiti. Lumapit naman siya.

Napabili kaming dalawa. Yung T shirt ko, Ateneo habang yung sa kaniya La Salle. "Satisfied?" sarkastiko niyang tanong.

Masaya akong tumango. Oo naman, bakit hindi?

"Yan talaga susuotin mo?" tanong niya, nagtatakha. Anong problema sa susuotin ko?

"Bakit hindi?" tanong ko sa kaniya. "Gusto mo bang pareho tayo ng susuotin?"

"Sa La Salle side tayo, baka ikaw lang yung naka ateneo doon." sambit niya.

Eh ikaw lang naman kasi may gusto ng Lasalle side. Ateneo fan ako eh. Doon mo gustong umupo.

"Ayos lang." ngiti ko, nangangamba.

"Really?"

Ngumiti talaga ako nang malawak. "Oo."

"Cute." bulong niya pero narinig ko kaya natawa ako sa isip ko. Cute pala ako kapag ngumingiti ha.

Pagkatapos naming bumili, pinatong niya kaagad yung t-shirt sa suot niya. "Ipapatong mo lang?" tanong ko.

"Why? Gusto mo ba akong maghubad sa harapan ninyo?"

Ang sungit.

Umiling ako. "Hindi."

Sabay lakad palayo, iniwan na naman ako. Napapailing na lang ako at napapakamot sa kinatatayuan ko.

Napalingon naman ako sa mga tumatawa na mga nagbebenta ng T-shirt. Kayo na nga yung binilhan ko, tatawanan niyo pa ako.

Nahihiya akong umalis sa pwestong yun nang tumatakbo. Hinahabol yung gap naming dalawa ng asawa ko.

"Asawa ko naman." biro ko na kunwaring naiinis. "Nang iiwan ka naman doon bigla."

"Malay ko bang hindi ka kaagad susunod." sambit niya.

Ang sungit talaga.

Nakapasok na kami sa mismong loob ng arena. Namamangha ako sa sobrang dami ng tao.

Rinig na rinig mo yung mga away ng drums ng dalawang panig. Ang saya.

First time kong manonood ng UAAP na game na live. Hindi ko aakalain na masasaksihan ko 'tong larong 'to nang live mismo. Tumitig ako sa asawa ko. Gustong gusto kong mag thank you.

"What?" masungit na naman niyang tanong. Umiling naman ako. "Bilisan mo, hahanapin pa natin yung upuan natin." nahanap naman namin kaagad kaya lang pagkaupong pagkaupo ko pa lang, hiyang hiya na ako kasi parang ako lang yung naka blue dito sa row namin.

Parang gusto ko na lang maglaho.

"I told you to wear the La Salle shirt." sambit niya. Eh gusto ko Ateneo eh.

Hindi na lang ako sumagot.

Nagchicheer na yung buong crowd sa magsisimulang laban. Para akong kinikilabutan ngayon sa sobrang nakaka excite yung laro dahil championship siya.

"Go Ateneo, one big fight." rinig kong cheer ng kabila. Kung nandoon ako, nakatayo na ako at nakikisabay. "Go Ateneo, one big fight."

Hindi ko na talaga mapigilan sarili ko. Gusto ko na makisabay.

"Go ateneo, one big fight." sabay kong sigaw. Tinitigan naman ako ni Amber kaya napatigil ako sa ginagawa ko. "B-Bakit?"

Umiling lang siya.

Gusto ko lang naman namnamin yung arena at yung energy ng crowd.

Mas lalong lumakas yung cheer at yung mga sigaw ng mga tao sa buong arena nung nagsimula ng iintroduce isa-isa yung mga players ng lahat ng team.

"Alyssa Valdez!" napatayo ako at napa cheer nung tinawag ng announcer yung pangalan ng team captain ng Ateneo.

Marahas akong hinawakan ni Amber sa braso at pinaupo.

"Bakit?" takha kong tanong. "Gusto kong mag cheer kay Alyssa."

"Required ba?" mataray niyang tanong. Napakamot na lang ako, gusto ko lang naman siyang i-cheer. Siya yung pangalawang volleyball player na sinusuportahan ko maliban sa'yo, asawa ko.

"Hindi naman."

"Then stop it."

Napanguso na lang ako. "Parang cheer lang eh."

"Edi dun ka sa tabi niya." sabi niya. "Huwag ako yung tabihan mo."

"Hindi na." pagpapakumbaba ko. "Sorry."

Pagkatapos ng Ateneo, nagsisigawan naman yung mga nasa side namin nung tinatawag yung buong team ng Lasalle. Nakakabingi pala talaga kapag ganito ka-hype yung crowd, pero masaya.

Napabalikwas ako nung kinurot ako ni Amber yung tuhod ko. "Aray."

Sinenyasan niya akong ilapit ko yung tenga ko sa kaniya dahil may sasabihin siya.

"Let's make a bet again." parang may kuryente akong naramdaman sa boses niyang dumaloy sa tenga ko. Tumaas yung balahibo ko.

Ilang segundo bago ko maproseso yung sinabi niya. Anak ng! Bet? Bet na naman?

Napangiwi ako. "No way!" kontra ko. Masyado na yata siyang nawili sa pagbebet. Kasalanan ko rin, ako may pasimuno nito.

"LET'S MAKE A BET." napalayo ako dahil sinigawan niya na ako sa tenga.

Yung huling bet natin, nawalan ako ng kilay!

Umiling ako bilang protesta. Pinandilatan niya ako ng mata kaya napayuko ako. "Oo na." malalim akong huminga. Wala naman akong magiging choice.

Buti na lang medyo madali yung bet. Hahampasin niya daw ako sa kamay kapag naka score yung Lasalle.

"Paano naman ako makakabawi kapag naka score Ateneo?" tanong ko sa kaniya.

"You'll do the same." sagot naman niya.

Umiling ako. "Ayaw ko!" hindi ko kayang hampasin siya no.

"Then it's not my problem." kibit balikat niya.

Ang daya naman. Porket alam niyang hindi ako makakabawi, ganito na yung gagawin sa akin. Hindi pwedeng siya lang yung may panlaban kapag naka score yung pang bato niya.

Biglang may nagpop na idea sa utak ko. Napangiti ako sa naisip ko.

Inilapit ko yung labi ko sa tenga niya para magsalita. "Kilitiin na lang kita." bulong ko sa tenga niya.

Kinirot niya ako sa tuhod. "Aray!"

"No."

Pabiro akong masamang tumingin. "Unfair."

Pinatunog niya yung dila niya. "Fine." blangkong ekspresyon niyang sagot.

Na excite ako bigla. Gusto kong makita kung ano magiging reaksyon niya kapag nakiliti. Tuwing kinakausap ko kasi siya, madalang lang siyang magpakita ng emosyon.

Baka dito, makita ko siyang matawa sa kiliti o ewan. Baka may iba pa siyang ekspresyon.

Huminga siya ng malalim. "Fine."

Ngumiti ako. Yes! Tama yan, love na love talaga kita.

Nagsimula na yung game at ramdam mo na talaga yung intensity sa loob ng court. Ramdam na ramdam mong finals na. Yung asawa ko, kain lang nang kain ng popcorn kahit kakastart pa lang naman. Parang kalmadong kalmado na walang pakialam kung finals o hindi.

Tumaas ulit yung balahibo ko sa balat dahil bigla bigla niyang nilapit yung labi niya sa tenga ko kahit hindi ko naman nilalapit yung mukha ko.

"If Ateneo lose, kakalbuhin kita."

Anak ng.

Hindi ako makapaniwalang binaling yung paningin sa kaniya. "A-Ano?"

"If Ateneo lose, kakalbuhin kita."

"Wala na nga akong kilay, pati ba naman buhok ko?" kontra ko. Anak ng. "No!"

"Then pray."

"Anong pray?"

"Magdasal ka na."

"Para saan?"

"Na huwag matalo yung Ateneo mo pati yung Alyssa Valdez mo."

Napahawak ako sa ulo ko. Paano ba ako makakaiwas sa ganitong bet ng asawa ko? Gusto kong kumontra, anak ng. Palibhasa kasi hindi siya yung mawawalan ng buhok.

"Ayaw ko." protesta ko. Ayaw ko talaga.

Kinurot niya ako sa tagiliran. "Oo na, oo na!"

Narinig kong nagsigawan yung mga nakapaligid sa amin na mga supporter ng Lasalle team.

Nakapoints na agad.

"Your hand." wala na, nagsimula na yung malas ko. Binigay ko nang masama yung loob ko.

Nakagat ko yung labi ko sa lakas. Anak ng!

Tumitig ako sa asawa ko. Nagtatanong yung titig ko kung bakit malakas siya manghampas.

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

Tinignan ko yung kamay ko. Putek.

Isang hampas pa lang, namumula na kaagad yung likod ng kamay ko.

Huminga ako nang malalim. Binaling yung tingin sa katabi ko. "So kapag natalo yung La Salle, kakalbuhin kita, asawa ko?" tanong ko.

Kumunot siya. Ang sama sama ng tinging tumitig.

"No."

Nanlaki yung mata ko. "Anong hindi?" gulat kong tanong. "So sa akin lang applicable yung bet na yan?"

"Yes."

Anak ng.

"Ang daya mo naman!"

Mahina siyang natawa. "Fine, mag isip ka na lang ng ibang punishment."

Sige. Tutal babae siya at mahalaga ang mahabang buhok sa kanila.

Malalim lang akong nag iisip habang nanonood ng game pero wala parin akong maisip.

Napatayo ako nung nakakuha ng oints si Alyssa Valdez. "Yes!"

"Go Ateneo, one big fight!" sigaw ko. "Go Ateneo, One big fight!"

Hinila na naman ako ng asawa ko para paupuin. "You're so loud."

Nabaling yung atensyon ko sa mga kasamahan namin sa lasalle side. Mukhang nagulat sila sa biglaang pagtayo ko at pagsigaw.

Hindi nga pala 'to Ateneo side.

Gusto ko na lang maglaho sa sobrang hiya.

Pagkaupo ko, tinitigan ko yung asawa ko. Nag iisip.

Naramdaman niya sigurong nasa kaniya yung paningin ko kaya tumitig rin siya. Nagtama yung paningin namin at iniwas niya agad yung mata.

Pasensya na asawa ko, gusto ko lang naman malaman kung saan kita pwedeng kilitiin kaya ganito kita tignan.

Naka score yung ateneo kaya awtomatiko akong napangiti at pinuntirya ko yung batok niya.

Napabalikwas siya sa gulat at kiliti. Natawa ako.

Malakas pala kiliti niya. Anak ng. Ang cute.

Hinampas niya ako sa binti. "Ano ba?" reklamo ng asawa ko.

Natatawa parin ako. Ang cute talaga. "Naka score yung Ateneo eh!" kontra ko. "Kikilitiin talaga kita."

"Hindi sa batok." inis niyang singhal.

Natawa ako ulit kasi naka score na naman yung ateneo kaya pinuntirya ko naman ngayon yung leeg niya.

"Ano ba?"

Hindi ka parin matigil sa pagrereklamo no, asawa ko?

"Naka score sila!"

"Hindi sa leeg ko." protesta niya. Anong magagawa mo, asawa ko? Eh nakiliti na kita.

Napalakas yung tawa ko. Nakita kong tumataas balahibo niya sa balat niya.

"May kiliti ka rin sa leeg?"

Hindi siya sumagot.

Naka score na naman yung Ateneo.

Pinuntirya ko naman yung likod ng medyo mababang portion ng leeg niya.

"Pwede ba?" naiirita na.

Tumawa ako ulit. Anak ng.

Ang cute mo naman, asawa ko.

"Ang cute mo kaya."

"Stop doing it."

Nawala yung ngiti ko nung naka score yung Lasalle.

"Ah!" sobrang lakas ng hampas niya. "Ang sakit." parang binawi yung ginawa ko.

"Nilalabas mo ba lahat ng sama ng loob mo sa akin?"

Nakascore na naman yung Lasalle. Mabilis kong itinago yung kamay ko pero dahil malakas siya, nagawa niyang kunin yung kamay ko at hinampas nang pagkalakas lakas.

Anak ng.

Tuloy tuloy lang kaming naglalaro habang naglalaro rin sila ng volleyball sa ibaba.

Pulang pula na yung likod ng kamay ko. May mga sugat na at dugo dugo sa sobrang sakit ng mga palo niya. Halos sukong suko na sa sakit yung kamay ko.

Hindi siya naghihinay hinay.

Ang sakit ng mga palo niya. Ginawang bola yung kamay ko ng asawa ko, hampas nang hampas.

Sige lang, magpakasaya ka lang sa pagpalo ng kamay ko. Nasa akin yung huling halakhak pag natapos 'tong larong 'to.

Kaso hindi ako sigurado, ehe.

"Nakapagdasal ka na ba?" tanong niya sa akin. Pinapaalala niya yung bet na kakalbuhin niya ako.

Ngumisi ako. Nagtatapang tapangan na kami yung mananalo.

"Hindi ko na kailangang magdasal dahil alam kong mananalo kami." nakangisi kong sabi.

Umabot ng fifth set yung laban kasi naghahabulan ng score yung dalawang opponent.

Kaya kinakabahan ako. Pwedeng makalbo talaga ako o hindi.

Ang galing naman kasi talaga ng La Salle.

"Ang galing ng La Salle."

Ngumisi siya. Umiling na lang ako dahil mukhang niyayabangan ako.

Habang may one minute break yung dalawang opponent. Yung camera nagsimulang maglibot libot kung saan saang seat ng audience. Naghahanap ng mga mag couple.

Palapit nang palapit yung camera sa amin hanggang sa tinutok sa amin yung camera.

Yung mismong kiss cam.

Anak ng.

Nasa amin lahat ng atensyon. "Kiss! Kiss!"

Bakit sa amin pa tinutok? Ni hindi naman kami magka relasyon.

Pinakalma ko yung mga nagsisigaw ng kiss. "Hindi kami! You got the wrong idea." awkward kong ngiti.

Hindi ko naman alam na may ganitong pautot ngayon yung UAAP.

"Damn it." hindi ako nakagalaw nung naramdaman ko yung labi ng asawa ko sa pisngi ko.

Nagsigawan yung mga katabi namin. Lahat sila.

Anak. Ng.

Sobrang lakas ng pintig ng dibdib ko. Hindi makalma.

Kilig na kilig naman yung mga tao. "Pulang pula si kuya." rinig ko kaya mas lalo akong nahiya at mag space out lalo.

"What a great date for you, huh?" sarkastiko niyang sabi sa akin, hindi ko siya tinitigan sa mata dahil alam kong hindi na talaga ako makakagalaw. Naramdaman kong pinunasan niya yung lipstick sa pisngi ko. "Nakita ka ng lahat nang walang kilay."

Pisting yawa.

Napapikit ako. Oo nga pala, wala nga pala akong kilay ngayon. Sana hindi masyadong halata tutal naka sumbrero naman ako dito.

Malakas parin yung pintig ng dibdib ko. Naibaling ko na lang yung atensyon ko sa laro nung nagsimula na. Nawala narin sa isip ko kasi sobrang intense na nung laro. Deuce.

Parehong fifteen yung score.

Napaka init ng laban.

Naka score yung La salle pero hindi na ako hinampas ng asawa ko sa sobrang tutok talaga sa laban. Kahit ako, hindi ko na masyadong napansin yun.

Hinahabol naman ng Ateneo hanggang sa sila na yung mag last one.

Hindi ko mapigilang mang asar sa asawa ko. Inaasar ko yung asawa ko sa mga sigaw ko at sa mga ginagawa kong pagpapansin. "Go ateneo, one big fight!"

Ang sama sama ng tingin niya. Nagpipigil na lang talaga siyang hampasin na ko sa inis.

"Ready ka na bang matalo, asawa ko?"

"You bet." iling iling niyang sabi. "I'm sure we'll win—"

Napatalon ako sa sobrang tuwa. "Go ateneo, one big fight!" nakuha nila yung huling score!

Panalo yung Ateneo!

Talon ako nang talon sa pwesto ko at dila nang dila sa harapan ng asawa ko.

Hindi ako makakalbo! Yes!

"Talo, talo, talo, talo." pang aasar ko sa asawa ko. Natigil na lang ako nung piningot niya ako sa tenga ko. "Ah!"

"Hindi ka talaga tumitigil ha?" kinaladkad ako palabas ng arena nang nakapingot siya sa tenga ko. Anak ng!

"Asawa ko."

"Shut up!"

Pinagtitinginan kami ng lahat habang naglalakad kaming dalawa ng asawa ko palabas ng arena.

Tinanggal na lang niya yung pingot sa akin nung nasa labas na kami ng arena.

"Grabe ka naman, asawa ko." reklamo ko. Siguradong pulang pula na ngayon yung tenga ko.

"You fucking deserve that." sambit niya.

"Bakit naman?"

"Because you're so annoying." iritado niyang sabi.

"Nag eenjoy naman tayo doon ha?"

"Enjoy? Really?" natatawa ako sa likod ng utak ko.

"Sorry na." tinignan ko sa camera ng cellphone ko yung tenga ko kung anong kalagayan niya.

Pulang pula. Anak ng.

Nabaling yung atensyon ko nung nakita ko yung dalawang kausap ko na nagmamadali papunta sa SMX galing sa arena.

Oo nga pala, MIBF!

Hindi ako mapakali. Gustong gusto ko talagang pumunta at makapasok sa MIBF.

"What?" inis niyang tanong. "Gusto mo na bang sumama sa mga kausap mo kanina?"

Takha akong tinignan siya. Ano daw?

Naramdaman niyang hindi ko naintindihan yung sinabi ko kaya tinuro niya yung dalawang babae.

Ah! Yun naman pala.

Nakita niya rin pala yung mga babaeng nakausap ko kanina na dumaan.

"Hindi, naalala ko lang yung sinabi nila kanina." nakangiti kong sambit.

"Ano ba kasi yung pinag usapan ninyo?" tanong niya sa akin na parang intrigang intriga.

"Narinig ko kasi silang nag uusap tungkol sa MIBF." paliwanag ko.

"What's MIBF?"

"Book fair." sagot ko. Tinuro ko yung SMX. "May book fair daw diyan sa building na yan, eh mahilig ako sa libro kaya naintriga ako."

Tinitigan niya ako. "Mahilig ka magbasa?" tanong niya.

Excited akong tumango. "Gusto ko ngang pumasok sa SMX eh."

"Okay."

Kumunot ako. Okay?

"Huh?"

"Let's go." naglakad siya papunta sa direksyon ng SMX.

"Teka." hinabol ko siya. "Okay lang sa'yo?"

Tumango siya.

"Talaga?"

"Pwede naman tayong hindi tumuloy." mainahon niyang sabi. Umiling ako.

"Ang ibig kong sabihin kung sigurado ka ba?" sambit ko. "Baka mainip ka don."

Napahinto siya at tumingin. "Bakit naman ako maiinip?"

"Baka hindi ka mahilig sa ganun, sa mga book fair." ako lang naman yung nerd dito sating dalawa. Ako lang mahilig magbasa ng libro.

Tumaas yung kilay niya. "Sinabi ko bang hindi ako mahilig?"

Ngumiti ako. Nagugulat. "Pero hindi mo naman kinukwento na mahilig ka."

Mahilig siya?

Masama niya akong tinignan. Nagagalit yata na hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya.

"Mahilig ako sa libro, okay?"

Napaawang yung bibig ko sa gulat.

Totoo ba?

"What?"

Tumawa ako. "Talaga?"

"Gusto mong mapingot na naman?"

Umiling ako. Naglakad na naman siya palayo habang ako naman dito ay hindi parin makapaniwala.

"Bilisan mo!"

Halos matapilok pa ako sa pagmamadali nung narinig ko na yung irita niyang boses. "Yes, asawa ko!"

---

Ang sarap ng simoy ng hangin. Ang sarap makalanghap ng hangin na galing sa dagat.

Ang sarap sarap. Sobrang sarap.

Yun nga lang, sa sobrang dami ng basura dito sa sea side ng MOA, sumasama yung weird na amoy sa hangin.

Pero thankful parin ako kasi iba yung simoy ng hangin galing dagat kumpara sa simoy ng hangin ng electric fan.

Kaya lang nakakalagkit yung hangin sa balat.

Nabaling yung atensyon ko sa asawa ko. Inuutusan akong buksan yung takip ng beer. Pangalawang bote na niya.

"Tapos ka na agad sa pang unang bote?"

"Hindi naman kita uutusan na buksan 'to kung hindi pa ako tapos." ang sungit talaga sumagot.

Napailing na lang ako at kinuha yung beer niya. "Hindi ko pa nga natatapos yung unang bote ko eh."

"Hindi ko na problema yon." mahina akong natawa sa narinig kong sagot.

"Cheers?" pinatunog naman niya yung bote sa bote ko.

"Gusto mo magpatugtog ako, asawa ko?" tanong ko.

"Hindi lang tayo yung tao dito." sabi niya. "Mahiya ka naman."

Sabagay. Ang sarap lang kasi kung may tugtog.

Kinakain ko yung pulutan habang nakatingin sa malayo, nag iisip nang malalim.

Ang sarap pala ng ganito. Yung iinom ka ng beer na may kasamang pulutan habang nag eenjoy sa hampas ng hangin at yung tubig ng dagat na naririnig mong umaalon.

"Anong punishment yung naisip mo?" tanong niya bigla pagkatapos ng mahaba habang katahimikan.

"Punishment?" oo nga 'no, nawala na rin sa utak ko. "Hindi pa ako nakakapag isip." ngiti kong sagot.

"Isipin mo na."

"Ano kaya. . ."

Sinubukan kong mag isip ng pwedeng i-punishment sa kaniya kaso kahit anong isip ko, mukhang hindi naman niya aaprubahan.

Ayaw ko rin naman yung mga punishment na inaano niya sa akin kasi siguradong mapapatay ako kapag ginawa ko yun sa kaniya.

"Favor na lang." sambit ko.

Tama, favor na lang.

Kumunot naman yung noo niya. "What favor?"

Kibit balikat akong sumagot.

"Really? Favor? Tapos hindi mo alam yung favor na gusto mong ipagawa sa akin?"

Ngumiti ako. "Wala muna akong favor sa ngayon pero may utang ka sa akin na favor."

Masama yung loob niyang tumango kaya natawa ako.

"Huwag ka mag alala, hindi naman ako hardcore na tao. Madali lang naman yung favor ko." sabi ko.

"Yeah, sure." walang gana nyang sagot. Mukhang hindi naniniwala sa sinabi ko.

Tumahimik lang kaming dalawa dahil nag eenjoy kami sa presko ng hangin pati sa view kahit madilim na.

"Thank you pala." nilingon niya ako. "Sa date."

Tumango siya. "Hindi naman 'to date."

Natahimik ako.

Akala ko pa naman date. Sabi mo kasi date 'to.

Baka hindi date yung tingin niya dito. Sabagay, hindi naman ako yung boyfriend.

Bumuntong hininga ako. "Hindi nga." ngiti ko na nakababa yung paningin. "Pero salamat padin."

"I mean, this is friendly date." kamot niya sa noo niya. "Pero hindi parin 'to date kasi nanood lang naman tayo ng laro."

Tumawa na lang ako nang mahina. "No need to explain naman."

"Kasi sigurado akong hindi ito yung first date na iniimagine mo."

Natigilan ako sa narinig ko.

"Okay lang, naexperience ko parin na lumabas nang may kasama." sagot ko. "Kahit hindi ito yung naiisip ko na magiging date ko."

Mahaba habang katahimikan na naman yung nabalot saming dalawa hanggang sa magsalita ulit siya. "What date are you thinking about? I mean anong date yung iniimagine mo for your first date?"

Tipid akong ngumiti. "Wala naman."

Masama niya akong tinignan. Ang cute naman niya.

"Sasagutin mo o itutulak kita dito?" banta niya. Napayuko ako at tinignan yung nasa ibaba namin, malalaking bato. Nakaupo kasi kami tapos ilalim namin dagat na at mga malalaking bato.

"Ay—" biniro akong tinulak ni Amber na ikinahinto ng pintig ng dibdib ko. "Anak ng."

"May sagot ka kaya sagutin mo."

"Anak ka naman ng—Asawa ko! Nakakatakot yung biro mo." nakahawak ako sa dibdib ko dahil halos atakihin ako sa ginawa niya.

"S-Sorry."

Huminga ako nang malalim.

"Bakit mo naman kasi tinatanong?" tanong ko. "Para lang sana sa amin yun ng utak ko at ng imagination ko."

"I just wanna know."

Nagkakamot ako ng ulong nagsasalita nang mahina.

Kunot noo niya akong tinitigan. "What did you say?"

"Huwag na kasi."

"Sasabihin mo o tutuluyan talaga kitang itulak dito?" pagbabanta niya.

Ito na nga kasi. Nakng.

"Simple lang naman yung gusto ko." yuko ko. "Manood ng sine, mag Ferris wheel, mag bowling at mag karaoke."

Tahimik naman siyang nakikinig.

"Pati pala dinner."

Tinanguan naman niya ako.

"Pero okay naman sa akin 'tong impromptu na lakad. Sobrang saya ko kaya ngayon."

"We'll have your first official date tomorrow." sambit niya.

Huh? Ano?

"W-What?"

"First date tomorrow."

"Ito na yun di ba?" nahihiya kong tanong na natatawa. "Magpahinga ka na lang bukas, asawa ko. Masaya ako ngayon sa date na 'to."

"I'm still not yet satisfied." sagot niya. "Kailangan maging memorable yung first date mo, yung mismong iniimagine mo na date yung gusto kong matupad."

Napalunok ako.

Nakakakilig naman.

Hindi ako makatingin sa kaniya kaya nakayuko lang akong mahinang natatawa sa tuwa.

"This is just a warm-up date for you." sabi niya. "So prepare for tomorrow, it's your big day."

Napanganga ako. Hindi makapagsalita.

"What?"

"T-Thank you, asawa ko." nangingintab yung mata ko. Parang gusto kong maiyak sa tuwa. "Thank you."

Tumango lang siya.

"But I hope you enjoyed today." sabi niya habang nararamdaman kong nakatingin siya sa akin.

"Nag enjoy talaga ako." sagot ko.

Nabaling yung atensyon namin sa kwentuhang volleyball. Hindi kasi kami nakapag kwentuhan nang maayos kanina dahil badtrip siya nang malala.

Competitive na tao kasi talaga siya. Hindi kaagad natatanggap yung pagkatalo. Nadala niya yung habit na yun hanggang sa personal niyang buhay.

"Ang daming libro kanina sa MIBF no, asawa ko?" sambit ko. "Lahat talaga discounted."

Naparami yung bili namin. Halos singkwentang libro yung binili namin sa sobrang dami naming gusto.

Napangisi siya, sarkastiko yung ngisi. "Madami nga, wala naman yung hinahanap kong libro."

"Ano ba yung hinahanap mong libro?" tanong ko.

Sinagot niya ako at napanganga ako. "Eh nadaanan ko yun kanina eh."

"What?" ngiwi niya.

"Nadaanan ko."

"And you didn't bother telling me?"

Malay ko ba. "Nakipaghiwalay ka sa akin kasi gusto mong tignan yung ibang section na genre."

Siya nga mismo yung nakapagpatagal ng pag stay namin sa book fair.

"Nabasa ko na yun." kwento ko. "Yung bidang babae, naachieve niya naman yung goal niya. Kaso maraming namatay. Yung kapatid niya, yung boyfriend niya, yung tatay niya—"

"What the fuck?"

Tumango ako. "Oo, namatay sila."

"Did I fucking tell you to spoil everything?" inis yung boses niya. Napalunok ako.

"Ehe."

"Hindi ka talaga marunong tumahimik no?"

"Hindi mo naman sinabing huwag kong ispoil—Aray!"

Halos matanggal yung tenga ko sa kirot ng pagkapingot niya. "I hate you."

Hinila niya ko sa tenga pabagsak sa sahig galing sa medyo mataas na kinauupuan namin sa seaside. Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa ginagawa ng asawa ko.

"Hindi na, hindi na!" 

Nakng!

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

8.7K 187 26
A time lapse, BENT story of a young girl. 1996... I am graduating in Elementary. Pero baby pa sa paningin ng Family ko. Unlike sa Western countries...
5.5K 75 35
Isa lang naman yung gusto ko sa buhay.. Isa lang.... Yung tratuhin ako ng asawa kung mahal na mahal ko. Di ko alam kung kailan yung araw na yun? K...
Control The Game (COMPLETED) beeyotch द्वारा

सामान्य साहित्य

27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
Defy The Game (COMPLETED) beeyotch द्वारा

सामान्य साहित्य

12.3M 538K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...