A reader's diary (Completed)

By momo_nirah

3.3K 139 5

When fate started its game, and never knew who were one of the players. Happiness doesn't lasts forever. Its... More

chapter 1
CHAPTER 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 16
chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
54
55
56
57
Chapter 58
59
Chapter 60
Chapter 61: THE LAST PART

Chapter 21

46 2 0
By momo_nirah

21

A/N: 

(Pasensya na po kayo sa magulong kwento. Eto eepal na 

naman ako. Oo nga pala from here onwards wala ng

ibang magppov kundi ang writer..Third person na

lang muna. Nakigulo lang si Matt..hehe..Wag nyo nang 

hanapan si Renz)

September 9

Dear Diary,

"Sa lahat ng sitwasyon dapat gamitin natin ang

utak natin para hindi tayo masaktan, Pero Stephen, minsan

kailangan din natin pakinggan ang puso natin, kasi kahit

tanga man ito, ang puso lang natin ang nakakaalam kung 

saan talaga tayo sasaya" --Naomi (BTCHO by Alyloony)

Hindi ko alam na maiipit ako sa ganitong sitwasyon, hindi

ko akalain na yung mga kwentong nababasa ko lang ay 

maeexperience ko rin. Hindi ko na yata gustong magkaroon

na magandang kwento...Ang hirap pala...

I don't know dahil kahit utak at puso ko nalilito na

ngayon. I knew in my mind that I like Matt pero dahil

sa sinabi ni Renz at dahil sa nangyari hindi ko na

alam kung ano bang tama sa nararamdaman ko...What should

I do?

---Neira---

Finals na ng archery at umaasa pa rin si Renz na manunuod sakanya

si Neira. Nangako ito sakanya pero dahil sa ginawa nya wala

nang chance na mapanuod pa syang maglaro. Naiinis sya sa 

kalokohan nya. Lagi na lang yung Matt na yun ang ang binibigyan

ng priority ni Neira. 

Hindi naman nya intensyong inisin si Neira dun sa 

nangyari sa cafeteria. Pero nung nakita nyang magkasama

silang dalawa ni Matt naisip nyang pagselosin si Matt.

Naiinis kasi sya tuwing makikita nyang magkasama yung \

dalawa.

Naiinggit sya kay Matt dahil sa tuwing magkasama 

sila ni Neira laging mukhang masaya sya. Samantalang kapag

sya ang kasama ni Neira lagi na lang itong naiinis sakanya.

Hindi rin naman nya masisisi si Neira pero natutuwa kasi

sya kapag lagi itong inaasar.

Hinihiling pa rin nya na sana makita nya itong sumuporta

sakanya at hindi lang puro sa laro ni Matt.

Naisip nya na kahit walang suporta ni Neira kaya parin

nyang ipanalo ang laban. Gusto lang nyang makita

ang mukha nito para ganahan syang maglaro.

*

Pauwi na sana si Neira ng araw na yon ng mapadaan sya

sa archery activity area. Hindi naman sya indoor pero 

may mga chicken wire na nakaharang sa paligid. Hindi 

masyadong dinadaan ang parte ng campus na iyon kaya

siguro duon itinayo ang archery activity area.

Napansin nyang maraming babae ang nakatambay sa may

fence. Narinig pa nya ang usapan ng mga ito.

"Uy, Nag-uumpisa na oh! Si Kuyang Pogi ang galing

ano?"

"Uy..Tabi naman..hindi ko makita..ala ang gwapo nya

talaga. Parang anime lang pogi.. Crush ko na sya."

"Oi ako nauna nakakita sakanya."

"Weh..Sasali ako sa archery club para lagi ko

syang makita..Ampogi"

Dahil sa pagkacurious ni Neira at kagustuhang

makita kung paano ba ginagawa ang archery, nakisingit

sya dun sa mga babae at sumilip na rin.

Nung una hindi nya agad napansin kung sino yung naglalaro

pare-pareho kasi ng suot yung mga players. 

Nakaputi at mahabang palda o pants?

Nang tingnan nya mabuti nakita nya si Renz na naglalaro.

Napako ang mata nya sa pwesto ng mga kaklase nya

na nanunuod sa loob. 

Nakita nya ang ilan sa mga ito na nanunuod ng tahimik. 

Siguro pinapanuod ang laban ni Renz. Hindi nya alam kung

anong pumasok sa isip nya at pumunta rin sya sa loob.

Nakiupo sya sa tabi ng mga babae nyang classmate at tila

nagulat naman ang mga ito sa bigla nyang pagsulpot.

Sinenyasan sya ng mga ito na huwag gumawa ng ingay kaya

tahimik syang naupo.

"Uy, Class Rep. galing ni Renz maglaro. Parang sya lang

talaga may alam ng archery though magaling din yun

kalaban nya." bulong sakanya ng katabi.

Pinagmasdan nyang mabuti kung paano ito maglaro. Namangha

sya kung paano ito humawak ng pana. Napakacool nyang 

tingnan para syang isang superhero. Seryosong-seryoso ang

expression ng mukha nito. Halata naman sa ibang players

na kinakabahan. 

Walang ibang ingay na maririnig dahil kahit mga

audience ay seryosong nanunuod. Tanging tunog lang

ng mga tumatamang arrow sa board ang maririnig. 

Para rin pala itong long range dart.

*BAM BAM BAM*

Sapul ng sapul ang mga tira ni Renz. Magaling rin naman

ang isa sa kalaban ni Renz hindi mukhang baguhan.

Ngayon lang talaga napagmasdan ng seryoso ni Neira si

Renz. Halatang maraming kinikilig sa kagwapuhan ng

binata. Para syang isang wax model ang ganda ng

tindig. Though hindi sya kasing tikas ng katawan ni

Matt dahil medyo may pagkaskinny si Renz. Pero tamang

tama lang ang sukat ng katawan nito.

Kahit saang anggulo mo tingnan si Renz wala kang

maiipintas sakanya. Hindi mapigilan nya mapigilang

mapahanga. Pati paghinga niya ay pigil-pigil nya.

Hindi nya akalain na ang sinasabi ng mga kaibigan

nya na boring na archery ay nakakapagpakaba sakanya

ng ganito ngayon.

Huling round na at hindi pa rin nagpapatalo si 

Renz. Napansin ni Neira na parang tinablan na ito

ng kaba. Hindi rin kasi basta-basta ang nakatapat

nya. Hindi na nakapagpigil si Neira.

"GO! MOGI! GALINGAN MO! ALAM KONG KAYANG-KAYA

MO YAN! GO!" sigaw ni Neira.

Mukhang nabigla ang lahat ng naroon dahil sya

lang ang gumawa ng ingay. Si Renz naman nagpalinga-

linga upang makita ng nagbigay ng suporta. Alam

na alam nya kung kanino nanggaling ang boses.

Nagtama ang mga mata nila ni Neira at  hindi

nya napigilang mapangiti ng matagpuan ang

babaeng iniintay nya. Nanuod pala ito ng

laro nya. Ngayon mas lalo syang nagkalakas 

ng loob dahil nandito na ang inspirasyon nya.

Nang makita ni Neira na nakangiti sakanya si Renz agad

na bumilis ang tibok ng puso nya. Parang kagaya nung

minsang nagkasama sila. Pakiramdam nya nag-iinit rin ang

mukha nya. Nababaliw na siguro sya dahil habang

tumatagal na nakatitig sya kay Renz ay mukha ng

isang gwapong binata ang nakikita nya.

Kumindat pa si Renz na napansin naman ng mga classmates nila.

"UUUuuuuyyyy! May lihim pala kayo" biro ng isa nilang kaklase.

"Panatilihin lang po nating maging tahimik hanggang sa matapos

ang huling round" saway sakanila ng tagabantay na naroon.

Matapos kasing sumigaw ni Neira nagkaroon ng commotion. 

Bigla namang nakaramdam ng matinding hiya si Neira. She 

realized what she had done. Nawala sa isip nya kanina na

bawal nga palang gumawa ng ingay hanggat hindi pa natatapos

ang laro. 

Mukha syang tanga na sumigaw para lang suportahan si Renz. 

Nadala kasi sya sa ganda ng laro. Masyado syang naexcite sa 

ganda ng laban. Bumalik na ulit sya sa panunuod ng laban. Hindi

pa rin nagpapatalo ang kalaban ni Renz. Nanggigigil na rin si

Neira.

"Sumablay ka, sumablay ka..sablay sablya" bumubulong sya na

akala mo ay gumagawa ng orasyon para sumablay ang tira ng 

kalaban at.....

Sumablay nga! 

Nagsigawan at nagtalunan ang mga 4-C. Nanalo si Renz at

nagbunyi ang mga kateam nya. 

Maya-maya lumapit na rin si Renz sa mga classmates nya. Niyakap

sya ng mga ito at binabati. 

Si Neira ay nakatayo lang sa may likuran nahihiya pa rin sya 

sa nakakaeskandalong pagsigaw nya kanina.

Agad namang hinagilap ng mga mata ni Renz si Neira dahil

sigurado syang hindi sya namalikmata ng makita nya

ito kanina. Agad syang bumitaw sa mga kasamahan nya

ng matagpuan nya ang babae. 

Lumapit sya dito at walang pasabing niyakap. Nagulat naman

si Neira.

"UuuuuYyyy! Iba na yan!" kantiyaw ng isa sa mga kaklase nila.

"Salamat ah!" bulong ni Renz.

Bumitaw na si Neira sa pagkakayakap ni Renz, pakiramdam nya

nag-iinit na yung mukha nya. 

"Eh? nagpapasalamat ka? Hindi pa nga kita nababati!" sagot

naman ni Neira. 

"Oo nga pero hindi naman yun ang pinagpapasalamat ko. Nanalo

ako kasi narinig ko yung sigaw mo kanina" nakangiti na ngayon

si Renz.

Pulang-pula naman si Neira. Alam nyang aasarin lang din sya

ni Renz at ng mga kaklase nila. Umiwas na lang sya ng tingin.

"Oy! Oy! Tama na yang kacheesihan nyo. This calls for a celebration.

Ano? Tara Renz!" yaya ni Ryan na classmate nila at malapit kay Renz.

"Ah! Pasensya na! Kayo na lang! Hindi ako makakasama eh, may pupuntahan

pa ako." pagtanggi nya.

Nadismaya naman ang mga kaibigan nya pero mukhang hindi pa rin magpapaawat

ang mga ito.

"Ano ka ba naman pano ang celebration kung wala ang celebrant?"

"Oo nga Renz, ANg kj nito dali na!"

"Sorry talaga next time na lang!"

"Haay! Sige na nga kung di ka lang pogi.." sabi ng isa sa babaeng

kaklase nila.

"Oh! Ikaw Ranah? Sasama ka? Tutuloy kami kahit wala ang kj" yaya

nila kay Neira

"Ah..Sige ba" sumunod si Neira sa mga kaklase nya pero bigla

syang hinawakan ni Renz sa braso.

Nasa may hulihan si Neira kaya walang nakapansin na naiwan sya.

"Huy! Ano bang ginagawa mo? Maiiwan na nila ako" saway niya habang

hinahabol nya ng tingin ang mga papalabas na mga kasamahan.

"Sinong may sabing sasama ka sakanila?" pigil ni Renz

Aba kung makaasta ang lalaking ito akala mo kung sinong

hari, hindi ko naman kapatid, o ama o kahit boyfriend..

isip-isip ni Neira.

"At bakit hindi ako pwedeng sumama?" pagtataray nya.

"May lakad tayong atin"

"At sinong may sabing sasama ako sayo"

"AKo!" pagyayabang ni Renz na nakangisi

"Kapal! Bitawan mo na nga ako" hinigit ni Neira ang kamay nya

dahil hindi pa rin binibitawan nito sa pagkakahawak.

"Sasama ka sa akin, Hintayin mo lang ako magpapalit ako.

Wala ka ng magagawa pag tinakasan mo ako papakidnap kita"

pananakot pa nya.

"Hoy! At bakit naman kita susundin,? Sino ka? Amo kita

huh?" tatalikod na sana si Neira ng bigla syang

matigilan sa sinabi ni Renz

"Pag di mo ko hinintay ipagkakalat ko ang nangyari sa mall"

"Abat--" lumingon sya pero tumatakbo na papuntang locker 

room si Renz.

Bwisit na lalaki yun. Binablackmail ako.. inis na inis si Neira

Wala rin naman syang nagawa kundi mag-intay hindi din naman 

umabot ng 10 minuto ang paghihintay nya. Mukhang nagmadali 

talaga si Renz.. gulo-gulo pa ang buhok nito at hindi nakaayos

ang pagkakasabit ng bag.

"Buti hinintay mo ako..Akala ko magpapakidnap ka pa eh"

"Hinintay lang kita makapagbihis para sabihin na uuwi na

ako" tinalikuran na nya ang kausap

Sumunod naman si Renz at bigla na lang syang inakbayan.

"O-oy! B-bitaw nga! May makakita pa satin. Kung ano pa

isipin" tinatanggal ni Neira ang kamay ni Renz na nakaakbay 

sakanya.

"Sus..Eh ano naman eh di isipin nila kung ano ang gusto nilang

isipin para akbay lang"

"Eh..Wag kang makulit..Baka makita tayo ni Matt magselos pa yun"

"Si Matt? Bakit kayo na ba?"

"Hindi pa. Malapit na kaya bitaw!" 

Natigilan si Renz sa sinabi ni Neira kaya ginawa  na nya itong

pagkakataon para tuluyang alisin ang kamay ni Renz sakanya. 

Nagtaka naman si Neira, malapit na talaga nyang isipan na nagseselos

ito. 

Ang haba naman ng buhok nya para sabihin iyon. Pero muling nagsalita

si Renz at humarap sakanya na may pang-asar na ngiti..

"So malapit na pala maging kayo? Tsss...Ang malas naman 

ng Matt na yon dahil maton pa ang magiging girlfriend..Haha,,

Baka naman kaya nagseselos yun ay dahil naiinsecure sa

kagwapuhan ko..Haha" pagmamayabang nito

"Wow! Ang hangin! tinatangay ako!" naglalakad na sya palayo

"Malapit na pala maging kayo. Eh di magcelebrate tayong dalawa,

ako dahil sa pagkapanalo ko, ikaw dahil sa wakas magkakaboyfriend 

ka na.tara!" hinila na ni Renz si Neira

Kahit nasasaktan sya, masaya sya na kahit papaano nakakasama

nya ang babaeng mahal. Iniisip nya na makita lang itong

nakangiti masaya na sya. 

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
253K 17.2K 82
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...