A reader's diary (Completed)

By momo_nirah

3.3K 139 5

When fate started its game, and never knew who were one of the players. Happiness doesn't lasts forever. Its... More

chapter 1
CHAPTER 2
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 16
chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
54
55
56
57
Chapter 58
59
Chapter 60
Chapter 61: THE LAST PART

chapter 3

91 3 0
By momo_nirah

3

August 16

Dear Diary,

Haaaay naka one week na and Im already reading a new story. Hindi ko pa tapos yung dalawang librong hiniram ko but I already started a new story. Ewan ko hindi ko kasi mapigilan. Naiinlove naman ako masyado sa character nitong si Kevin Sy ng Voiceless (by HaveYouSeenThisGirl). Naiimagine ko sakanya si Matthew. Magaling din kaya kumanta si Matt? Pero naaawa talaga ako kay Kevin. Super bait pa naman niya. He deserves to be love. Haaay bakit kasi rival na naman sya.

Anyway…Bwisit yung katabi kong yun. That guy sitting next to me. He’s very irritating. Araw-araw ko na nga syang hindi pinapansin patuloy pa rin sa pangungulit. Minsan nga nakaupo lang ako at gumagawa ng seatwork bigla bigla na lng bumanat ng… para kang utot ang tahimik mo kasi pero ang lakas ng dating. Hindi naman ako yung tipo ng taong mapag eskandalo pero sobra na talaga sya. Napipikon na ako sakanya kaya tinusok ko nga ng ballpen yung kamay nya at napasigaw sya sa sakit. In the end pinalabas kami ng classroom. Hidni ko talaga makakasundo ang taong yun. Napikon din sya sakin nung araw nay un kaya hindi kami nagpansinan. Buti na lang! kabago-bago niya ginagalit nya ako.

By the way hindi parin mawala sa isip ko si Matthew. Habang tumatagal lalo syang gumagwapo sa paningin ko. Haha. Kelan kaya nya ako mapapansin? Never ko pa sya nakakausap. Sana magkakilala naman kami. Hehe. Kahit maging supporting character lang ako sa buhay nya. Ah diary matutulog na ako may pasok pa ako bukas goodnight…

--Ranah—

Kinabukasan nagbabasa ako habang papasok ng school. Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko ng bigla na lang akong nabunggo buti nalang hindi masyadong malakas kaya napaurong lang ako.

“Sorry” pagtingala ko para tingnan kung sino nakabunggo ko and I was frozen.

O_O

“Sorry din” ngayon ko lang napansin na hawak nya ang magkabila kong balikat para maalalayan ako.

 Waaaah. Pwede na ba ako mahimatay ngayon?

>////<

“Ma..Matthew” I said stammering.

“You know me?” he frowned.

“Oi Mateo. Bilisan mo na nga bagal bagal!” sigaw ng isa sa kasama nito.

”Sorry ulit” tapos umalis na sya

Ako heto tulala at nililipad ang utak. Oh Em GEE! My very first physical contact, conversation at close up look sa crush ko. Kyaaaaaah. Kinikilig ako.

Napakapit ako sa haligi sa may hallway para kumuha ng suporta kasi naman nanlalambot ako. Napakagentleman nya at ang gwapo din ng boses. Haaaay. 

*Ding Dong Ding*

Patay! Malalate na ko” tumakbo ako papasok sa classroom. Pagdating ko wala pa si asungot. Perfect! Natapos ang unang klase wala pa rin sya. San kaya ngpunta yun? Absent? O baka late lang talaga. Pssssh. Ano ba pakialam ko sa taong yun. Enjoyin ko na lang ang solo seat ko. Haha.

Maya-maya dumating na sya at umupo sa tabi ko.

“Ah! Nalate ako. Goodmorning Bella!” bati nya sakin.

“Hindi Bella ang pangalan ko”

“Eh kasi kasing ganda mo si Isabella Swan” nakangiti nyang tugon.

“Nambobola ka ba?” inis kong tanong sakanya.

“Hindi, nang-uuto” he smirked.

-_-+

Tinalikuran ko na sya. Pang-abala!

“Huy! Ito naman binibiro lang. hindi mo kasi sinasabi sakin pangalan mo. Ms. Mendez” kinulbit kulbit pa nya ako.

“Kung ayaw mo sabihin ako na lang magpapangalan sayo…uhm kung Marinara? Mutya? Ariana? o Dyesebel kaya?”

“Ano ako sirena?”  

-_-++

“Hindi syokoy” ngumiti ulit sya.

Sinipa ko ang silya nya. Wala ba tong magawa sa buhay? Wala ng ginawa kundi mang-asar. Ako naman to nagpapaasar.

“Sweetheart na lang itatawag ko sayo!”

“Neiranah Mendez!” sigaw ko.

“Ano?! Sira na? Pirata? Sirena?”

” Nei-ra-nah. Yun ang pangalan ko” ulit ko.

“Ang hirap naman banggitin Nei-ra-rah? Nei-na-rah? Nei? Aish! Neira na lang” sagot nya

“Bahala ka!”

Bigla syang tumawa. Buti wala pang teacher. Napalingon naman sakanya yung iba naming classmate.

“Pinagtatawanan mo ba pangalan ko!?” 

“Hindi iniiyakan” at nagpatuloy sya sa pagtawa.

-_-+++

Spell BWISIT! Hindi ko na lang sya pinansin. Masisira lang araw ko pag pinatulan ko sya.

“Hindi naman pangalan mo pinagtatawanan ko” bigla syang tumigil sa pagtawa.

“Masaya lang kasi ako na kinakausap mo na ako at hinayaan mo na akong malaman ang pangalan mo. Nice to meet you Neira. Feel free to call me Renz” 

Bigla ako nakaramdam ng pagkapahiya. Isang buong lingo ko nga kasi syang di pinansin tapos ngayon bigla ko syang kinakausap. Ewan ko ba basta on mood ako today siguro dahil nakasalubong ko sa hallway si crush. Haaaay . wala na yata makakasira ng araw ko. Bigla akong pinamulahan sa naalala ko.

“Uy ang cute nya nagbablush” kantiyaw ni Renz.

“Tse!”

Sa wakas dumating na rin yung prof naming at tumigil na sya sa pangungulit. On mood na on mood talaga ako ngayon. Nagtaka naman sina Airis sa good vibes ko. Mamaya na lang lunchbreak ko ikukwento skanila yung nangyari.

Lunch break

“Uy Ranah bakit kung makangiti ka parang mapupunit na yang bibig mo. Anong meron?” tanong ni Airis.

“Oo nga pati napansin naming kanina kinakausap mo na si Jacob Lawrence” si Kate

“Tama tama! Siguro inlove ka na kay Lawrence noh?” si Mina

“Girls! Girls! Patawa talaga kayo!” ngumiti lang ako

“Oh my God Ranah! Mamamatay ka nab a? Magpapaalam ka na? Lilipat ka na ng school?” panic na tanong ni Airis.

“Ano ba sinasabi niyo?”

“Eh kasi nakakanerbiyos ka. Sobrang good mood ka tapos hindi ka pa napipikon ngayon.” Si Mina

“Before you all jump to your conclusions I’ll tell you something great” 

“Nosebleed teh nosebleed!” si Kate habang kunwari pinupunasan ang ilong.

“Spill it!” si Airis naman super excited sa sasabihin ko palibhasa tsismosa.hehe

“Naglalakad ako kanina sa may hallway tapos nabangga ako ni Matthew. Waaaah hinawakan nya ako at nagsorry pa.napakagentleman nya talaga nakakatuwa” sabay sip ko ng juice na iniinom ko.

“Sinong gentleman?” halos mapabuga ko yung iniinom ko dahil sa umepal sa harap ko.

“Lawrence!” bati nung tatlo.

“Mind if I join you girls?” tanong nya habang dala-dala yung tray niya ng pagkain.

“Naku sige lang upo ka!” sabi ni Airis

“Thanks! Anyway sino yung gentleman na pinag-uusapan niyo?” tanong niya habang umupo sa tapat ko.

“Ang tsismoso mo!” naiirita ako sa pagiging pakialamero niya.

“Eto naman nagtatanong lang! sino nga yung gentleman na sinasabi mo Neira?”

“NEIRA!” gulat na gulat na sambit nung tatlo.

“Bakit?” nagtataka naman si Renz

“W..Wala naman” nakangising sabi ni Kate.

Tumingin sila sakin ng makahulugan. Okay. So what was that?

“Alam mo kahit kalian pakialamero ka. Tsismoso!” umalis na ako at hindi tinapos ang pagkain.

“Uy Ranah! Sandali!” hinabol naman ako  nung tatlo.

Bumalik na agad kami sa classroom at doon nagkwentuhan ng walang asungot. Bakit ba lagi na lang yun nambwibwisit? Bago nag-umpisa ang klase nautusan naman akong magdala ng papers sa class A. Kinakabahan ako makikita ko na naman si Matthew. Naeexcite ako at the same time. Inayos ko muna ang sarili ko bago tuluyang kumatok sa pintuan.

“Uhm Mr. Umali pinapabigay po sa inyo.”

“Oh pasok ka!” nahihiya naman akong pumasok at palihim na sumulyap sa mga estudyanteng nakaupo. Nakita ko sya at nasa unahan pa, katabi ng mga kabarkada niya.

“Uy chicks!” narinig kong sabi nun isa sa kaliwa niya.

“Hi Miss!” bati naman sakin nung nasa likod nya.

Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil alam kong pingtitinginan nila ako pati na rin ni Matthew.

“How cute”

Pagsulyap ko nakita kong nakatingin sya sakin at nakangiti, bigla na naman akong kinabahan.

“Ah eto na oh salamat!” iniabot sakin nung prof yung papel at nagmamadali akong lumabas ng classroom na yon.

I feel like I could no longer stand a minute in that room. My heart is going to explode. Nakatingin sya sakin at nakangiti naalala nya kaya ako? Waaaaah kinikilig ako. Ako na ang mababaw. Hahaha. Bumalik ako sa classroom na abot tenga ang ngiti. I sat on my seat gracefully.

“Anong nakakatawa?” tanong ng katabi ko.

“Mukha mo” pambabara ko.

“Aba! Aba! Marunong ka pala mambara ngayon?” 

Tumingin ako sakanya at ngumiti ng ubod ng tamis. Yung tipong bihirang bihira kong ipamigay kahit kanino? Yung ngiting ginagamit ko sa tuwing maglalabas ng bagong libro ang mga paboritong author. Walang makakasira ng mood ko ngayong araw. Haha. Masaya ako. Napansin ko na nagbago yung reaksiyon ng mukha nya tapos namumula yung puno ng tenga nya pati yung pisngi nya. Hahaha. Cute! Bigla nyang iniwas yung tingin nya. Problema nun? Napikon ata.? Hmmm…bahala nga sya.

Buong maghapon nya akong hindi kinakausap. Titingin sya sakin tapos biglang iiwas ng tingin. Naiimba na naman yata. Pinabayaan ko nga atleast tahimik ang buhay ko ngayon. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti kapag naaalala ko nginitian ako ni Matthew.

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 375 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
28.5K 959 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story ๐Ÿ˜˜ ALL EVENTS AND...
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...