A reader's diary (Completed)

By momo_nirah

3.3K 139 5

When fate started its game, and never knew who were one of the players. Happiness doesn't lasts forever. Its... More

chapter 1
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 16
chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
54
55
56
57
Chapter 58
59
Chapter 60
Chapter 61: THE LAST PART

CHAPTER 2

175 4 0
By momo_nirah

2

“IKAAW?!” sabay naming sigaw habang nakaturo sa isa’t isa.

“Oh? What’s the problem? Do you know each other?” tanong ng principal

“Hindi po” mahina kong sagot, totoo naman hindi ko talaga sya kilala.

“Ok then, go back to your classrooms. Baka malate kayo sa unang klase.” Pinalabas na kami ng principal’s office

Spell MALAS! At bagong transferee  pala itong bwisit na lalaki kanina kaya pala bago ang mukha niya dito sa school. Bagong lipat din kaya sya?. Teka bakit kelangan ako pa maghatid sakanya sa klase? Napakawalang galang naman niya.

“Huy! Huy!” hindi ko sya pinansin  at nagpatuloy sa paglalakad.

“Anong pangalan mo?” tanong nya habang ako dedma pa rin. Sa naaasar ako sakanya eh.

“Huy kausapin mo naman ako, may atraso ka pa sakin.” Kapal din ng mukha nito ako pag may atraso? Sya nga nagpahiya sakin kanina.

“Sorry I don’t talk to strangers” pagtataray ko na hindi parin sya nililingon. Binilisan ko lalo ang paglalakad. Mamatay sya kakahabol haha.

“Kaya nga ako nagpapakilala eh”  sabi nya sa may likudan ko.

Binilisan ko paglalakad at halos din a sumayad ang talampakan ko sa sahig. He passed over and stopped in front of me. He extended his hand a gesture of introducing.

“You must be Isabella?” nakangiti nyang sabi, saglit akong nadistract sa ngiti nya. Anlah ang gwapo niya, kaso di ako attracted, sa isang tao lang ako naaatract. Haha. Antipatiko pa ang isang to. Hinagip niya ang kamay ko at nakipag kamay

“Because I’m Edward” I pulled my hand on his grip. Gago ba ang isang toh? Ano ako nasa twilight? Aga aga ginagago ako.

“ Sorry pero hindi Isabella ang pangalan ko” tugon ko.

“Oh, should I call you Bella?” he grinned

“Malayo yun sa pangalan ko kaya pwede ba.”

“Ayaw mo kasi sabihin ang pangalan mo.hehe” tumalikod sya sakin at naglakad na.

“ Teka nga san ba ang klase mo? Para makapasok ka na” tanong ko. 

 “Akala ko alam mo?” lumingon sya sakin

“Hindi ako psychic” I rolled my eyes. 

Nakakapag-init ng dugo. Sya kasi sumira ng araw ko. Iniabot nya sakin yung class schedule nya at……

Spell SUPER MALAS. CLASS-C   Fatima C. Perez class adviser

Ang bait naman ng tadhana. Kaklase ko sya. Bwishet!

“Oh Huy. Bat natulala ka dyan? San ba yung classroom ko?” nagpalinga linga sya.

 Halos magusot ko naman yung class schedule nya sa inis. Lumakad na ako at hindi sya pinansin. Bago kami pumasok ng classroom huminga muna ako ng malalim.

“Uy! Dito na ba yun? Salamat ah!” pumasok na sya at sumunod naman ako.

 Tamang-tama nagsisimula na yata ang . Nasa unahan na rin ang teacher naming. Lahat sila napalingon samin. Pinakaayaw ko pa nman sa lahat ang pinagtutuunan ako ng atensyon. Masaya na akong hindi nalalaman ng tao ang presensya ko. Naupo na ako sa silya ko sa may likuran. Favorite spot ko to dahil hindi ako mapapansin ng iba ditto. Lumingon si Mina sakin dahil nakaupo lang sya sa may harapan ko

“Uy Ranah sino yun?” bulong nito.

“Transfer!” matipid kong sagot. 

“In the middle of school year?” tanong niya ulit. Hindi ko na sya nasagot kasi naagaw na ang atensyon niya ng magsalita ang teacher namin. 

“Ok class may bago kayong classmate” sige na Mr. Lee magpakilala ka na!” baling ni ma’am

“Goodmorning! Im Jacob Lawrence Lee. Nice to meet you!” bati niya at nagbow pa!

Mukhang hindi sya kinakabahan magsalita sa unahan. Parang sanay samantalang ako. Haaay bakit ba kasi ako ang naging class representative eh napakahina ng loob ko.

 Narinig ko ang hiyawan ng mga malalandi kong kaklase at ang pagkadismaya ng mga lalaki. Paano naman kasi sya ang unang lalaki sa klaseng ito na may hitsura. Mga mukhang bisugo lang ang mga kaklase kong lalaki. Nasa pilot section kasi halos lahat ng gwapo pati na si Matt. Haaay sana ginalingan ko para napasama na lang din ako sa pilot section.

“Kyaaaah!! Jacob? Eeeh half Korean kaba?”

Kyaaaahh eeeeh.. may girlfriend ka na? ampogi mo!”

“San ka nakatira? Samin ka na lang!”

“yaaah. May pogi na kaming kaklase. Exciting!” 

Paulit ulit ang hiyawan nila.. nakakabingi may sumisigaw pa ng “ Nasan ang g-tech ko?!”

 Hirap ng walang gwapo sa klase nagmumukang tanga ang mga babae. Pero infairness hindi lang naman basta gwapo itong si Jacob

. Kumabaga may dating, may appeal at parang artistahin. Teka Jacob? Eh Edward pakilala niya kanina ah.

 Yabang talaga! 

Hindi ko napigilang mapatingin sakanya.

 Mukha nga syang Korean, may chinky eyes, makapal na eyebrows un tipong lalaking lalaki ang dating, matangos at perfect ang shape ng ilong, maputing kutis, dark brown hair at kissable lips?

 Wah.. baliw ako… pero wala naman tal agang maipipintas sa hitsura na. oo na gwapo na talga sya. Tagilid lang talaga ang ugali.

“Girls! Girls! Quiet. Mamaya na ang interview kay Mr. Lee at magsisimula na ang klase. Sige na Mr. Lee you may occupy any seats behind. Bahala ka na kung san mo gusto madami pa namang bakante sa likod” 

Lumakad na si Jacob Lawrence sa likudan pero di ko sya tinitingnan. Naramdaman ko na lang na hinila nya yung upuan s tabi ko. Lumingon ako at tiningnan sya ng masama.

“Go away, I don’t want you here!” I hissed. 

He just grinned and raised his hand.

“Mrs. Perez! Ma’am excuse me!” kinabahan ako bigla baka bigla tong magsumbong.

“Yes? Mr. Lee?”

“Okay lang po ba na dito na lang ako maupo?” tanong niya sa sweet na boses.Flirt pati matanda pinapatulan! Hmft.

“Oo naman, mabuti na rin katabi ng class representative. Feel free to ask her any question regarding this school and Ms. Mendez please do assist our new student.” Yun lang at tumalikod na ang adviser namin

Spell SUPER DUPER MALAS

“So pwede na ba ako dito Ms. Mendez?” tanong niya at iniwas ko ang tingin ko sakanya.

“Jabob Lawrence nga pala but you can call me Renz. What’s your name?” dedma pa rin ako.

Nakikita ba nya akong nakikipag-usap sakanya? Hindi ba nya npapansin na irita ako skanya? Hindi ba sya marunong makaramdam? EH kung tumahimik na lang kaya sya. 

Ngayon pinagtitinginan na tuloy ako dahil katabi ko tong asungot na to na mukha namng walang pakialam sa iba.

“Anong height mo?”

“San ka nakatira?”

“Anong first name mo?”

“Mahilig ka ba sa pet?”

“Kilala mo ba yung tindera dun sa labas ng gate?”

“Anong waistline mo?”

Alam mo yung feeling na makakilala ka ng taong ayaw mo namang makilala kasi alam mo na puro pambwibwisit lang ang gagawin nya sa buhay mo? Yung tipong tanung ng tanung ng mga walng sense. Yung feeling na nag simula ang araw na masama at alam mong matatapos ng ganun pa rin dahil sakanya? Hindi ako pikon na tao pero sa taong to para mangangalahati plng ang pasensya ko inuubos na nya..

“Pwede ba? Hindi porket sinabi ni ma’am na pwede kang magtanung ibig sabihin nun sasagutin ko na lahat ng tanung mo?!” nang gigigil kong sabi.

“eh bakit kasi ayaw mo akong sagutin, hindi ba gumagana sayo ang charm ko? Tss..may pakipot pa pala sa mga panahong toh?” 

Charm? Charm nya mukha niya.Badtrip tingin ko mas lalo hindi matatahimik ang buhay ko kapag kinausap ko pa ang antipatikong ito. Nakakabwisit sa lahat ng gwapo yung feeling nila lahat ng babae may gusto sakanila.

Tumahimik na lang ako at pinilit magconcentrate sa klase kahit sobrang kulit ng katabi ko. Hindi ko pa rin sya pinapansin, ayoko mapalapit sakanya feeling ko kasi puro kapahamakan lang ang idudulot nya.

Lunch break. Sabay-sabay kaming kumain nina Mina, Airis, at Kate sa cafeteria.

”oh Ranah. Nagbabasa ka na naman ng novel dyan. Akala ko ba tapos mo nay an?” tanong ni Mina habang nakasubsob pa rin ang mukha ko sa librong binabasa ko.

“Bago na toh” tipid kong sagot at nagfocus ulit sa pag-babasa”

”Tsss..hilig mo talaga mag-basa ang boring mo alam mo yun?”- Airis

Hindi ko sila pinansin…Hindi naman nila aq naiintindihan kaya nga gumawa aq ng diary para masabi ko yung gusto kong opinion tungkol sa mga binabasa ko. Hindi naman kasi nila line ang pagiging bookworm. Pero mga kaibigan ko pa rin sila.

“Uy..Ranah..si..si.. Prince Matthew mo oh!”- Mina

          Dahil sa mga narinig ko authomatic kong naibaba ang hawak kong libro at napatingin sa entrance ng cafeteria..Naglalakad  papasok si Matthew kasama ang barkada nito. Ang gwapo nya talaga. 

Halos 3 years ko na rin syang crush, simula 1st year palang ako. Ideal man naman kasi sya . Andami pang nagkakagusto sakanya kaya tamang tingin nalang ako sa malayo..

Biruin mo varsity, honor student, gwapo at friendly pa. Package deal na.hahahaha…

 Biglang nagtawanan yung tatlo.

‘‘Bwahahaha….ang cute talaga ni Ranah’’-Mina

“Wahahahaha…oo nga, pulang-pula..obvious na obvious eh’’..- Kate

    Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkapahiya at itinakip ang libro sa mukha ko..

‘’Alam mo Ranah, cute ka naman eh. Bakit di mo subukang magpapansin kay Matthew?’’..-si Airis

Sumangayon pa yung dalawa. Pano ko naman gagawin yun eh nakikita ko palang sya mamamatay na ako sa nerbyos. Kausapin pa kaya sya at magpapansin. Never nya akong napansin pero sya, pansin na pansin ko.. Masaya na ako na palihim syang nakikita.

Pero oy, di ako stalker.Medyo lang.haha

‘’Ranah..lalapitan ko, hihingin ko number?’’..-Airis

‘’Tumigil ka nga nakakahiya’’ sabi ko

‘’Sus Ranah gagraduate na tayo, hindi ka pa rin magpapansin, kahit magpakilala ka manlang. Ang weak mo, pagkakataon mo na nga kasi wala syang gf ngayon.’’- Mina

‘’Wala akong lakas ng loob.’’  Bulong ko..

‘’Psssh..Bahala ka nga sa buhay mo!’’-Mina

            Nagsimula na ulit silang kumain. Ako naman nananahimik nalang at tinuloy ang pagbabasa ng libro pero hindi na ako makapgconcentrate. Wala na sa kwento ang focus ko. Kasi naman tong mga kaibigan ko. Crush ko lang naman si Matthew. Oh crush nga lang ba talaga? Kahit papano gusto ko rin naman maging kaibigan niya, haaay.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...