LEL 3: Brutch Xeph Crimson a...

By NaturalC

22K 2K 143

Find the little girl who holds the code and kill her. Iyon ang instruksiyon kay Lead ng kanyang Lifter. Isa s... More

Lead's Profile:
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 39
Part 40
Epilogue
LEL 4: Rhiley Cross Morgan a.k.a. Tin (Sn)

Part 38

477 46 4
By NaturalC

I'LL kill you, Godfrey! I'll kill you! Paulit-ulit 'yon na umuukilkil sa utak ni Lead habang walang tigil ang putok ng M1911 niya. Buhat sa basement ng mansiyon na 'yon kung saan naka-store ang mga mamahaling wine, naglulungga at nagtatago ang demonyo. Sa ilang araw na desperasyon, di siya tumigil na sundan ang mga bakas na iniwan nito mula sa five star hotel na 'yon. Sa mga taong nakakakilala dito hanggang sa lugar na nakuhanan ito mula sa CCTV na nagkalat sa parteng iyon ng daan at mismong sa loob ng hotel.

Muli ay nagawang manipulahin ni Godfrey ang gobyerno sa pagdidispatsa ng mga black box bilang ebidensiya. At bukod tanging siya lang ang nakapansin sa ginawa nitong pamamaril. Kung meron man, nunkang tumayo ang mga ito bilang witness. Teritoryo nito ang Inglatera. Pero salamat na rin doon dahil nagawang i-trace ni Nitro kung saan nagkukuta ang bilyonaryo. It was a Yantorn Manor in Oxfordshire. Nasa pangalan ng abogado at kanang kamay ni Godfrey ang titulo. Di naging madali para kay Nitro na pasukin ang government land registry ng UK dahil wala ang impormasyong iyon sa public data ng property ownership kundi nasa ilalim ng open government license na humihingi ng awtorisasyon o electronic license para sa impormasyon.

Pero di isang henyo ang assassin para sa wala. Mas may thrill para dito kapag mahirap pasukin ang security. Di nito iyon titigilan hangga't may nakikita itong paraan para makuha ang impormasyon lalo na't nanggaling iyon sa mismong gobyerno at hindi sa isang pampribadong ahensiya. Libu-libo ang koneksiyon nito online. Kaya naman nagkaroon agad ng resulta.

F*ck! Tinalon ni Lead ang estante ng alak at padapang bumagsak sa sahig. Nagkandabasag ang mga bote ng alak nakahilera sa estante dulot ng tama ng mga bala. Hinugot niya pa ang isang baril mula sa baywang. Pagkatapos ay sinipa ang bariles ng mga alak sa ilalim ng estatante. Nagsigulong ang mga 'yon at tinamaan ang ilang tauhan ni Godfrey. Masyadong maraming tauhan ang matanda kaysa sa inaasahan nila. Kasama niya sina Tin at Bismuth na sumugod sa mansiyon at tila nakaunawa ang mga itong sa kamay niya mismo dapat na magtapos ang buhay nito.

They took the small fries while he headed for one of the claws of TRIAD. Nagpaiwan si Tin sa isang kuwarto kung saan nila natagpuan ang isang babaeng nakakulong sa isang kuwartong napapaligiran ng kulay gintong rehas. Mukhang tinamaan na talaga ng pagkabaliw si Godfrey sa mga bagay na pinaggagagawa nito. Patung-patong na ang krimen nito mula sa kidnapping, murdering, at terrorism. Kapag di pa ito napuruhan sa raid na 'yon, habang buhay niya 'yong pagsisihan.

Isang high-tech na computerized door lock system ang sumalubong sa kanya sa pinakadulo ng basement. Binaril niya 'yon pero di umubra. Bulletproof ang bakal na pinto. Kinuha niya mula sa bulsa ng kanyang tactical gear vest ang maliit na botelya ng fingerprint lightning spray. He sprayed the content on the touch screen controller. Agad iyong natuyo at inilawan niya 'yon gamit ang fluorescent light pen.

Lumitaw ang fingerprints sa limang numero. He typed the number on his mobile lock decoder. He plugged it in on the computerized door locks. Ilang sandali pa ay nag-beep iyon at lumitaw ang iba't-ibang kumbinasyon ng numero sa screen haanggang sa huminto sa isang partikular na kumbinasyong numero. ACCESS GRANTED. SYSTEM UNLOCK. Iyon ang sinabi ng electronic voice. After the clicking sound, kusang bumukas iyon.

Agad na iniumang ni Lead ang baril sa mga taong dinatnan niya sa di kalakihang espasyo ng kuwarto. Si Godfrey ay kasalukuyang nagtatago sa likod ng dalawang tauhan nito. But then, the two men were also pointing their gun at him.

"Leave us alone, assassin or you'll die," pagbabanta ng isa.

"Maybe. But not after you." Pagkatapos ay pumutok ang baril niya at tumumba ang tauhan.

"Ano pang hinihintay mo? Barilin mo!!!" anang histerikal na si Godfrey. Hinablot nito ang baril sa tauhan at ito nagpaputok sa direksiyon niya.

Tinamaan siya ng bala pero di siya umatras. His eyes were focusing on one person alone. Kung ano man ang nakita ng tauhan ni Godfrey sa kanyang mukha, bigla itong umabante ng takbo palabas. Pero hindi pa nito naihahakbang ang mga paa papunta sa hamba ng pinto, isang alingawngaw ng putok ang muling pumuno sa loob ng apat na sulok ng dingding. Bumulagta ang lalaki. Nanggaling ang bala sa mismong baril ni Godfrey.

"Coward! Loser!" nanggagalaiting sigaw nito. "I'll kill you next!" anito at sa kanya naman itinutok ang armas. "Kasalanang lahat ito ng HYDRA! Eugene left me no other choice but to act on my own! Hindi na ako pinagkakatiwalaan pa ng TRIAD. At nagawa niyang nakawin ang lahat ng pera at ari-arian 'ko!"

Kahit gusto niyang usisain kung ano ang sinasabi nito, ang namayani sa isip ni Lead ay ang larawan ng pagkakabuwal ni Mary Grace nang tamaan ito ng bala. "Binaril mo siya," he said grimly. His voice was full of grudge. "Puwede mo akong patayin ng mga oras na 'yon pero sa halip ay siya ang pinatamaan mo ng bala."

"Cause you looked so f*cking happy while staring at that girl! It pissed me off! Pareho lang tayong ginupit sa iisang tela pero bakit nakakangiti ka na tila ba isa kang normal na tao? Bakit nabigyan ka ng pagkakataong magbago? Bakit hindi ang kapatid ko?! Bakit hindi si Damon?!" Muli ay pinaputukan siya nito.

Sa pagkakataong 'yon ay sa binti siya tinamaan. But again, he didn't flinch or taken aback. "Why you say? You're acting like a kid Godfrey even though you're already an old man." Naggiritan ang mga ngipin niya. "Your twin brother deserved to die more than ten times for what he did."

Muling pumutok ang baril na hawak nito. Sa kabilang balikat at tama malapit sa dibdib. Pero nanatili siyang nakatayo na di alintana ang sakit at dugo.

"You're not a human!" Nahihintakutang nabitawan ng matanda ang baril.

"Godfrey... before you said that f*cking line to me, look at the mirror and see for yourself on who's really not the human here. Mas malala ka ng higit na isang daang beses! There's no excuse for killing innocent lives! GO AND BURN TO HELL! GODFREY FALKNER!!!"

Sa isang iglap na pag-angat niya ng baril, bumagsak ang matanda na tinamaan ng bala sa pagitan ng mga mata nito. Wala ni gatiting na guilt siyang naramdaman sa pagpatay dito.

Unti-unting napaluhod si Lead. Isang tama lang ng bala ang bumaon sa ulo nito para tuluyang lamunin ng impiyerno ang kaluluwa nito. Only one shot for all those lives he took and threatened. Only one shot for harming his girl and killing his girl's parents. Di sapat ang buhay nito sa mga kasalanang 'yon. There was no way it could settle for just a single worthless life. Hindi patas ang buhay at malupit ang reyalidad. Tanging hinagpis ang naiwan sa kanyang puso.

A single teardrop fell on the ground as he closed his eyes. Hindi na siya makakabalik pa sa buhay ni Mary Grace. Di niya na ito makikita pa maging ang matamis na pagngiti nito. At di niya na rin mahahaplos pa ang pisngi nito. Nagpasya na siyang doon mamamatay si Lead ng HYDRA. Iyon ang tama at iyon ang dapat.

"If things get really harder, just promise me one thing. Masugatan ka man, maputulan ng kamay o paa, mabalian ng buto o kahit naliligo ka pa sa sarili mong dugo... ipangako mong babalik ka sa akin ng humihinga. I would always welcome you even on your worst case condition. So don't hesitate to return to me if ever."

Nagmulat siya ng mga mata nang maalala niya 'yon. "No. I can't die," bulong niya. Duguan man ang katawan sanhi ng tama ng mga bala, pinilit niyang tumayo. Nangunyapit siya sa pader kahit nanghihina ang kanyang mga tuhod. "Hintayin mo 'ko, Mary Grace... papunta na 'ko pabalik sa'yo." Namumungay ang mga mata niya at pilit na inaaninag ang nasa harapan. Nang makalabas siya sa pinto ay nagkandasala-salabid ang kanyang mga paa sa paghakbang. Bumagsak siya sa sahig. "Hindi ako mamamatay dito. Hindi ko siya puwedeng ibigay sa iba.... Even to You... God." Muli ay pinilit niyang makatayo. "Mabubuhay akong kasama siya at magiging masaya kami..." Subalit unti-unting nanlalabo ang paningin niya. Tuluyan nang nagdilim ang lahat kay Lead. Sa kanyang huling balintataw ay narinig niya pa ang pagtawag sa kanya ni Bismuth.

~~~~~~~~~~~~~~~~

SAMANTALANG sa ospital naman kung saan naka-confine si Mary Grace, hindi pa rin makapaniwala si Andrea nang magising ang babae ilang oras pagkatapos umalis ni Lead. Pero laking gulat ng mga doktor dahil ni mismong pangalan nito ay hindi nito maalala. Rather than psychosomatic or physical, it's more like a psychological case of temporary amnesia. Nagdaan ito sa isang trauma noon kung saan nawala ang kakayahan nitong magsalita. Nang mahiwalay ito kay Lead sa edad na siyam ay nalimutan din nito ang mga pangyayaring 'yon. At ngayon naman ay pagkawala ng lahat ng ala-ala nito. She was unconsciously suppressing her thoughts and her memories. Iyon ang eksplanasyon ng doktor na tumingin dito.

Nang tumuloy si Andrea sa loob ng kuwarto, napasukan niya ang dalagang nakatanaw sa labas ng bintana. "Anong iniisip mo?"

Di ito tuminag para lingunin siya. Nanatiling nakatitig ang mga mata nito sa labas. "Hindi ko alam... pero... bakit parang gusto kong umiyak?" mahinang anas nito. "Parang may isang importanteng bagay na nawala..." Naglandas nga ang luha nito sa pisngi. "Sobrang importante."

Humahagulgol na kinabig ito ng yakap ni Andrea.

****

- Amethyst -

Continue Reading

You'll Also Like

671K 23.9K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.9K 117 14
Si Azaylie Juarez ay gagawin ang lahat para mabuhay ang kanya ama na nag-aagaw buhay sa hospital, kung kailangan niyang gumawa ng bagay na labag sa b...
27.8K 1.1K 16
Nalagay sa Eskandalo ang tahimik na buhay ni Angel ng magkaroon sila ng matinding bangayan ng sikat na baguhang writer at Chickboy na si Craig, ...