EMERALD ACADEMY: THE LEGENDAR...

By DarkDreamerKen

322K 13.5K 939

A girl named Krishzel Vish Amethyst who possess every power that exist in the world who will act as a nerd an... More

Author's Note
PROLOGUE
Chapter 1. Krishzel Vish Amethyst
Chapter 2: Emerald Academy
Chapter 3- Water and Ice
Chapter 4: First Day
Chapter 5: S-Class
Chapter 6: Potion
Chapter 7: Numinous Woods
Chapter 8: Closeness
Chapter 9: Class Leveling
Chapter 10: Training
Chapter 11: Apology
Chapter 12: Leveling
Chapter 13: Legendary Magic
Chapter 14: Three Second Attack
Chapter 15: Welcome to S-Class
Chapter 16: No Powers?
Chapter 17: Atlas
Chapter 18: Animal Guardians
Chapter 19: Farrah's Birthday
Chapter 20: Confession
Chapter 21: Revealed
Chapter 22: Gossip
Chapter 23: Mission
Chapter 24: Holy Tome
Chapter 25: Faith and Trust
Chapter 26: The Curse
Chapter 27: Sacrifice
Chapter 28: Part Of Me
Chapter 29: Sorrow
Chapter 30: Dark Fire
Chapter 31: Friend or a Foe
Chapter 32: Saved
Chapter 33: Truth Unfold
Chapter 34: Pain
Chapter 36: Mission
Chapter 37: Mortal World
Chapter 38: Mortal World 1.2
Chapter 39: Krishzel's Home
Chapter 40: Downfall
Chapter 41: Saved
Chapter 42: Missing
Chapter 43: Reveal
Chapter 44: Lies
Chapter 45: Return
Chapter 46: Lost Princess
Chapter 47: Reasons
Chapter 48: Kill
Chapter 49: Agony
Chapter 50: Daughter's Love
Chapter 51: Dark Vill
Chapter 52: Rebirth
Chapter 53: Beginning
Chapter 54: War
Chapter 55: Goodbye
Chapter 56: Finally Accepted
Epilogue
Author's Note.
Pahabol Chapter

Chapter 35: Attack

4.5K 202 4
By DarkDreamerKen

SOMEONE'S P.O.V.

"Ama, nabalitaan ng isa sa ating mga espiya na humihina na ang barrier na nakapalibot sa Emerald Academy. Isang mabuting sensyales ito." Saad ng aking anak na ngayon ay kakapasok lang sa aking kwarto.

Gumuhit ang ngiti saaking labi ng marinig ko ang sinabi ng aking anak.

"Azieneth, my princess. Mabuti naman at maganda na ngayon ang ibinalita mo saakin hindi tulad ng mga nakaraang mga araw. Papuntahin mo rito ang taong sinasabi mo."

Agad na tumugon ang aking anak at lumabas na saaking silid. Marahil ay upang sunduin ang aking inuutos.

Hahahahaha. Gemstone Kingdom malapit ko na kayong mapabagsak. At sisimulan ko iyon sa Emerald Academy. Matagal ko na itong napaghandaan kaya sisiguraduhin ko na magtatagumpay na ako.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok na si Azieneth kasama ang isang lalaki. Muli akong napangiti ng mapagtanto ko kung sino ang lalaking tinutukoy ng anak ko.

"Ikaw pala. Bryan Gibson." Bungad kong saad sa kaniya at tumango ito saakin bilang paggalang.

"Tito. Nalaman ko sa magic council na humihina na ang barrier na nakapalibot sa academy. At sa palagay ko ay mabilis lang natin itong mapapasok kung susugurin man natin ito."

Napatango ako dahil sa sinabi niya ngunit may isang bagay pa na bumabagabag saakin.

"Ano ang kalagayan ng mga anak ng mga hari at reyna ng ibang kaharian? Pati ang babaeng sinasabi mo na malakas?"

Sandali siyang tumitig saakin at kaagad na gumuhit ang kaniyang ngiti.

Napangiti rin ako sa kaniya dahil alam ko na maganda ang lalabas mula sa kaniyang bibig.

"Tungkol po diyan Tito. May lamat po ang samahan ng mga Royalties. May kung anong bagay silang pinagtatalunan, samantalang ang anak ng Reyna ng Fyro kingdom ay parang sobrang lugmok ngayon. At ang babaeng tinutukoy kong malakas ay halos magdadalawang linggo nang wala sa Academy. Ayon sa sabi sabi ay pinatalsik daw ito ng magic Council dahil sa pagtratraydor."

"Kung ganon, maaari natin siyang magamit. Salamat." Saad ko sa kanila.

Tumugon sila saakin bago sila lumabas ng aking silid. Bukas na bukas lulusubin na namin ang Academy.

"HAHAHAHAHAHA. SIMULA NA NG PAGHIHIGANTI."

FARRAH'S P.O.V.

Isang araw na ang lumipas nang madala namin si Shane dito sa Hospital. At mabuti nalang at nagising rin siya kahapon. Kakalabas lang namin sa hospital kaya dumaretso na kami sa dorm ni Shane para ihatid siya. Nagpaiwan nalang siya saamin upang magpahinga kaya nagtungo nalang kami sa room para sa mga royalties.

The doctor said na wala silang makitang cause kung bakit nangyayari yun kay Shane.

Shane even told us that she already felt that kind of pain several times. Maraming beses nang nangyari sa kaniya iyon but still walang findings ang mga doctor even the highest rank doctor here.

Maybe kung nandito lang si Krishzel matutulungan niya si Shane. But she's not here anymore at kasalanan namin kung bakit nangyari yon. Naging padalos dalos kami sa kinikilos namin without asking her side. The accusations to her, and most especially the reason kung bakit siya nagsuffer ng sobra is because of us.

She treats us as her true friend but what we did to her is not acceptable. Sising sisi kami sa mga nagawa namin kay Krishzel. We even asked Headmsitress Jem's approval para makausap namin si Krishzel kahit saglit lang but then she refuse. Hindi siya pumayag but naiintindihan naman namin iyon.

Kahapon nabasa narin namin ang letter na binigay ni Krishzel kay Ashton. Hindi lang naman pala para kay Ashton ang sulat dahil para sa lahat iyon. I feel guilty hanggang ngayon dahil sa mga sinabi ni Krishzel sa sulat.

Royalties,

Hi? Hello? Hahahaha. I guess habang binabasa ninyo ito ay wala na ako sa Academy at nalaman na din ninyo ang totoo. I'm so sorry for not telling you about everything. I just wanted to protect everyone of you. Ayoko na masaktan o mapahamak man kayo habang kasama ko kayo. So I choose to take the mission alone para ng sa ganon ay walang mangyari sa inyo but then siguro wrong desisyon ang ginawa ko. Kaya Athena I'm so sorry. Athena, please wag kang maguiguilty dahil sa ginawa kong pagliligtas sa buhay mo. I did it because I love you and I just do my promise to protect you. You are like a sister to me and I can't afford to lose you even it will take my life.

Ashton, hi, please don't feel bad about everything. Naiintindihan kita, just always remember that I love you with all my heart. Thank you for everything, and thank you for loving me. Promise me that you'll be strong sa kabila ng lahat nang nangyari, dont worry about me. Masaya na ako dahil alam ko na nasa maaayos na kayong kalagayan. Please protect Athena and Shane for me. And also, your mother. Alam ko na matagal mo na siyang gustong makasama at mayakap. And now that she's safe you can hug her and kiss her. Magpakatatag ka Ashton.

Hydra, Farrah. Girls thank you for everything. You are the first one na nakilala ko nung unang beses na pumasok ako dito and I'm so Thankful na nakilala ko kayo. Please be safe always.

Harry, Andrew. Thank you for everything. Thank you for being my friend and staying by my side.

Shane, I love you. Thank you for staying by my side until the very end. Thank you for your trust. And thank you dahil nilinis mo ang pangalan ko gaya ng ipinangako mo. Please stay strong. You are more than what you think.

Guys. I love you. But I guess this is the right time to say goodbye.

Halos ilang oras kaming walang tigil sa pag-iyak nang mabasa namin ang sulat ni Krishzel. She's really kind at handa siyang magsakripisyo para sa mga mahal niya sa buhay. Sobrang thankful kami dahil naging kaibigan namin siya.

Sorry Krishzel......

ASHTON'S P.O.V.

"Kuya tara na." Agad akong napabaling ng tingin kay Athena nang magsalita ito. Kaya tumayo na ako at kinuha ang gamit ko.

Lumabas na kami ng room ng mga royalties at nakita naming nag-aabang na ang iba. Mapait akong napangiti sa kanila bago magpatuloy sa pagalalakad. Pupunta kami ngayon  sa room para sa klase. 3:00 pm narin ng hapon ngayon at huling subject nalang ang pupuntahan namin.

Until now naguiguilty parin ako dahil sa mga nagawa ko kay Krishzel lalo na nang mabasa ko ang sulat na ibinigay niya saamin. Sa dami rami ng masasamang bagay na nagawa ko kay Krishzel hindi parin niya nagawang magalit saakin. She's too kind and she doesn't deserve to be treated like that. Masyado akong nalamon ng galit ko.

Nasa ground na kami ng makarinig kami ng isang napakalakas na pagsabog na nagresulta sa paggalaw ng lupa.

BOOOOM.

"Shit. Anong nangyayari." Usal ni Andrew at napalinga linga pa sa paligid.

Naging alerto kaming lahat nang may muling pagsabog na nangyari. Maraming estudyante ang nagtakbuhan mula sa bungad ng mini park at nagsisi-sigaw.

"Tara." Saad ko sa kanila at agad din naman silang tumugon saakin.

Wala na kaming sinayang pa na panahon at kaagad na nagtungo sa mini park. May mga nadadaanan kaming estudyante na may sugat pero pilit na lumalayo sa malapit sa mini park.

Takbo lang kami ng takbo papalapit sa mini park ng may makita kaming babae na biglang natumba habang tumatakbo kaya't nilapitan namin siya.

"Miss are you okay? Anong nangyayari don?" Tanong ni Harry sa babae at inalalayan itong tumayo.

"M-may mga D-darkanians na nakapa-sok." Habol hininga niyang saad saamin na nagdulot ng kaba saamin. Agad kaming nagkatinginan at umayo na.

"Hydra i-teleport mo siya sa clinic." Agad kong sambit kay Hydra at agad naman itong tumugon.

Mabilis na naiteleport ni Hydra ang babae at ng okay na ay muli akong humarap sa kanila.

"Athena, Shane. Go to the headmistress office and inform headmistress Jem about the commotion." Mabilis silang tumugon sa sinabi ko at tumakbo na papunta sa opisina ni Headmistress Jem.

Ibinaling ko ang mata ko kayna Farrah at Hydra na nag-aabang ng sasabihin ko. Kaya't wala na akong sinayang pa na oras at sinabihan na sila ng kanilang gagawin.

"Hydra, Farrah. Evacuate everyone na malapit dito."

"Okay. Let's go Hydra." Saad ni Farrah kay Hydra at pumunta na sa ibang estudyante na malapit sa mini park.

"Andrew, Harry. Tara na. Puntahan na natin ang pinanggagalingan ng mga darkanians. Let's try to stop them hanggang hindi pa nakakapunta dito sina headmistress Jem." Saad ko sa kanila at nauna ng tumakbo. Naramdaman ko naman ang pagsunod nila saakin. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa pinang galingan ng gulo at agad rin kaming napahinto sa pagtakbo.

"Darkanians." Madiin kong pagkakasabi nang makita namin ang grupo ng darkanians na pilit na sinisira ang barrier. May ilan nang nakapasok pero pinipigilan sila ng ibang estudyante na nasa X class.

"Ohhhh my gosh, Ashton buti nandito na kayo. Kanina pa nagpupumilit pumasok yang mga panget na yan." Sambit saakin ni Marish na humihingal na. May ilan ilan na siyang mga sugat marahil dahil sa pagpigil sa mga Darkanians.

"MARISH IWAS." agad kaming napalingon sa sumigaw at otomatiko kaming napaurong ng may dumaan na Crystal Blade sa harapan namin at tumusok ito sa isnag Darkanian na papalapit saamin.

"AAUUUGHHH." ungol ng Darkanian bago ito matumba at maging abo.

"Gosh, Crystal. Thank you." Sambit ni Marish sa kasama niya.

"Ashton alis na kami. Dun kami sa kabilang side." Saad ni Marish bago tumakbo patungo sa kanang bahagi.

Agad kong igila ang mata ko at nakita kong nakikipaglaban narin sina Harry  at Andrew.

Tumakbo ako malapit sa bungad at kinalaban ang ilang darkanians na nakapasok na.

Agad akong gumawa ng Fire ball at ipinatama iyon sa Darkanian na papasugod saakin. Ngunit agad itong umiwas at agad na nagbato saakin ng atake.

Agad kong ginamit ang Eart magic ko upang paangatin ang lupa upang magsilbing panangga ko sa kaniyang atake.

Lumikha iyon ng malakas na pagsabog. Agad kong ibinalik sa dati pwesto ang lupa at agad na gumawa ng Fire sword. Tumakbo ako papasugod sa darkanian na nakatalikod saakin at agad ko siyang sinaksak at agad din naman itong naging abo.

Muli akong humarap sa lalaking darkanian na umatake saakin kanina at wala nang sinayang pa na pagkakataon at sumugod narin sa kaniya. Gumawa din ito ng espada na gawa sa Itim na mahika at sumugod din saakin.

Malakas na nagbanggaan ang aming espada kaya't pareho kaming napalayo sa isa't isa. Ikinupas ko ang kamay ko upang pagalawin ang kaniyang kinatatayuan at nang maout of balance na siya ay agad kong inihagis ang aking espada at agad itong tumama sa kaniyang dibdib.

Agad siyang napaluhod at unti unting naging abo.

"KUYA." Rinig kong sigaw ni Athena kaya't napatingin ako sa kaniya. Kasama niya si Shane na may hawak na din na espada.

"Nagawa nyo ba ang inuutos ko?" Bungad kong tanong sa kanila ng makalapit sila saakin.

Tumango naman sila saakin at agad na iginala ang mata.

"Kuya, papunta na dito ang council para pansamantalang patibayin ang barrier, pero sabi ni Headmistress Jem ay pigilan daw muna natin ang mga nakakapasok." Saad ni Athena at igila ang mata.

"Dan." Sambit ko upang tawagin ang aking animal guardian. Agad din naman itong lumabas mula sa ibang dimension.

Si Dan ay isang three headed fire Phoenix at isa sa mabibilis na flying animal guardian. Tatlong klase rin ng apoy ang kaya niyang palabasin, ang dark Fire, white Flame at Blue flame fire.

Agad itong lumipad sa itaas at nagsimulang kalabanin ang ilang darkanians na nasa itaas.

Nakita ko naring sinummon ni Athena ang kaniyang animal guardian na si Gaston na isang Ancient Lion. Maging si Shane ay sinummon narin si Yuna.

Maraming nangyaring pagsabog dahil sa mga atakeng ginagawa ng bawat isa. Mga S-class at X-class lang ang estudyanteng nandito pati narin ang ilang mga professor.

Maraming nasugatan dahil sa naganap nalaban bago dumating ang magic council.

"Royalties." Saad saamin ni Headmistress Jem kaya mabilis na kaming nagtungo sa pwesto niya.

"Leave this place immediately, sabihan narin ang ibang estudyante na umalis na rito bago namin isara ang nasirang barrier." Saad niya saamin. Hindi na kami nagtanong pa at agad na tumugon sa kaniyang sinabi.

"Shane, Athena, harry and Andrew sa left side kayo, para balis nating mapaalis ang ibang estudyante. Hydra at Farrah sumama kayo sakin sa right side tayo." Pagkasabi ko noon ay agad na kaming nagtungo sa aming pupuntahan.

Agad naming pinapaalis ang mga estudyanteng nadadaanan namin upang mabilis silang makalayo dito. They need to move faster kaya binibigyan namin sila ng daan sa pamamagitan ng pagkalaban sa mga darkanians na nakaharang sa kanilang dadaanan.

"Hydra, teleport those who cannot run anymore." Sigaw ko kay Hydra.

"Okay." Saad niya at isa isa nang nawala ang ibang estudyante na hindi kaya pang lumakad.

Habang tumatakbo ako ay narinig ko ang sigaw ni Farrah.

"Ashton, 2 o'clock." Sambit niya saakin kaya napabaling ako ng tingin sa parteng kanan ko at nakita kong may papasugod saakin. Kaya agad akong gumawa ang Fire ball at ibinato iyon sa pwesto ng kalaban. Hindi niya nagawang makaiwas kaya mabilis siyang natupok ng apoy.

Iilan ilan nalang ang estudyanteng nandito kaya mas binilisan pa namin ang aming kilos.

HEADMISTRESS JEM'S P.O.V.

"I think its time." Saad ko sa mga council at agad rin naman silang tumugon.

We need to put some temporary seal to the barrier para hindi agad ito mawasak ng kalaban. We have no power to build up another barrier kaya temporary lang muna.

The council started to cast some spell and put their hands together then place it to their chest level. Gleam of light started to travel from their body to the barrier and move it in a circular way.

Hindi ako pwedeng makialam sa ginagawa nila dahil maaari nilang malalaman ang aking sikreto. Walang sino man ang dapat makaalam na isa akong diyos dahil sa oras na mangyari iyon ay kapahamakan ang maaaring katumbas nito.

Wala nang darkanians sa loob ng sakop ng barrier. Napapansin narin namin na tila umaalis na ang mga darkanians sa kabila ng barrier.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nang matapos ang pangyayari ay agad na nagtipon ang council sa aking opisina upang pag-usapan ang ilang bagay.

"Headmistress Jem, We need to find a solution for this as early as possible. We can't predict the next attack of the darkanians kaya dapat maging handa tayo." Saad saakin ni Hera. Na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Ako na ang bahala dito. Thank you for your concern. And also, thank you for your response, without you siguro ay tuluyan nang napasok ng mga Darkanians ang academy." Sambit ko sa kanila.

Agad na rin silang nag-paalam at lumabas na ng aking opisina.

Agad akong napabuntong hininga dahil sa frustration.

"Trisha." Tawag ko saaking secretary at agad din naman itong lumapit saakin.

"Yes, Headmistress?"

Tumingin muna ako sa kaniya bago muling magsalita.

"Inform the royalties including Shane to come here tomorrow. May mahalaga lang kaming pag-uusapan because I will send them to a mission."

"Masusunod po." Saad niya saakin at umalis na saaking harapan.

Tama kaya ang gagawin kong desisyon?

Continue Reading

You'll Also Like

636K 19.8K 63
An ordinary girl in the mortal world is just a nobody but she didn't know that she's the lost princess... And the special blue moon necklace is missi...
307K 7.2K 74
characters Shigura Usagi princess of Castle De Vania Shigura Mugi prince of Castle De Vania Shigura Mayuri queen of Castle De Vania Shigura Matsugi...
5.5K 422 27
School Of Magical Ability Meet Hacashi Young and Jazz Clinton the two destined to inherit the power of two Cristal Magic from the School Of Magical...
13.7K 1.8K 35
The second Princess of Lantra was inrolled in Central Academy, she incounter a magical adventure with passion, love, pain, power, friends, and family...