EMERALD ACADEMY: THE LEGENDAR...

By DarkDreamerKen

322K 13.5K 939

A girl named Krishzel Vish Amethyst who possess every power that exist in the world who will act as a nerd an... More

Author's Note
PROLOGUE
Chapter 1. Krishzel Vish Amethyst
Chapter 2: Emerald Academy
Chapter 3- Water and Ice
Chapter 4: First Day
Chapter 5: S-Class
Chapter 6: Potion
Chapter 7: Numinous Woods
Chapter 8: Closeness
Chapter 9: Class Leveling
Chapter 10: Training
Chapter 11: Apology
Chapter 12: Leveling
Chapter 13: Legendary Magic
Chapter 14: Three Second Attack
Chapter 15: Welcome to S-Class
Chapter 16: No Powers?
Chapter 17: Atlas
Chapter 18: Animal Guardians
Chapter 19: Farrah's Birthday
Chapter 20: Confession
Chapter 21: Revealed
Chapter 22: Gossip
Chapter 23: Mission
Chapter 24: Holy Tome
Chapter 25: Faith and Trust
Chapter 26: The Curse
Chapter 27: Sacrifice
Chapter 28: Part Of Me
Chapter 29: Sorrow
Chapter 31: Friend or a Foe
Chapter 32: Saved
Chapter 33: Truth Unfold
Chapter 34: Pain
Chapter 35: Attack
Chapter 36: Mission
Chapter 37: Mortal World
Chapter 38: Mortal World 1.2
Chapter 39: Krishzel's Home
Chapter 40: Downfall
Chapter 41: Saved
Chapter 42: Missing
Chapter 43: Reveal
Chapter 44: Lies
Chapter 45: Return
Chapter 46: Lost Princess
Chapter 47: Reasons
Chapter 48: Kill
Chapter 49: Agony
Chapter 50: Daughter's Love
Chapter 51: Dark Vill
Chapter 52: Rebirth
Chapter 53: Beginning
Chapter 54: War
Chapter 55: Goodbye
Chapter 56: Finally Accepted
Epilogue
Author's Note.
Pahabol Chapter

Chapter 30: Dark Fire

4.1K 226 37
By DarkDreamerKen

Hi Dreamers.
Kumusta kayo? I hope you're doing fine.

Enjoy this chapter.
Please do vote and comment down your thoughts. Thank you.

KRISHZEL'S P.O.V.

Patuloy na tumutulo ang aking mga luha sa harapan ni Ashton ngayon at maging sa mga royalties. Marami narin ang mga taong nakapalibot saamin at tila nakikinig sa aming usapan.

"Ashton pakinggan mo naman ako oh. Let me explain. Please." Pagmamakaawa kong saad kay Ashton. Gustong gusto ko nang ipaliwanag sa kanila ang lahat ngunit hindi man lang ako makakuha ng kahit isang pagkakataon.

"Explain? Ngayon mo pa naisipang mag-explain? P*tng*na naman Krishzel, tama na kase nakakasakal ka na. Sa tingin mo ba paniniwalaan ka pa namin? Kitang kita at rinig narinig na namin ang lahat. At kung sino mang hayop yang kausap mo sisiguraduhin kong mapapatay ko rin siya. At Krishzel naririnig mo ba ang sarili mo? Nag mamakaawa ka sakin para pakinggan kita. Krishzel tama na sawang sawa na ako sayo. Ayoko nang makarinig ng kahit na anong paliwanag mula sayo. Rinig na rinig ko na binanggit mo ang ina ko sa usapan ninyo at ikaw pa ang bahala sa kaniya? Huh. Talaga lang ha Krishzel. Siguro nung gabi na napag usapan natin ang ina ko siguro tuwang tuwa ka no. Krishzel ayoko nang makarinig ng kahit na ano sayo."

Sobrang sikip na ng nararamdaman ko ngayon at anytime parang matutumba na ako. Ngunit pinilit kong magpakatatag dahil gusto kong pakinggan muna nila ako.

"Ashton makinig ka naman muna..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng lumapit siya saakin at hinawakan ang braso ko. Agad niya itong pinaapoy kaya napasigaw ako dahil sa sobrang sakit.

"AAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH." Halos malagutan ako ng litid sa pagsigaw ngunit parang walang naririnig na kahit na ano si Ashton.

HYDRA'S P.O.V.

"Andrew. Pigilan natin si Ashton. Nasasaktan na niya si Krishzel." Tumutulong luha kong sambit kay Andrew. Napansin ko na pati si Farrah ay umiiyak narin at nakayakap kay Harry. Ngunit mas malala si Shane dahil patuloy ang pag-agos ng kaninyang luha habang tinatawag si Krishzel. Nagmamakaawa narin ito kay Ashton na tumigil na dahil sa hindi na namin kaya pang makitang nahihirapan si Krishzel

"ASHTON TAMA NA PLEASE. BITAWAN MO NA SI KRISHZEL. NAGMAMAKAAWA AKO. PLEASE ITIGIL MO NA TO ASHTON. MAAWA KA NAMAN KAY KRISHZEL."  Umiiyak na saad ni Shane kay Ashton. Ngunit tila parang bingi si Ashton at walang itong pinakikinggan.

"AKALA KO BA MALAKAS KA KRISHZEL? AKALA KO BA MAKAPANGYARIHAN KA? PERO BAKIT HINDI MO MAGAWANG ILIGTAS ANG SARILI MO. HAHAHHAHA. DIBA IKAW ANG NAGTURO NITONG DARK FIRE SAAKIN DIBA? KAYA SIGURADO AKO NA ALAM MO KUNG PANO ITO ALISIN." Malakas na pagkakasabi ni Ashton kay Krishzel na ngayon ay parang hirap na hirap na sa kaniyang kalagayan.

Isang bagay ang pumukaw sa aking pansin ng makita ko na parang nag-iba ang kulay ng buhok ni Krishzel pero bakit? Bakit naging itim na ito?

Nasa ganong pag-iisip ako ng muli kong marinig ang pasigaw si Krishzel.

"AAAHHHHHHH, A-ASHTON T-TAMA NA PLEASEEEEE..." pagmamakaawang saad niya kay Ashton kaya wala na akong sinayang na sandali at nagmadaki akong tumakbo palapit kay Krishzel para iligtas siya. Alam ko na galit ako kay Krishzel pero hindi ko kaya na nakikita siyang nagkakagoon. Mahal ko parin siya bilang kaibigan ko.

Konting distansya nalang ngunit biglang tumilapon papalayo si Ashton kay Krishzel ng may kung anong tumama sa kaniya. Agad na napaupo si Krishzel sa sahig habang patuloy ang paghahabol hininga habang tumutulo ang kaniyang luha. Dinaluhan siya ni Shane na katulad ni Krishzel ay umiiyak narin.

"Mr. Hudson alam mo ba ang ginagawa mo?" Matigas na pagkakasabi ni Headmistress Jem kay Ashton na katatayo lamang mula sa pagkakahiga sa lupa dahil sa atakeng ginawa ni Headmistress.

"Alam mo ba na kung hindi ako nakarating agad ay maaaring napatay mo na si Krishzel?"tiim bagang na saad ni Headmistress Jem.

Magsasalita pa sana ito ngunit pamailanlan ang sigaw ni Krishzel.

"AAAAAAAAAHHHHHHHHH." Kitang kita sa mukha ni Krishzel ang sakit na kaniyang nararamdaman at halatang nahihirapan na siya. Muling lumandas sa mga mata ko ang luhang kanina lamang ay pinahid ko na kaya agad kong tinahak kung nasaan si Krishzel ngunit hindi ko kinaya ang nakita ko. Halos hindi na maturing pa na braso ang braso ni Krishzel dahil sunog na sunog na ito. Halos masunog na ang buong braso at kamay niya at maging ang kaliwang dibdib ni Krishzel ay sobrang naapektuhan.

Nanghina ang tuhod ko dahil sa nakikita ko at muntik na akong mabual sa kinatatayuan ko mabuti nalang at nasalo agad ako ni Andrew.

"Shit. Krishzel." Tanging sambit ni Andrew kay nang makita ang kalagayan ni krishzel.

"K-krishzel pagagalingin kita." Saad ni Shane at pilit pinapagaling si Krishzel ngunit kahit na anong gawin niya ay walang pinagbago ang sugat na natamo ni Krishzel.

Hinang hina si Krishzel at kitang kita sa mukha niya na nahihirapan at nasasaktan na siya. Bumuhos ng todo ang luha ko dahil sa nakikita ko. Napansin ko naring nakalapit na si Farrah at gaya ko ay umiiyak narin siya.

"Krishzel bakit hindi kita magamot. Krishzel." Tulo luhang sambit ni Shane kay Krishzel na ngayon ay parang anong oras man ay mawawalan na ng malay.

"Krishzel, I'm sorry." Hindi makapaniwalang saad ni Ashton ng makalapit ito ngunit agad siyang pinigilan ni Headmistress Jem.

Lumakad papalapit si Headmistress Jem kay Krishzel at bigla nalang silang naglahong dalawa.

"What I have done." Nanginginig na saad ni Ashton at ibinaling ang kaniyang tingin saamin ngunit umiling lang kami sa kaniya.

Naiwan kaming nakatulala doon ngunit agad na naagaw ng atensyon ko si Shane na nahihirapan nang huminga dahil sa kakaiyak kaya naman nilapitan ko na siya, maging sina Farrah ay lumapit narin upang patahanin si Shane.

Sana okay ka lang Krishzel.

HEADMISTRESS JEM'S P.O.V.

Ibinaba ko si Krishzel sa kaman ng kwarto ng opisina ko matapos ko siyang iligtas kay Ashton. Awang awa ako sa kalagayan niya dahil sa natamo niyang pinsala dahil sa kapangyarihan ni Ashton.

Ngunit sa kabila ng lahat ay hanga rin ako sa katatagan  ni Krishzel dahil kinaya parin niya iyon gayong isa na lamang siyang normal na tao. Oo alam ko na normal na siya ngayon dahil sa natapos na niyang iligtas ang buhay ni Athena. I admire her for being a selfless person. Inuuna niya ang kapakanan ng iba kesa sa kapakanan niya. She's really something na maipagmamalaki mo kung naging kaibigan mo siya but I dont know why, kung bakit ganon na lamang ang naging pagturing nila kay Krishzel gayong sobrang dami nang nagawang mabuti ng batang ito sa kanila.

Masaya rin naman ako dahil may isang tao na naglakas loob na hindi iiwan si Krishzel sa kabila ng lahat. I'm happy because Shane didn't leave Krishzel's side. Hindi niya nagawang talikuran ang kaibigan niya.

Tiningnan ko ang kalagayan ni Krishzel na ngayon ay mahimbing nang natutulog. Paunang lunas lamang ang kaya kong ibigay sa kaniya dahil sa Dark Fire na ginamit ni Ashton at wala akong sapat na kaalaman tungkol doon.

Alam kong ano mang oras na gumising si Krishzel ay kinakailangan na niyang bumalik sa mortal world. Nararapat na sana siyang umalis ngayon ngunit hindi naman siya makakabalik dahil sa kalagayan niya ngayon.

Ipinakuha ko na rin ang mga gamit na dadalhin ni Krishzel sa dorm nila ni Shane. Upang ano mang oras ay makakaalis na siya agad.

Lumabas na ako ng opisina ko upang tagpuin ang aking kapatid.

HARRY'S P.O.V.

Ilang oras na ang nakakalipas ng mapatahan namin si Shane. Hindi na muna namin siya pinauwe ng kaniyang dorm para narin masamahan namin siya. Ideya ito ni Farrah at sinang-ayunan lang namin para narin sa ikakatahimik namin at mabawasan kami ng pag-aalala.

Nandito kami ngayon sa room na para lamang sa mga royalties ngunit maaari rin namang makapunta dito sina Krishzel at Shane.

Tiningnan ko si Shane na walang ganang nakaupo sa sofa habang katabi sina Farrah at Hydra. Kanina pa siya walang imik at paminsan minsan ay tumutulo nalang bigla ang kaniyang luha at humihikbi.

Samantalang si Andrew naman ay kinakausap si Ashton upang mapatahan ito sa pag wawala. Gusto nitong kausapin si Krishzel upang humingi ng tawad ngunit hindi namin siya pinapayagan dahil baka kung ano na naman ang magawa niya kay Krishzel. Kitang kita sa mga mata ni Ashton ang guilt marahil dahil sa ginawa niya kay Krishzel ngunit ramdam ko na galit parin ito kay Krishzel.

"Oh inom ka muna." Saad ni Andrew kay Ashton at inabutan ito ng isang basong tubig.

Tinanggap naman ito Ashton at saka uminom. Wala ni isa saamin ang nais magsalita kaya naman nabalot kami ng katahimikan.

Ngunit bigla nalang tumayo si Shane at lumapit ito kay Ashton.

"A-ashton... bakit nagawa mong saktan si Krishzel ng ganun?" Panimula niyang saad kaya naman napatingin si Ashton sa kaniya ngunit agad rin itong nagbaba ng tingin.

Maging kami ay napatingin narin kay Shane.

"Ashton, bakit hindi mo manlang binigyan ng time si Krishzel na magpaliwanag? Bakit hindi mo manlang nagawang makinig sa kaniya? Gustong gusto ka niyang makausap para sabihin ang lahat pero  ni isang pagkakataon hindi mo man lang siya pinag bigyan. Hindi mo alam Ashton kung anong klaseng hirap ang pinag dadaanan ni Krishzel. Alam mo ba noong mga nakalipas na buwan at linggo kahit lagi siyang nakatawa sa harap natin, nakikisabay sa gusto natin pero alam ko na may problema siyang dinadala dahil ilang beses ko siyang nakitang umiiyak sa tuwing sinusundan ko siya kapag hindi natin siya kasama. Pilit siyang nagpapakatatag at umaaktong malakas pero oras na hindi na natin siya kasama alam mo ba na lagi siyang umiiyak?" Tumigil si Shane sa pagsasalita at agad na pinunasan ang kaniyang luha.

Natigilan kaming lahat ng marinig namin ang sinabi niya. Isang beses ko nading nakitang umiiyak si Krishzel noong araw na naging close kami. Noong araw na napag-usapan namin ang tungkol sa magulang niya.

Hindi namin alam na ganito pala ang nararamdaman ni Krishzel. Nasanay kami ng lagi siyang masaya at parang walang problema. Nasanay kami na nakikita namin siyang malakas ngunit umaakto lang pala si Krishzel dahil sa totoo ay nasasaktan din siya.

Muling nagpatuloy si Shane sa pagsasalita kaya naman muli kaming napabalik ng tingin sa kaniya.

"Alam mo ba Ashton, nung araw na bumalik siya dito matapos niyang bisitahin ang tito at tita niya sobrang saya pa niya nun. Pero ng malaman niya ang lahat ng nangyari sobra siyang nasaktan. Kase naman hinusgahan ninyo agad si Krishzel ng hindi ninyo nalalaman ang totoong nangyari. Bakit ba ang bilis ninyong hinusgahan si Krishzel? Samantalang lahat naman ng ginawa niya sa inyo ay maganda. Naging mabuting kaibigan si Krishzel sa inyo pero ano tong ginanti ninyo sa kaniya? Hindi deserve ni Krishzel ang lahat ng to, hindi deserve ni Krishzel ang masaktan dahil wala naman siyang ginawang makakasama sa inyo. Pati bakit siya ang pilit mong pinagbibintangan sa nangyari kay Athena? Ashton, Darkanians ang sumugod saatin at hindi si Krishzel. Wala siyang kaalam alam ng tungkol don. Nung nalaman niya ang nangyari kay Athena wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak, nagpumilit din siyang humanap ng lunas para kay Athena. Lahat nalang naman ginawa ni Krishzel para sa atin ah. Pero simple lang naman ang hiniling ni Krishzel nitong huli pero hindi nyo manlang siya pinagbigyan. Anong klase kayong kaibigan? Laging nandyan si Krishzel kapag kailangan nyo sya. Pero nung siya tong nangangailangan kayo mismo ang unang tumalikod sa kaniya. Ano ba? Kaibigan ba talaga ang turing ninyo kay Krishzel?dahil dapat nga kayo itong nakinig at nanatili sa tabi ni Krishzel pero ano? Sinumbatan nyo pa siya."

Matapos magsalita ni Shane ay lumakad na ito patungo sa CR habang walang humpay ang pagtulo ng luha mula sa kaniyang mga mata.

Maging sina Hydra at Farrah ay umiiyak narin. Si Ashton naman ay hindi na makaimik at nakatungo lamang ito. Ngunit alam ko na umiiyak rin ito dahil sa mga butil ng tubig sa sahig na katapat niya.

Wala ni isa saamin ang makapagsalita. Para kaming sinampal ng katotohanan dahil sa sinabi ni Shane. Tila natauhan kami dahil sa mga salitang binitawan ni Shane saamin. Para akong sinaksak dahil sa sakit na nararamdaman ko para kay Krishzel.

Lahat ng ginawa niya saamin ay mabuti pero hindi namin yon nasuklian sa halip ay sinaktan pa namin si Krishzel.

Sana hindi pa huli ang lahat at mapatawad mo pa kami Krishzel.

Continue Reading

You'll Also Like

7.1K 194 5
If there is one absolute rule when dealing with an omega, it is to never, never to threaten there cubs People can talk all they want about the feroci...
13.7K 1.8K 35
The second Princess of Lantra was inrolled in Central Academy, she incounter a magical adventure with passion, love, pain, power, friends, and family...
145K 7.2K 45
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...
2.5K 91 6
The Absolute Focus of the Stage of Justice, until the Final Applause. My ideals have no stains. I must correct you. People here bear no sins in the e...