MUL 59

1.2K 26 3
                                    

Sophie's POV
Sa totoo lang ay nalulungkot ako dahil kailangan kong pakawalan si Xander kaya lang mas ok na 'to at least magaan sa pakiramdam na wala akong nasasaktaing ibang tao.

 Tanggap ko na hindi na talaga pwedeng maibalik ang pagsasamahan namin ni Xander.

"Buti naman at pinakawalan mo na rin sa wakas si Xander."

"Narealize ko na maling ipaglaban ang pag-ibig na hindi naman sa akin. Ikaw kuya, wala ka bang balak ipaalam kay Zafirah na mahal mo siya?"

"Kakausapin ko muna si Xander tungkol diyan."

"I'm so sorry kuya."

"Bakit ka naman humihingi ng tawad?"

"Nagaway kayo ni Xander ng dahil sa akin."

"Ano ka ba? Mas ok na sa akin mawalan ng kaibigan huwag lang akong mawalan ng kapatid na nagngangalang Sophie."

"Auuuhhhh," saad ko 'yung ginagawa ba ni aleng maliit pero ngiti lang ang sinukli sa akin ni kuya.

Naniniwala ako na darating rin ang araw na magiging masaya ako ng lubusan.

Bryan's POV

Matapos ang heart to heart talk namin ni Sophie ay agad akong nagtungo sa condo ni Xander.

Agad akong nagdoorbell at maya maya pa ay bumukas na nga ang pintuan at nakita ko pa si Xander na nagulat.

"Bryan pasok," saad nito kaya namang pumasok na nga ako.

"Hindi ko inaasahan na pupunta ka dito."

"Ako rin. Hindi ko rin inisip na makakatapak ako dito sa condo mo."

"Anong  sinadya mo dito?"

"Xander alam kong  hindi naging  mabuting kaibigan pero  nung dumating sa punto na kailangan kong magtago sa'yo dahil yun ang nakakabuti sa kapatid ko. Hindi ko sinasabi na hindi mahalaga ang pagkakaibigan natin kaya lang MAS mahalaga lang kasi sa akin si Sophie."

"Naiintindihan ko naman. Gusto ko rin humingi sa'yo ng tawad dahil napakakitid na utak ko. Alam kong hindi dapat ako nagalit sa'yo kaya lang naramdaman ko pa rin. Ayoko namang mawalan ng isang kaibigan na katulad mo. Kung tutuusin maraming beses ko ng ginustong makipagbati sa'yo kaya lang hindi man lang ako gumawa ng paraan para mangyari 'yun dahil na rin sa hiya."

"Ok lang. Naiintindihan ko. Ang mahalaga ngayon ay ayos na tayo."

"Gawin nga natin 'yung bro shake natin," saad nito at ginawa nga namin.

"Nakakamiss rin pala 'yun noh?" saad nito.

"Oo nga eh."

"Ah Xander may gusto pala akong sabihin sa'yo tungkol kay Zafirah."

"Ano?"

"Alagaan mo si Zafirah. Maswerte ka dahil ikaw ang lalakeng pinili ng puso niya."

"Ipinapangako ko sa'yo na aalagaan at mamahalin ko siya."

"Salamat pero gusto ko sanang sabihin kay Zafirah ang nararamdaman ko. Pwede ba?"

"Oo naman. I trust in you."

"Salamat bro."

Sophie's POV

Katatapos ko lang maggrocery at nakapila na ako ngayon para magbayad dito sa counter ng maalala ko na nakalimutan ko na kumuha ng cereals.

Iniwan ko muna 'yung cart roon na nakalinya para 'yung cereals ngunit ng makabalik ako ay may iba ng tao ang nakalinya sa inalisan ko.

"Excuse me sir pero ako ang nakalinya diyan."

"Oh are you talking to me?"

"Yes, I am talking to YOU. Now if you don't mind please move because that's MY PLACE."

"Oh I'm sorry," saad nito tapos bumalik ang tingin sa unahan pero hindi naman umalis.

Kumukulo na talaga ang dugo ko sa lalakeng 'to.

Nang siya na ang magbabayad ay agad kong inilagay ang mga pinamili ko sa counter.

"Ms pakisama naman po 'to sa bill niya pero separate na plastic."

"Ms hindi ko babayaran 'yan kaya huwag niyong isama."

"Sinasabi ko sa'yo ms na isama mo kung ayaw mong matanggal sa trabaho."

"Ako ang magpapatanggal sa'yo sa trabaho pagisanama mo 'yan."

"Sandali nga po. Naguguluhan po ako sa inyong dalawa eh. Isasama ko po ba o hindi?"

"Oo/hindi," sabay naming sagot tapos nagkatinginan kami nito.

"Aissh. Oo na. Ikaw na muna nga ang mauna."

"Thank you," nangiinis kong saad.

Nang mapunch na lahat ay binayadan ko na ito at naglakad na nga ako paalis.

Hindi pa ako nakakalayo ay lumingon ako rito at binigyan siya ng nangiinis  na ngiti at dun ko naman nakita na nagsalubong ang kilay niya kaya ako naman ay nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

Sayang. Ang gwapo pa naman sana kaya lang hindi ko gusto ang ugali.

Zafirah's POV

Nandito na ako ngayon sa meeting place namin ni Xander dahil magkikita kami ngayon.

"Zafirah," agad akong napalingon sa tumawag sa akin at dun ko nakita si Bryan.

"Oh Bryan. Nakita mo ba si Xander? Magkikita kasi kami ngayon eh."

"Kinausap ko si Xander kung pwede tayong mag-usap."

"Ano ba ang pag-uusapan natin?"

"Tungkol sa nararamdaman ko," saad nito kaya naman bakas sa mukha ko ang pagkagulo.

"Zafirah mahal kita. Hindi ko lang paano, kailan at bakit pero mahal kita eh."

"Bryan."

"Ok lang. Alam ko naman na nagmamahalan kayo ni Xander kaya hindi naman ako hahadlang dun. Gusto ko lang maging masaya ko ok na ako dun. Hindi ko naman 'to sinabi para sirain kayo, sinabi ko 'to para malaman mo 'yung nararamdaman ko."

"Salamat Bryan kasi mahal mo ko pero sorry na rin dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo."

"Ok lang. Basta ba magkaibigan pa rin tayo. Ok lang 'yun sa akin."

"Oo naman," saad ko at niyakap siya.

"Ehem. Tama na 'yan," agad naman kaming napabitiw ni Bryan sa yakap.

"Sige Bryan una na muna kami ni Zafirah," saad ni Xander at umalis na nga kami.

"Selos ka naman agad."

"Aba naman. I don't like to share what's mine."

"Ewan ko sa'yo."

****

Nakarating na nga kami sa restaurant.

Agad kaming umupo ni Xander sa mesa kung saan may isang kasing edad ni papa ang nakaupo.

Tumayo ito at nakipagshake hands sa akin.

"Pa si Zafirah soon to be wife ko Zafirah si papa soon to be father-in-law mo," napangiti na lamang kami dahil sa sinabi ni Xander.

"Nice to meet you iha. Ako nga pala si Paolo Henares ang ama ni Xander."

"Nice  to meet you rin po."

"Upo na kayo," saad nito kaya naman umupo na nga kami ni Xander na magkatabi.

"Hindi ko inaasahan na napakaganda pala ng soon to be daughter- in-law ko."

"Salamat po."

At marami naman kaming pinag-usapan.

Naging ok na pala si Xander at ang ama niya.

Nagbago naman raw ito kaya pinatawad na ni Xander.

Mabait naman pala talaga si tito.

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon