MUL 3

2.3K 49 9
                                    


First day of classes na ngayon. Ano kayang mangyayari sa aking college life? Well baka tulad lang naman dati, walang bago. Sayang nga lang iba-iba kami ng course na kinuha nila Janina. Kinuha kasi ni Janina is fashion designing, si Marc ay vet med at ako ito, business ad.

By the way, kumakain kami ngayon ng almusal. As usual, tahimik ang hapagkainan. Nagkakaroon lang ng ingay pagmag sasalita si papa at grandmamma.

"Sya nga pala, anong course kinuha mo Zafirah?" tanong sakin ni papa.

"Business Ad po."

Tumango siya. "Good. Buti naman at sinunod mo ko. Gusto kitang i-train rin sa negosyo dahil balang araw you will be a business woman not that what you so called 'writer' or 'author'. Wala kang kinabukasan dun."

"Pero 'yun 'yung gusto ko," I murmur to myself.

"Are you saying something?"

"Wala po pa," sagot ko at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Ok. How about you Zychela? Senior ka na this year. Anong course ang kukunin mo?"

"I'm thinking na kumuha ng course na related sa music or maybe fahion designing tulad ni ate Janina or fine arts maybe."

"Good. Nice choice. Ipagpatuloy mo lang 'yan alam kong maabot mo ang pangarap mo."

Ang daya, ba't si Chela di niya nire-require na magbusiness ad samantalang kami ni kuya kailangan business ad?

Pagkatapos kumain ay naghanda na ako para sa pag-alis.

"Um Zafirah, sumabay ka na lang sa akin papunta sa university. Ang kuya mo may sarili naman siyang kotse," nakangiting anyaya sa akin ni mama kaya naman tumango ako bilang pagsang-ayon.

We are on the way to the university. Kinuha ko 'yung phone at earphone ko at ipapasak na sana ito sa tainga ko nang magsalita si mama.

"So excited ka sa first day mo?"

"No."

"Bakit?"

"Hindi ko naman gusto 'yung course na kinuha ko eh," mahina kong saad pero batid kong narinig niya pa rin ito.

"Bakit 'yun 'yung kinuha mo? You may get another course, you know."

"I know pero wala naman akong choice eh. If he said, I should do it."

"Pero pwede mo naman ipaglaban di ba?"

"Para saan pa? Eh ikaw ngang di mo maipaglaban ang sarili mo, ako pa kaya na anak lang," sabi ko dahilan upang mapayuko na lang siya.

Zafirah, you and your careless mouth.

"I'm sorry," mahina niyang saad.

"No, I'm sorry. Di ko dapat sinabi 'yun."

"Ok lang. Totoo naman eh," aniya hanggang sa namalayan kong malapit-lapit na kami sa university.

"Sige, ma. Dito na lang ako."

"Sure ka? Medyo malayo pa 'to ah."

"Ayoko rin kasing malaman ng iba na related tayo."

"Hanggang dito ba naman sa university. Konti nga lang ang nakakaalam dun sa dati mong school na magulang mo kami ng papa mo at kapatid mo si Zychela at Albert."

"Ma, ayoko ng attention. Kapag nalaman nilang anak mo ko at kapatid ko si kuya Albert at lalong-lalo na apo ako ng may-ari ng university, marami ang mang-pla-plastic n'yan sa akin. Gusto ko kung magkaroon man ako ng bagong kaibigan, ayoko ng dahil lang sa pera or popularity."

My Unlucky LifeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant