MUL 1

5.8K 80 13
                                    


"Firah. Firah," rinig ko at yinuyugyog pa ko ng hindi naman masyadong malakas.

"Mamaya na manang. Let me sleep pa. Summer pa naman eh," mahina kong wika habang nakapikit pa ang aking mga mata.

"MANANG? SINO ANG TINATAWAG MONG MANANG, ZAFIRA MAE TAN?" napabalikwas ako dahil sa malakas na boses na aking narinig.

"Janina?"

"Yes, dear. Sa ganda kong 'to napagkamalan mo pa kong si manang ah," nakahalukipkip na saad niya pagkatapos ay umirap pa.

"Bakit? Hindi ba?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Grabe, Firah," sabi niya tapos hinampas pa ko sa braso. See, a sadist.

"Ouch naman! So ano palang ginagawa mo dito. Akala ko ba nagbabakasyon ka sa Bicol."

"Nakabalik na kami."

"So, how's the trip?"

"Pwede ba Firah? Mamaya na tayo magkwentuhan kung ako sa'yo maligo ka na at aalis tayo."

"Saan tayo pupunta?"

"Mall."

"Naku Janina! Di ka pa rin nagbabago, shopping pa rin ang iniisip mo."

"IKR kaya bilis na. Now dun lang ako sa baba maghihintay at i-te-text ko na rin si Marc.."

"Yeah. Sige na. Alis na," wika ko at tinutulak ko pa siya palabas ng kwarto.

Oo nga pala bago ko makalimutan ako si Zafirah Mae Tan. Yeah right, may lahi kaming Korean (my grandmother from my father side is half Korean and Filipino), American and Chinese (my grandfather from my father side again is half American and Chinese) while my mother is a pure Filipino. Kapatid ko si kuya Albert Tan, gwapo 'yan 'tsaka chic magnet  and I have also a younger sister named Zychela Faye Tan.

I have my 2 best friends. First si Janina Lorraine Santiago, kung tutuusin she's our cousin, 3rd cousin kasi ang papa ko at ang mama niya so that make us, a fourth cousin. And the other one is Marcus Andrew Ponce 'Marc' for short.

After I prepare myself. Nandito na kami ngayon sa mall at sa food court namin hinihintay si Marc.

"Ano? Wala pa ba?" tanong ko sa kanya ng naiinip.

"Wala pa eh," sagot niya habang kino-contact pa rin si Marc.

"Ano ba naman 'yan si Marc! 45 minutes na tayong naghihintay dito," naiinis na saad ni Janina.

"Huwag ngang masyadong mainit 'yan na ulo mo. Maiba tayo kumusta 'yung bakasyon niyo sa Bicol?"

"Well, it was great. Nakita ko na 'yung Mayon Volcano actually kahit di na ito perfect cone maganda pa rin then nakapunta kami sa Caramoan Islands, di ito kasing mahal ng Bora pero it was like just Bora. Parang boracay version man lang sa Bicol kaya nga lang mas masyadong pinagkagastusan 'yung Bora, hello tourist spot kaya 'yun. Ang Caramoan kasi di siya famous nationwide pero talagang maganda siya kung baga tago ang beauty nun," pagkwe-kwento niya na may kasama pang hand gestures.

"Kumusta naman kayo? Kanina pa ba kayo?" tanong ni Marc ng makalapit na sa amin.

"Oo naman, Marcus Andrew Ponce! Hanggang ngayon di ka pa rin nagbabago. Lagi ka pa ring late," naiinis na saad ni Janina. May pagkawarfreak talaga ang magandang dilag na 'yan.

"Sus ko naman Janina kababalik mo pa lang galing bakasyon ang highblood mo. Pumapangit ka tuloy."

"Sinong pangit?" nakataas na kilay na tanong ni Janina.

"Ikaw. Sino pa ba?" saad ni Marc dahilan upang pagpapaluin at kurutin siya ni Janina.

"Aray! Ano ba, Janina! Ouch naman! Ang sadista mo talaga"

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon