MUL 52

1K 21 0
                                    

Isang linggo na rin ang nakalipas ng mahospital si papa.

Isang linggo na rin akong hindi kinakausap ni mama.

Alam kong galit siya sa akin dahil sa ginawa ko pero di ba dapat intindihin niya rin naman ako dahil  anak niya rin ako.

Kasalukuyan akong kumakain na mag-isa sa dining table.

"Talagang may gana ka pang kumain samantalang ang ama mo nasa hospital at di natin alam kung kailan gigisong," ibinagsak ko 'yung  kutsara't tinidor ko at  tumayo na nga ako at hinarap siya.

"Eh di kasalanan ko na nandun siya. Kasalanan ko naman lagi di ba? Sa bahay na 'to wala na kong nagawang tama. Pati ba naman pagkain ko isusumbat mo sa akin. Sorry ah. Sorry kasi ako 'yung wala sa hospital. Kung pwede nga lang sanang makipagpalit ng posisyon kay papa eh."

"Naiintindihan kong galit ka sa akin pero sakin na lang ba lahat ng sumbat? Araw-araw pinamumukha niyo sa akin na kasalanan ko. Oo na nga't kasalanan ko ano ng magagawa ko. Tao rin ako nasasaktan at kailangan ng pang-unawa niyo but it looks like sarili kong ina walang pakielam sa akin," saad ko at nilampasan na siya.

***

Nasa ice cream parlor ako ngayon at kasalukuyang nilalantakan ang ice cream.

Deppress ako at ice cream ang  comforting food ko.

"Mukhang hinahabol ka ata ah," napaangat ako ng ulo at dun ko nakita si Bryan na nakatingin sa akin.

Umupo na nga siya sa upuan sa harap ko.

"Halatang may problema," nagbuntong hininga na lamang ako sa sinabi niya.

"Sige na kain lang ng kain para tumaba ka," saad nito  kaya naman sinamaan ko nga ng tingin habang ito naman ay tumawa ng pagkalakas lakas.

"Ikaw naman hindi na mabiro pahingi ako para everybody happy."

"Bumili ka," saad ko habang inilalayo pa sa kanya 'yung ice cream ko.

"Sige na."

"Di ba mayaman ka? Bumili ka na lang tapos libre mo ako para tumaba taba nga ako tulad ng sabi mo."

"Aissh. Talo na naman ako sa'yo. Sige na nga," saad nito at tumayo na nga't nagtungo sa counter.

Nang makabalik na siya ay may dala siyang dalawang ice cream. 'Yung pinakamalaking size.

"Dahil mahal kita ay binilhan kita ng  ice cream."

"Salamat," saad ko habang kumikinang kinang pa ang mata ko.

Bryan's POV

Totoo 'yung sinabi ko kanina pero halata naman na hindi 'yun nagets ni Zafirah.

Ito pang babaeng 'to napakalow gets.

Mahal ko siya pero hindi niya naman halata.

Masaya na ako basta makita ko lang siya na masaya.

Halata naman na may problema siya kaya naman kahit sa simpleng ice cream lang ay maease  ko 'yun.

Xander's POV
Magkasama kami ngayon ni Sophie at kasalukuyang nasa condo kami ngayon.

Halata kong masaya siya pero ayokong paniwalain siya na may  nararamdaman pa ako sa kanya.

Minsan kailangan talagang itigil na ito para hindi na siya mas masaktan pa.

"Sophie."

"Bakit?" nakangiting tanong nito kaya naman nagbuntong hininga na lamang ako.

"Let's end this," nakapikit kong saad.

"A-ano?"

"tapusin na natin 'to," sa pagkakataong ito ay nakatingin na ako sa kanya.

"Pero b-bakit?"

"Hindi na kita mahal."

"Pero mahal kita Xander. Sabi mo hindi mo ako iiwan."

"Hindi naman kita iiwan. Nakikipagbreak lang ako sa'yo. Parehas lang tayo mahihirapan lalo pa't wala na akong nararamdaman sa'yo."

"Huwag mo naman ipamukha sa akin na hindi mo na ako mahal. Xander gagawin ko lahat please huwag mo lang 'tong gawin sa akin," saad nito habang tumutulo na ang mga luha sa kanyang munting mga mata.

"I'm sorry."

"Si Zafirah ba?" tanong nito kaya agad akong napatingin ng seryoso sa mata niya.

"Siya nga. Hindi ko akalain na ang babaeng ginamit mo para bumalik ako sa'yo ay siya rin palang magiging dahilan ng pagkawala mo sa akin."

"Intindihin mo naman Sophie," saad ko pero umiling iling lamang ito habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa may tenga niya.

"Sophie," sinubukan ko itong hwakan pero lumayo ito sa akin at lumabas na nga siya ng unit ko.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa nangyari.

Hindi ko gustong saktan siya pero ayoko naman na lokohin pa siya.

Sophie's POV
Nasasaktan ako dahil sa narinig ko mula kay Xander.

Ok lang sa akin kahit hindi niya na ako mahal basta kami pa rin.

Pero wala eh nakipaghiwalay siya sa akin.

Nang makarating ako ng bahay ay wala na akong pakielam ng makakasalubong ko at dumiretso na lamang  ako sa kwarto ko at dun nagkulong.

Ang sakit sakit.

Ayoko nito. Ayoko.

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now