MUL 5

1.9K 51 13
                                    


Natapos na rin lahat ng klase ko kaya ngayon hinahanap ko 'yung dalawa para naman may kasama ako. Ayoko pa kasing umuwi.

"Nasaan na ba kasi nagsusuot si Ponce eh?" naiinis kong tanong habang bumababa sa hagdan.

"Pag ikaw nakita ko talaga Marc ay kukutusan talaga kita. Iwanan daw ba ko."

Kapag naiinis talaga ako ay nagagawa kong magsalitang mag-isa. Kaya naman 'yung ibang taong dumadaan napapatingin sa akin.

Habang naglalakad ako di ko namalayan muntikan pa kong mahulog kaya napapikit na lang ako.

Wait, ba't di pa ata ako bumabagsak?

Pagmulat ko nakita ko ang isang lalake sa aking harapan. Medyo malapit ang kanyang mukha 'tsaka ko lang narealize na hawak hawak niya pala ako sa aking bewang bilang pagalalay upang hindi ako mahulog.

Nagkatinginan kami ng ilang segundo and I must admit that his eyes are so beautiful pero hanggang dun lang 'yun.

Nang na-realize ko 'yung posisyon namin ay agad akong umayos ng pagkakatayo siya naman ay ganun rin.

"Um s-salamat," hindi ko makatinging pagpapasalamat sa kanya.

"Ok lang 'yun Ms. Drools."

"Pwede ba huwag mo nga akong tawagin ng ganyan," naiinis kong sabi ko then linampasan ko na siya habang siya naman hinawakan 'yung braso ko para pigilan ako.

"Ikaw naman masyado kang highblood baka tumanda ka kaagad n'yan," sabi nito kaya tiningnan ko siya saglit pagkatapos bumalik na sa paglalakad.

Hinahanap ko pa rin si Marc. Saan na ba kasi nagsusuot 'yung lalakeng 'yun?

"Hoy Zafirah, saan ka na naman nagsuot ha at bigla kang nawala?" tanong sa akin ni Marc nang makita niya ako.

"Ako pa ngayon eh ikaw nga 'yang biglang nawala eh."

"Hay naku! Halika na nga at baka tapos na 'yung screening sa cheering squad at hindi na natin abutan si Janina," aniya at nagsimula nang maglakad kaya ganun na rin ang ginawa ko.

"Oo na," sabi ko tapos ayun mas binilisan namin papunta dun sa gymnasium kung saan gaganapin ang audition.

In fairness kasi kay Janina sumasama pa sa cheering squad na 'yan sabagay majorette naman siya nung highschool dahil sa ganda niya.

Nandito na kami at nakita namin ni Marc si Janina. Buti naman at hindi pa naman nagsisimula eh. Umupo kami sa bleachers. Nginitian kami ni Janina kaya kami rin ni Marc gumanti rin ng ngiti. Humihina kasi ang loob ni Janina kapag walang sumusuporta sa kanya.

Sandali, di ba 'yun si. . . sino nga 'yun? Nakalimutan ko 'yung pangalan.

Wait, naalala ko na 'yung magandang ka-blockmate ko, si Sophie Alvarez.

Magau-audition rin pala siya. Sabagay maganda naman talaga siya at bagay sa kanya na sumali sa cheering squad.

Nagsimula na rin ang audition. In fairness halos lahat sila magagaling.

Si Janina? Syempre magaling rin 'yung babaitang 'yun. Sigurado ko makakasali 'yun kahit 'yung Sophie super galing, ang graceful gumalaw.

Makalipas ang isa't kalahating oras ay natapos na rin ang screening.

"Saan tayo magmemeryenda? Nagutom ako eh."

"Ayan. Wala ka ng ibang inisip kundi pagkain Janina, kaya ka tumataba eh."

"Hoy Marc hindi ako mataba noh," nakapamewang na saad ni Janina.

Hanggang sa napagdesisyunan naming kumain na lang sa isang fastfood restaurant. Wala naman bago. Daldalan lang kaming tatlo, feeling ko nga pagmagkakasama kami ay hindi kami nauubusan ng kwento.

Nang matapos kaming kumain ay napagdesisyunan na rin naman naming umuwi na. Kararating ko lang sa bahay at isang sermon na naman ang narinig ko.

"Where have you been young lady? Alam mo ba kung anong oras na?"

"6:10 po."

"6:10 eh ba't ngayon ka lang?"

"Kumain lang po kami sa labas nila Janina."

"Wala akong pakielam. Kapag sinabi ko na 6 ka uuwi 6 ka uuwi eh sana kung umuwi ka ng maaga eh di sana madami ka ng natapos na trabaho. Ayan I need that at 7:30 ngayong gabi," aniya at may ibinigay sa aking file.

"What? Pa, 1 hour na lang ah."

"I don't care kaya kung ako sa'yo better start your work now," maawtoridad niyang sabi habang ako naman ay tumaas ng kwarto ko.

"He's impossible, 1 hour," pailing-iling kong wika.

May dad is training me and kuya Albert sa kompanya. Nagtratrabaho na kami sa kanya pero wala namang sweldo.

Nagbihis na ko then kinuha ko 'yung laptop ko tapos nagsimula na kong gawin ang aking trabaho.

Ang galing niya noh? Binibigay niya pa lang sa'kin pagdating ko then hihingin niya ngayong 7:30.

Hay imbis na magreklamo, simulan ko na nga at ng matapos na.

****

Time check.

7:10

Habang gumagawa ako ng akong trabaho biglang may kumatok pagkatapos ay pumasok 'yung isa naming katulong, 'yung baguhan.

"Ma'am Zafirah, kakain na daw po."

"Um sabihin mo mauna na sila dahil may tinatapos pa ko," wika ko habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa laptop screen.

"Sige po," aniya pagkatapos ay umalis na siya habang ako nagpatuloy sa aking ginagawa.

Mga hindi pa nagtatagal ay may kumatok ulit.

"Sabihin mo na lang kasi na mauna na sila," pasigaw kong wika dahil alam kong 'yung katulong lang naman 'yun eh then the next thing I knew bumukas 'yung pintuan . . .

"Sasabay ka sa aming kumain," maawtoridad niyang utos. Kung makapagsalita siya parang hari.

"Pero pa, tinatapos ko nga 'tong trabaho ko."

"Wala akong pakielam. Now sumabay ka sa amin dahil ikaw lang ang wala dun."

"Sus as if naman may pakielam kayo sa'kin," bulong ko sa sarili ko.

"Isa. Dalawa. Tatlo." Mariin niyang bilang.

"Pa, tinatapos ko nga 'tong pinapagawa n'yo, look malapit ng mag 7:30."

"Kung sana umuwi ka ng maaga sana tapos na 'yan." Di na lang ako nagsalita kahit gusto kong sumagot pa habang umalis na rin s'ya.

Nang pagkaalis n'ya napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy 'yung ginagawa ko.

Ano ba namang buhay 'to?

Sobrang malas ko naman ata sa buhay na napunta sa akin.

Xander's POV

Nandito ko ngayon sa kwarto ko at kanina pa naglalaro sa aking isipan ang nangyari kanina.

Naalala ko kasi 'yung babaeng nakabangga ko kanina. Ewan I find her cute naman pero remember she's not my TYPE. Napakalayo niya sa ideal girl.

Di ko namalayan nakangiti na pala ko dahil sa naalala ko.

Ano kayang pangalan nung babeng 'yun?

Bigla na lang sumagi sa isipan ko ang napulot kong bracelet na nahulog niya kanina. Kinuha ko ito dun sa bulsa ko at tiningnan ng maigi. Maganda itong bracelet at halatang mamahalin pero hindi ang desenyo nito ang nakakuha ng atensyon ko kundi ang nakaengrave sa bracelet na ito.

ZAFIRAH iyon ang nakasulat.

Mas lalo akong napangiti.

Hmm ngayon alam ko na ang pangalan mo, Ms. Drools.

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now