MUL 39

1.1K 26 3
                                    

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa bumalik na nga sa akin si Sophie.

Nalilito ako sa nararamdaman ko ngayon.

Ito naman talaga ang gusto ko dati pa pero bakit parang may mali?

Kasalukuyang kasama ko ngayon si Zafirah.
Hindi niya pa rin alam na ok na kami ni Sophie nung isang araw pa.

Di ko maintindihan pero ayaw kong sabihin sa kanya ang totoo.

“Alam mo kahapon pa kita napapansin. Ba’t ba ang tahimik mo masyado?”

“Huh! Ah wala lang ‘to.”

“Sigurado ka?” tanong nito kaya naman tumango na lamang ako.

“Ok,” nakangiting saad nito.

Mamimiss ko ang mga ngiti niyang ‘yan.

Pwede kayang magkasama kami ulit pagnalaman na niya na ok na kami ni Sophie?

Zafirah’s POV
Nasa meteor garden kami ngayon ni Kirsten dahil sa vacant naman namin.

“Pakiramdam ko may mali kay Xander eh.”

“Huh? Paano mo naman nasabi?”

“Ang weird niya eh, kahapon pa. Parang hindi siya si Xander.”

“Baka naman may problema ‘yung tao.”

“Hindi ko alam.”

“Hindi mo man lang tinanong?” tanong nito kaya naman napailing na lamang ako.

“Bakit?”

“Hindi ko alam pero pakiramdam ko ayokong marinig kung ano man ang bumabagabag sa kanya.”

“Hala.  Bakit naman?” tanong nito at nagkibit balikat na lamang ako.

Masama talaga ang kutob ko sa araw na ‘to eh.

Hindi ko maintindihan.

“Ah oo nga pala Zafirah mauna na ko kasi may ipapaxerox pa pala ako eh.”

“Sige. Bye Kirsten,” saad ko at nagwave siya ng goodbye tapos ay umalis na.

Kinuha ko na lang ‘yung cellphone ko at nagbasa sa wattpad.

***
Nang nabore na ako sa pagbabasa ay napagdesisyunan kong umalis na nga.

Naglalakad ako ng may marinig akong pamilyar na boses  sa tagong lugar sa meteor garden kaya agad naman akong sumilip.

“Hindi ko pa talagang kayang sabihin ngayon. Bigyan mo lang ako ng sapat na oras at sasabihin ko rin kay Zafirah.”

“Pero kailan?”

“Hindi ko rin alam.”

“Ano ang sasabihin sa akin?” tanong ko kaya agad naman sa akin napatingin sila Xander at Sophie.

“Alam ko na na fake girlfriend ka lang ni Xander. That nagpanggap lang kayo to make me jealous,” nakangiting  sabi  nito sa akin tapos hinawakan ang kamay ni Xander.

“I wanna say thank you dahil pumayag ka at tinulungan mo si Xander.”

“O-ok lang,” nauutal kong saad at alam kong nagtutubig na ang mata ko.

“Sige. U-una na k-ko,” sabi  ko at tumalikod na nga sa kanila.

“Zafirah,” tawag niya dahilan para mapatigil ako sa paglalakad pero nakatalikod pa rin sa kanila.

“Ingat ka,” saad nito kaya naman tinaas ko na lang ng kaunti ang kanang kamay ko at nagppatuloy na sa paglalakad.

Ano bang nangyayari sa akin?

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now