MUL 30

1.2K 33 4
                                    

Zafirah's POV

 Magkasama kami ngayon ni Kirsten at nandito kami sa meteor garden kung tatawagin tumatambay.

"Napapansin ko parang iniiwasan mo si Xander. Bakit?"

"May hindi lang kami pagkakaunawaan."

"Kung ano man 'yun. Ayusin niyo na bago pa lumaki ang away niyo."

"Di ko naman kasalanan eh."

"Kahit na. Go and tell your sorry.  Ikaw  din. Baka magsisi ka at di ka humingi ng sorry."

Xander's POV

Kaasama ko ngayon ang mga barkada ko at nandito kami ngayon sa canteen at tumatambay.

"Bro, humingi ka na kasi ng tawad," pagpupumilit ni Felix.

"Ba't ako hihingi ng tawad? Nagoverreact lang naman 'yung babaeng 'yun eh."

"Bakit? Hindi ka ba nag-over react?" tanong ni Leo dahilan upang hindi ako makasagot.

"See. Kaya kung ako sa'yo makipag-ayos ka na," dagdag pa nito.

"Sige," sabi ko at tumayo na nga ako at umalis roon.

Hinahanap hanap ko si Zafirah para humingi ng tawad only to find out kasama pala niya 'yung George not only  that they really look so  happy.

Gustong gusto ko ng humingi ng tawad para magkabati na kami pero nag-init na naman ang ulo ko ng makita ko siyang kasama ang lalakeng iyon.

Zafirah's POV

Magkasama kami ngayon ni George. I find him funny though sa una akala ko mayabang lang talaga siya.

Tumatawa ako pero napatingin ako sa gilid at dun ko nakita ang lalakeng nakatalikod at naglalakad palayo.

Parang si Xander ang lalakeng 'yun pero kung siya nga 'yun bakit di niya ko pinuntahan?

Galit kaya 'yun sa akin?

Di ba nga dapat ako ang magalit sa kanya?

Di man lang humingi ng tawad.

Paano ko siya patatawarin eh hindi man lang magparamdam?

Tss. Nakakainis.

"Zafirah, ok ka lang?"

"Ha?"

"Kanina pa kasi ako dito nagsasalita mukhang hindi ka naman nakikinig."

"Ah sorry."

"Iniisip mo si Xander noh?"

"Hindi ah."

"Huwag ka ng magdeny. Tsaka natural lang naman na isipin mo 'yun dahil boyfriend mo siya. Sandali. Di ko na ata kayo nakikitang magkasama. Bakit? Nag-away ba kayo?" tanong nito kaya naman napatango na lamang ako.

"Anong rason?"

"Pinapalayo niya kasi ko sa'yo."

"Ganun ba. Dapat siguro kausapin ko siya para magkabati na kayo."

"Naku! Huwag na. Hayaan mo siya."

"Sige sabi mo eh. Ano na pala 'yung pinag-uusapan natin?"

"Malay ko," sabi ko kaya naman nagtawanan na lamang kami.

Xander's POV

Kasama ko ngayon si Leo dito sa room.

"Suko ka na ganun?"

"Mukhang masaya naman siya sa George na 'yun eh."

"Looks like someone here is jealous."

"Hindi ako nagseselos."

"Ba't ganyan ka makareact?"

"Ayoko lang na magkaroon ng dahilan si Zafirah para hindi ipagpatuloy  ang pagpapanggap namin."

"Yan ba talaga ang dahilan? O baka naman dahil ayaw mong mawalan ng dahilan si Zafirah para makasama mo siya?" natahimik ako sa tanong niya.

Bakit kaya?

Sophie's POV

Nandito ko sa library ng biglang tumunog ang CP ko kaya naman kinuha ko na ito at sinagot ang tawag.

"Hello."

"Sigurado akong matutuwa ka ma'am Sophie sa balita ko."

"Ano ba 'yun George?"

"Magkaaway ngayon sila Zafirah at Xander."

"Nice job. Now. Kailangan mo na lang na paibigin si Zafirah."

"Madali lang gawin 'yan."

"Don't be too confident. Gawin mo muna bago ka magmalaki."

"Yeah yeah. Just make her fall in love with you period," sabi ko at binabaan na ito ng telepono.

Hindi mawala sa labi ko ang ngiti dahil sa nangyari.

Konting hintay na lang at babalik sa akin si Xander.

"Sino 'yung kausap mo? Tsaka sinong paiibigin?" napawi ang ngiti ko sa labi at tumingin kay kuya.

"Ah kablockmate ko, kuya. Humihingi kasi ng advice kung titigil na raw siya sa panliligaw kaya naman sinabi kong painlovin niya na lang ito."

"Sigurado ka?"

"Of course kuya," sabi ko habang si kuya naman ay patango tango na lang.

Zafirah's POV

Nandito na ko ngayon sa bahay. Sinalubong agad ako ni Chela.

"Ate, you have a gift."

"Sinong nagbigay?"

"Di ko alam. May delivery lang eh. Nilagay ko sa kwarto mo."

"Sige," sabi ko at tumaas na nga ako at nagtungo sa kwarto.

Na-amaze ako sa laki ng regalo sa ibabaw ng kama ko.

I wonder kung anong lagay nito.

Bubuksan ko na sana ito ng may makita akong card. Kinuha ko ito at binasa.

"To: My ever beautiful Zafirah. Ayan ah. Pinuri kita. Hindi ako nagsisinungaling. Totoo lahat ng sinasabi ko. Gusto ko lang sanang humingi ng tawad. Gagawin ko sana 'yun ng personal kaya lang may nangyari eh kaya di ko nagawa. Sana nga magawa mo na akong patawarin. At sana mapangiti ka ng munti kong regalo. From: Your most handsome, smart and great Xander."

"Hanggang sa sulat ang yabang pa rin," sabi ko tapos binuksan ang regalo.

Nakita ko ang isang napakalaking teddy bear.

Ang cute cute niya. Agad ko itong niyakap.

Tama ka Xander.

Napangiti nga ako ng teddy bear na ito.

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon