MUL 42

1.1K 27 3
                                    

Naalimpungatan ako kaya agad ko namang iminulat ang aking mga mata.

Sandali. Hindi ito ang kwarto ko ah.

Nasaan ba ako?

Anong ginagawa ko dito?

"You're in my condo pretty girl," napatingin naman ako sa nagsalita at dun ko nakita si Carlos, one of my kuya's friend.

"Anong ginagawa ko dito?" 

"Don't tell me may ginawa ka sa akin?" tanong ko habang niyayakap pa ang sarili ko.

"Huwag kang assuming Zafirah. Dinala lang kita dito dahil nakita kita kagabi dun sa bar ko. Lasing na lasing ka kaya naman naisipan ko na lang nadalhin ka dito sa condo ko kesa sa mansyon niyo at baka makita ka pa ng papa mo."

"Ganun ba. Salamat ah," saad ko at sinubukang tumayo na nga ngunit muntikan pa akong matumba buti na lang nasalo ako nito ni Carlos.

"Huwag mo muna kasing pilitin ang sarili mo. Sa rami ba naman kasi ng nainom mo kagabi ay talagang magkakaroon ka niyan ng hangover," saad nito kaya naman bumalik na lang ako sa kama.

Lumabas siya ng kwarto at maya maya pa ay pumasok muli siya na may dala dala na ng soup.

"Mainam 'to sa may hangover," saad nito at nilapag na 'yung pagkain sa mesa.

Kumakain ako ng bigla itong magsalita.

"Ganun mo ba ka-mahal 'yung Xander?"

"Huh?"

"Di ba siya 'yung dahilan kung bakit ka uminom kagabi?"

"Paano mo nalaman?"

"Siya lang 'yung bukang bibig mo kagabi eh."

"Ah oo."

"Aray ah. Hindi mo man lang tinanggi. HIndi mo ba alam na crush kita?" aniya kaya agad naman akong napatingin sa kanya na nanlaki ang mga mata.

"Anong ekspresyon 'yan? I know na mahirap paniwalaan dahil sa isang katulad ko ang may crush sa kapatid ng kabarkada ko."

"Yabang," saad ko kaya naman napachuckle na lang  ito.

"Pero alam mo first time kasing may nagsabi sa akin na crush ako kaya naman shock talaga ako. At talagang 'yung crush ko rin ang nagsabi pa nun sa akin," nahihiyang saad ko sa huling sentence.

Sa totoo lang crush ko talaga siya.

Wala akong magagawa eh. Gwapo 'tong si Carlos.

"Talaga? Crush mo rin ako?" tanong nito kaya naman napatango na lamang ako kahit nahihiya pa.

"Ang cute cute mo," saad nito habang pinipisil pisil pa ang pisngi ko.

"Ouch," saad ko kaya naman tumigil na siya.

"Hoy huwag lalaki ang ulo mo Carlos. Crush ko lang 'yang physical appearance mo no more no less."

"Huwag kang mag-alala crush."

****
Nakauwi na nga ako dito sa bahay buti na lang talaga at wala akong pasok ngayon na umaga.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos dahil maya maya ay papasok na ako sa school ay biglang may kumatok sa pintuan ng aking silid.

"Pasok."

"Ma'am Zafirah pinapapunta po kayo ni sir Antonio sa kanyang opisina."

"Sige," nakangiti kong  saad kaya naman umalis na ito.

Nakakasiguro akong dahil 'to kagabi kaya niya ako pinapapunta.

Nagbuntong hininga ako at nagtungo na nga sa opisina ni papa.

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now