MUL 38

1K 23 0
                                    

Sophie's POV

Nasa cafeteria kami ni Patrisha at kasalukuyang kumakain ng snacks.

"Ano pa bang dapat kong gawin para bumalik sa akin si Xander. Tell me Pat dahil pagod na ako. Pagod na akong gumawa ng move at mag-isip pero wala namang nangyayari."

"Pwes kung pagod ka na girl then stop. Alam mo namang suportado ako sa kahit anong plano mo pero kung tutuusin naman talaga ay ikaw rin naman ang dahilan kung bakit wala sa'yo si Xander ngayon but it is still your decision and I'll support you no matter what."

"Pero kasi mahal ko siya at di ko kakayanin na mawala siya sa buhay ko. Hindi ko kaya."

"Ang tanong. Mahal ka rin ba niya?" tanong niya dahilan upang matigilan ako.

"Sa totoo lang Sophie nakakaawa ka na kasi eh. Nagmumukhang desperada ka sa pagmamahal sa'yo ni Xander. Hindi ikaw 'to Sophie. Oo nga't lumaki ka na nakukuha mo ang gusto mo. Na iniisip mo ang sarili mo pero not to the point na mananakit ka ng tao."

"Do you think kailangan ko na talagang tigilan 'to?" tanong ko kaya naman tumango na lamang ako.

"Ok. I finally made a decision and I hope I don't regret it."

"No matter what it is just remember I will never leave your side."

"Thank you."

Xander's POV
Magkasama kami ngayon ni Leo at nandito kami sa mini garden ng TU.

"Aminin mo nga. May gusto ka na ba kay Zafirah?"

"P-paano mo naman nasabi?"

"Nababasa ko lang sa kilos mo these past few days."

"W-wala."

"Ba't nauutal ka?"

"Basta. Wala a-akong gusto sa babaeng y-yun."

"Alam mo kasi lalake  rin ako Xander at dama ko kung may gusto ang kapwa ko lalake sa isang babae."

"Fine. May gusto na nga ako sa kanya. Basta ipangako mong walang makakaalam lalong lalo na si Zafirah."

"Paano si Sophie? Wala ka na bang nararamdaman sa kanya?" sumeryoso bigla ang mukha ko ng marinig ko ang tanong niya.

"H-hindi ko alam."

"Ganito lang 'yan. Iniisip mo pa rin ba siya tulad ng dati? Nag-aalala ka pa rin ba sa kanya tulad ng dati? Hinahanap hanap mo pa rin ba siya? Sobrang saya ba ang nadarama mo kapag kasama mo siya?"

Bakit parang lahat hindi ata ang sagot ko?

Ni di ko nga siya naiisip man lang sa nakaraang araw.

Nag-aalala pa rin naman ako sa kanya pero hindi na tulad ng dati.

Hindi ko na rin siya hinahanap.

At hindi na ganun kasaya ang puso ko kapag kasama ko siya.

Ngayon malinaw na ang lahat si Zafirah na nga tlaga ang mahal ko.

"Ano? Nakalimutan mo na ba talaga ang totoong dahilan kung bakit mo pinagpanggap si Zafirah na nobya mo? Na kaya mo siya ginawa na fake girlfriend ay para balikan ka ni Sophie."

"Did I hear that right?"

"S-sophie."

"Oh gosh!" saad nito at niyakap ako bigla.

"Ehem. Una na pala ako," sabi ni Leo at umalis na tapos ay kumalas na rin si Sophie sa yakap.

"I knew it. Imposibleng magkagusto ka sa Zafirah na 'yun. I didn't know na kaya mo pala siya gianawang girlfriend oh let me rephrase that kaya mo pala siya ginawang fake girlfriend ay dahil gusto mo kong bumalik sa'yo. Ngayon nandito na ako at pwede na tayong magsama ulit. Alam mo bang maggigive up na sana ako pero buti na lang narinig ko 'yung pag-uusap niyo ni Leo."

"May sasabihin ako  sa'yo Xander. 'Yung dahilan kung bakit iniwan kita."

Bakit nga ba?

Sophie's POV

"Hindi ko naman talaga intensyon na iwan ka eh pero kasi may nangyari kasi sa akin."

Nagjojogging lang kami ni kuya pero biglang sumama ang pakiramdam ko at nagdilim ang paningin ko.

"Sophie. Sophie. Anong nangyayari sa'yo?" rinig kong tanong ni kuya pero di ko nagawang sumagot dahil hindi ko talaga kaya.

Nagising na lang ako at lahat puti ang nakikita ko.

"Kumusta na po siya doc?" tanong ni kuya sa doctor at dun lang nagregister sa akin na nasa hospital ako.

"She has a blood cancer o kung tatawagin ay leukemia."

"Yun ho ba 'yung dahilan para manghina siya at may pasa pasa."

"Oo. Pwede pa naman itong maagapan pero mas makakabuti kung sa ibang bansa siya magpapagamot."

"Sige ho salamat doc," sabi ni kuya at umalis na nga ang doctor.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Ayoko pang mamatay kuya. Ayokong iwan si Xander."

"Hindi ka mamatay. Pupunta ka sa ibang bansa para magpagamot."

"Si mommy nasaan?"

"Nasa clinic si mommy. Pupuntahan ka na lang raw niya."

"Ok."

"Aayusin natin agad ang pagpunta mo sa america."

"Pero ayokong iwan si Xander."

"Anong pipiliin mo? Ang mamatay o pumunta sa America."

"At ayun nga. Pumunta ako ng America para magpagamot."

"Ba't hindi mo sinabi sa akin?"

"Dahil ayokong malungkot ka at ayokong kaawaan mo ako."

"Pero may karapatan akong malaman. Ano? Ok ka na ngayon?"

"Nakasurvive naman ako sa operasyon although kailangan kong magpatingin dun every 5 months at inumin ang mga pinapainum sa akin mga gamot. Ang mahalaga ngayon ay magkasama naman na tayo," sabi ko at niyakap siya ulit.

Ang saya saya ko talaga ngayong araw na 'to.

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now