MUL 44

1.1K 27 3
                                    

Zafirah’s POV

Nandito ako ngayon sa labas ng infirmary.

Kalalabas ko lang kasi rito dahil sa natulog ako. Ewan ko ba pero this past few days ay madalas akong antukin talaga. Isa pang dahilan ko ay mabuti pa dito tahimik.

Simula kasi ng malaman ng iba na kapatid ako ni Albert o sabihin na nating kapamilya ang may-ari ng unibersidad na ito ay nag-iba na ang tingin nila sa akin.

May mga nakikipagkaibigan na rin sa akin.

Kung hindi naman nila nalaman eh hindi naman nila ‘yun gagawin.

Tss. Mga plastic. Kaya ayokong malaman ng iba eh dahil ganito ang mangyayari.

Gusto lang nila akong maging kaibigan dahil sa pangalang dala ko.

May iba rin naman na kung ichismis nila ako ay daig pa nila ako para malaman ang buhay ko.

“Alam ko kung bakit itinago ni Zafirah na related siya sa mga Tan.”

“Bakit?”

“Syempre dahil ampon siya. Ikinahihiya niya ang sarili niya dahil hindi naman talaga siya tunay na bahagi ng pamilyang ‘yun.”

Isa lamang ‘yun sa mga narinig kong chismis tungkol sa akin.

Kung may lakas lang sana ako ng loob ay pinuntahan ko na ‘yung babaeng ‘yun at sinabihan na, ‘Buti ka pa alam mo na  ampon ako samantalang ako hindi ko alam ‘yan.’

“Oh Zafirah.”

“Bryan, ikaw pala. Kumusta?”

“Ok lang naman. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?”

“Natulog lang.”

“Vacant mo?” tanong nito kaya naman tumango na lang ako.

Nagsimula na rin pala kaming maglakad.

“Kumusta ka na?” tanong ulit nito.

“Ito. Buhay pa rin naman.”

“May klase ka pa?”

“Mamaya  pa namang 1:30 ang  sunod kong klase.”

“Halika,” saad nito at hinawakan ang kamay ko at akmang hihilahin na ako.

“Sandali. Saan mo ko dadalhin?”

“It’s for me to keep and for you to find out,” sipi nito at tuluyan na nga akong hinatak.

****

“Amusement park!” gulat kong saad rito ng makarating na kami rito.

“They said this place can erase sadness in our hearts and I really do believe about that,” sabi nito habang nakatingin sa akin.

“Saan mo gustong sumakay?” tanong nito habang nakatingin na sa mga rides dito sa amusment park.

“Gusto kong simulan sa haunted house.”

“Woah! Ikaw ang unang babaeng nakasama ko sa amusement park na gusto kong pumasok sa haunted house,” manghang saad nito kaya naman nagkibit balikat na lamang ako habang nakangiti.

Masaya ang pagpasok namin ni Bryan sa haunted house. May mga pagkakataong nagugulat ako pero ni hindi man lang natakot sapagka’t alam ko naman na tao lang naman ang mga aswang roon eh.

“Kakaiba ka talaga Zafirah. Rinig na rinig ko roon sa loob ang mga tili ng mga kasama nating babae pero ikaw ni hindi ka man lang tumili.”

“Well,” nakangiti kong saad habang nagkibit balikat na naman.

“Saan tayo susunod na sasakay?” tanong nito.

“Anchor’s away?”

“Sure.”

Sumakay na nga kami sa anchor’s away. After that nagpahinga muna kami ng ilang minuto tapos ay kumain na nga kami ng lunch.

“Malakas ka naman palang kumain, ba’t hindi ka tumataba?” tanong nito sa akin.

Pangalawang rice ko na kasi eto. Ewan ko ba pero simula nung nagkabalikan sila Xander at Sophie ay ito ang unang pagkain ko ng husto. These past few weeks kasi wala akong ganang kumain. Minsan hindi ako kumakain pero kadalasan kumain  man ako hindi ganun karami. Tama lang na malagyan ng pagkain ang tiyan ko.

“I don’t know. Maybe metabolism?”

“Basta kumain ka lang ng kumain dahil napansin ko these past few weeks nangangayat ‘yan na pisngi mo.”

“Grabe ka naman,” nakapout kong saad.

“Just stating the fact,” sabi nito kaya naman mas lalo akong nagpout.

Narinig ko naman siyang nagchuckle kaya naman napangiti na lamang ako.

Pagkatapos naming kumain ay sumakay pa kami ng ilang rides.

Katatapos lang naming sumakay sa mga rides at kasalukuyang nakaupo kami ngayon.

“Salamat Bryan ah. Ang saya talaga kahit konting sandali ay nakalimutan ko na malungkot ako.”

“Walang anuman.  Basta para sa babaeng bigla bigla na lang akong hinila at napagkamalan akong ‘yung bestfriend niya.”

“Naalala mo pa talaga ‘yun?”

“Ba’t ko naman kakalimutan ang araw na nakilala kita?” tanong nito kaya  naman ngiti na lang ang ginanti ko sa kanya.

“Um Zafirah. . .”

“Hmm?”

“Zafirah ano kasi. . . Um Zafirah ma--- “ hindi natapos ni Bryan ang sasabihin niya dahil biglang tumunog ang phone ko.

Me: Hello.

Kirsten: Zafirah nasaan ka na ba? Magtatime na kaya.

Shoot

Kirsten: Ano?

Me: Wala. Sige sige. Papunta na ako diyan.

Then binaba ko na ang cellphone ko.

“Pasensya ka na talaga Bryan ah kaya lang kailangan na nating bumalik ng campus dahil time na namin.”

“Sige. No problem.”

Bryan’s POV
Nang makarating na nga kami ni Zafirah sa university ay nagmadali itong umalis.

Sasabihin ko na sana kay Zafirah kanina ang nararamdaman ko pero hindi natuloy dahil biglang may tumawag sa kanya.

Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niya.

Sabagay kasi ayaw ko ng makadagdag  pa sa iisipin ni Zafirah.

Darating rin ang araw na malalaman niya ang totoo kong nararamdaman.

Xander’s POV
Nakita ko kanina na magkasama sila Bryan at Zafirah.

Halatang masaya si Zafirah na kasama si Bryan.

Alam ko kung ano itong nararamdaman ko.

Selos ang tawag rito.

Masakit makita na ang taong mahal mo ay napapangiti ng ibang lalake pero  mas masakit pala na tanggap mo sa sarili mong mahal mo siya pero wala man lang akong magawa para mapasaya siya.

“Xander ok ka lang?” tanong sa akin ni Sophie.

“Huh? Ah oo.”

“Sigurado ka?” tanong muli nito kaya naman tinanguan ko na lamang siya.

“Manood tayo ng movie mamaya.”

“Pasensya ka na Sophie ah pero may gagawin kasi ako mamaya.”

“Ganun ba,” malungkot na saad nito.

“May susunod pa naman,” saad nito pero nakangiti na.

I’m so sorry Sophie hindi ko gustong tanggihan ka at saktan ka.

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now