MUL 56

1K 31 3
                                    

Matapos ang sembreak namin ay balik pasukan na naman ngayong second semester.

Papunta na ako sa una kong classroom ng makasalubong ko si Xander.

Nagkatinginan lang kami nito ngunit agad niya namang binawi ang tingin niya at nilampasan na nga ako.

Nang makapasok ako sa room ay agad naman akong sinalubong ni Kirsten.

"Hanggang ngayon sila Xander pa rin at Sophie?" mahing tanong nito sa akin ng makaupo na kami.

"Oo. Bakit?"

"Hinatid kasi ni Xander si Sophie dito sa classroom. Ewan ko ba pero sa tingin ko mas bagay kayo ni Xander."

"Hindi naman 'yun ang basehan para magkaroon na ng relasyon ang dalawang tao."

"Sabagay."

***
Nakapila na ako ngayon dahil bibili na ako ng lunch.

“Anong gusto mong ulam?” tanong nito sa kasama niyang babae.

“Pork chop na lang.”

“Ate dalawang pork chop at dalawang  iced tea.”

“Hi Zafirah ikaw pala ‘yan,” bati sa akin ni Sophie ng mapansin ako.

“Hi,” sagot ko rin sa bati nito.

Ang swerte ko naman kasi na ang nasa unahan ko palang nakapila ay sila Xander at Sophie.

“Halika na,” napatingin kaming dalawa sa nagsalita tapos ay umalis na ito.

“Sige Zafirah ah. Una na kami.”

“Sige,” saad ko at umalis na nga sila.

“Hoy Zafirah ikaw na.”

“Ay,” saad ko at umorder na nga.

Nang makuha na namin ni Kirsten ‘yung pagkain ay agad kaming pumunta dun sa table kung saan namin iniwan ang gamit namin.

Sobrang swerte ko kasi talaga ngayon  na araw dahil nasa katabi lang naming table ‘yung dalawa.

Agad akong umupo sa kung saan ay nakatalikod  ako sa kanila para hindi ko sila makita.

“Ay Zafirah hindi pala tayo nakahiram ng ketsup.”

“Sige. Ako na hihiram,” saad ko at ng makatayo na ako ay nakabangga ko pa si Xander nang makaikot  na ako dahil sisimulan ko sana ang paglakad.

“Sorry,”sipi nito ng hindi nakatingin sa akinpagkatapos ay umalis.

Bakit ganun?

Ako naman ang nagtulak sa kanya pabalik kay Sophie pero bakit nasasaktan ako?

Ayoko na itrato niya ako na isang stranger pero ako naman ang may gusto nito.

Pwes panindigan ko na.

Agad kong hiniram yung ketsup at bumalik na nga ako sa mesa.

"Bakit pakiramdam ko may hindi ako alam?" tanong ni Kirsten kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Huh?"

"Yung kay Xander. May iba sa kanya."

"Ahh."

"Hindi naman kayo ganito dati kahit na hindi na kayo nagpapanggap," saad nito kaya agad na lamang akong tumingin ng pasimple kanila Sophie tapos bumalik ang tingin ko kay Kirsten.

"Nakipagbreak siya kay Sophie nang dahil sa akin. Mahal niya daw ako. Ako naman natuwa pero. . ." mahina kong saad.

"Pero?"

"Nagmakaawa sa akin si tita Rose na ibalik ko raw si Xander kay Sophie dahil  sa mas  kailangan raw siya nito."

"Aba naman 'yang nanay naman ni Sophie masyadong pakielamera."

"Sshhh," loud pa naman ang bunganga ng babaeng 'to.

"Hindi mo naman siya masisisi. 'Yun na lang magagawa niya para sa anak niya."

"Pero dapat tiningnan niya naman 'yung side niyo hindi lang puro kay Sophie. Hindi porke't anak niya 'yun na agad ang papaburan. At ikaw naman 'tong si tanga pumayag. May choice ka rin naman ah. Naku! Kung nalaman 'to ni Janina siguradong batok aabutin mo dun."

Tama may choice nga ako at pinili ko 'to.

Sophie's POV
Naglalakad kami ngayon ni Xander papunta sa bahay.

"Ang saya siguro na magrapelling pero takot akong itry eh," saad ko at agad akong tumigil sa paglalakad at humarap kay Xander.

"'Kasama nga kita Xander pero lumilipad naman 'yan na isip mo."

"Anong gusto mong gawin ko? Mahalin ka ulit. Sorry na lang hindi ko kayang gawin. Makuntento ka na lang na kasama mo ko. Ginagawa ko naman ang responsibilidad ko bilang boyfriend mo. Kaya halika na at malapit na ang bahay mo," saad nito dahilan upang maglakad kaming muli.

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto ko at humiga.

Simula nung bumalik sa akin si Xander pagkatapos ng pakikipagbreak niya sa akin ay nag-iba na siya.

Hindi na siya 'yung dating Xander na kilala at nakakasama ko. 'Yung Xander na minahal ko.

Dati hindi niya hinahayaan na masaktan ako at magtampo sa kanya.

Naalala ko pa noon na nagtampo ako sa kanya dahil sa sinabihan niya ako ng pumapanget at tumataba ako pero siya ay bigla na lamang akong niyakap galing sa likuran at sinabing hindi naman daw totoo 'yun at kung sakali mang totoo 'yun mamahalin niya pa rin ako.

Pero ano ang nangyari ngayon?

Hindi naman ako pumanget at tumaba pero hindi na niya ako mahal.

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now