MUL 25

1.2K 31 1
                                    

Free time ko ngayon pero wala akong kasama kasi mayroon pang klase si Kirsten ganun rin si Janina, sila Marc naman hindi pa rin umuuwi dahil dun sa painting contest kaya eto nakaupo lang ako at nagbabasa ng libro.

"Kumusta?" napatigil ako sa pagbabasa at tumingin rito.

"Ok lang. Ikaw kumusta ka naman?"

"Ok rin naman. Um matagal tagal na rin nung huli nating pag-uusap ng  ganito."

"Tama ka. Buti nga at free ka ngayon."

"Oo nga eh. Nasaan pala si Xander?"

"Naku nagkasakit. Parang di pa 'yun papasok ngayon."

"Nakita ko siya kanina dito."

"Talaga? 'Yung lalakeng 'yun  talaga. Masyadong pasaway. Sinabi ng huwag munang papasok ngayon eh."

"Kilala ko 'yan si Xander. Kahit 'yan ganyan, alam niya ang responsibilidad niya sa pag-aaral."

"Halata ngang kilalang kilala mo siya. Tanong ko lang. Ba't parang malaki ang galit sa'yo ni Xander eh mukhang magkaibigan naman kayo dati?"

"Nagalit siya sa akin ng ilayo ko sa kanya si Sophie. Ilang beses na rin niya ko tinanong kung nasaan ang kapatid ko pero wala siyang nakuhang sagot sa akin. May dahilan si Sophie kung bakit siya umalis at ayaw niyang malaman iyon ng iba lalong lalo na si Xander kaya pinakiusapan niya akong wag sasabihin kung nasaan siya. Sa oras na malaman 'yun ni Xander ay alam kong susundan niya si Sophie."

"Kaya pala nagalit sa'yo si Xander."

"Sige, mauna na ko at mukhang may naghihintay na sa'yo," sabi nito tapos ginulo ang buhok ko at umalis na.

Ano raw?

May naghihintay sa akin?

Pagtingin ko sa gilid ay nakita ko si Xander na nakatingin sa akin kaya tumayo na ako at pupuntahan siya.

"Aishh. Ang kulit mo talaga. Sinabi ng huwag mong kakausapin 'yung lalakeng 'yun noh. May pagulo gulo pa ng buhok."

"Eh hindi nga naman pwede 'yun kasi kaibigan ko siya. Sandali nga ba't ba ako 'tong pinapagalitan mo? Di ba sabi ko huwag ka munang pumasok ngayon. Ang kulit mo rin noh."

"Ok naman na ko tsaka sayang naman ang isang araw kung wala akong matutunan di ba?"

"Sabagay. Ano saan ka pupunta?"

"Nagugutom ako. Kain tayo. Ilibre mo ko ah."

"Sinong may sabing ililibre kita ah. KKB na lang kaya."

"Yaman yaman napakakuripot."

"Mahirap kumita ng pera kaya 'wag kang aasang ililibre kita."

"Oo na, oo na. Ako na maglilibre sa'yo."

"Mabuti ang ganyang deal."

"Halika na nga at baka magbago ang isip ko," sabi nito kaya nagsimula na kaming maglakad

Bryan's POV

Nakikita ko sila Xander at Zafirah na magkasama nakikita ko kung gaano sila kabagay.

Tama ang desisyon ko na huwag tulungan si Sophie.

Masyadong desperada si Sophie para mapasakanya muli si Xander at pagnangyari 'yun si Zafirah ang pinakawawa sa huli.

Hindi ko maaatim na masaktan si Zafirah.

Oo, mahal ko na si Zafirah pero huwag kayong mag-alala dahil wala akong balak agawin si Zafirah kay Xander.

Basta masaya si Zafirah, masaya na rin ako.

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now