MUL 10

1.8K 40 4
                                    

AUTHOR'S NOTE

AS A SORT OF THANKSGIVING FOR MAKING ME THE BC OF THIS STORY. i DEDICATE THIS CHAPTER TO HER.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ikaw!" gulat kong sabi habang nakaturo pa sa kanya.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Xander.

"Oo. Sa katunayan blockmate kami. Hindi ko nga alam na magkakilala rin pala kayo Xander,” sabi naman nung nakalimutan ko 'yung pangalan niya eh pero kilala ko siya sa mukha.

“Um tutal magkakilala naman na kayo pwede bang hindi ko muna kayo ipakilala sa isa’t isa?” tanong ni Xander

“Actually Xander kilala ko lang siya sa mukha eh. Hindi sa pangalan,” sagot ko sa kanya.

“Ganun ba. Sige, Sophie  siya nga pala si Zafirah girl friend ko at Zafirah siya naman si Sophie. High  school friend ko," pagpapakilala ni Xander sa aming dalawa.

Wait. Ano daw?

'Yung Zafirah girl friend niya at ako high school friend niya.

Di man lang sinabi na ex ko at tanggap ko naman eh dahil 'yun 'yung totoo pero high school friend talaga.

“Nice meeting you Sophie” nakangiting sabi nung Zafirah at nilahad pa 'yung kamay for shake hands ako naman tiningnan ko lang ang kamay niya ng ilang segundo tapos bumalik 'yung tingin ko sa mukha niya at ngumiti rin ako sa kanya then tinanggap ko 'yung kamay niya.

“Nice meeting you too,” sabi ko at binitawan na namin 'yung kamay ng isa’t isa.

“Um  sige Sophie may sasabihin ka pa ba?” tanong sa akin ni Xander.

“Ah wala na."

“Sigurado ka?" tanong ulit nito sa akin.

"Oo,"sagot ko sabay ngiti ng peke.

"Kung ganun aalis na kami ni Zafirah. Ihahatid ko pa kasi siya eh," pagpapaalam niya sa akin.

"Sige. Ingat kayo ha," sabi ko tapos nginitian lang ako nito at nagsimula na silang umalis.

Ba't ganun? Ang sakit isipin na ganun niya na lang ako kadaling ipagpalit.
Ilang buwan ko pa lang siyang iniwan may nahanap agad siyang pampalit sa akin.

"Hey ani Patrisha sabay tapik sa aking balikat.

"Ano ba? Ba't ka ba nanggugulat Patrisha?"

"Hindi ako nanggugulat. Sadyang malalim lang ang iniisip mo kaya  ka nagulat," sabi nito pero hindi na lang ako umimik.

"So kumusta?"

"Ang alin?"

"Duh. 'Yung pag-uusap niyo ni Xander," sabi nito  at lalo akong nanlumo.

"Ano ba? I'm asking you Sophie Alvarez."

"Wala na ok," nainis kong wika.

"Bakit ka nagagalit?" 

"Wala ng pag-asa. May girlfriend na siya."

"Ano naman ngayon? Balik ka naman diyan sa pagsuko mo eh. Akala ko ba ang isang  Sophie Alvarez ay hindi tumitigil hangga't hindi niya nakukuha 'yung  gusto niya. Nagbalik ka para sa kanya dahil mahal mo siya at di dahil may girlfriend na siya at hindi ibigsabihin ay wala ka ng pag-asa. Mag-asawa nga naghihiwalay magnobya pa kaya," aniya that made me smile.

"Tama ka Patrisha. I get what I want and I want Xander back."

"That's the spirit Sophie."

"Yeah. He was mine before and he will be mine again," full of determination kong sabi.

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now