MUL 4

2K 45 9
                                    


Zafirah's POV
Lumipas ang tatlong araw simula ng first day at wala namang masyadong mahalagang nangyari sa akin dito sa university. Walang may pakielam sa'kin, buti nga 'yun dahil walang pakielamanan. Basta ba nabubuhay ako na wala akong pakielam sa iba. Sabi nga ni Janina ako ang klase ng taong walang pakielam sa mundo. True pero not all the times, minsan may pakielam naman ako pagconcern na siguro ang mga taong mahalaga sa'kin. Nandito lang ako sa gilid, nakaupo at kinuha 'yung ipod ko at nagbasa sa wattpad.

"Ano? Papalag ka pa?"

"Eh ikaw nga 'tong gago."

Rinig kong may nagsisigawan at alam kong nagsusuntukan na 'yung mga 'yun. Naghihiyawan pa nga at may crowd pa ata. Ramdam ko na nasa harapan ko lang sila nagsusuntukan pero I don't care basta ba huwag lang akong makadamay.

Habang nagbubugbugan sila ay nagbabasa pa rin ako at nasa magandang part na ako ng istorya dahil umamin na ang bidang lalake sa bidang babae ng biglang natabig nila ang ipod ko dahilan upang mahulog ito.

Pagtingin ko ang may kasalanan pala ay ang nagbubugbugan na mga 'to.

"Ah Ms. pasensya ka na ah," paghingi ng tawad nung isa habang ako ay pinulot ang nahulog kong ipod.

"Oo nga naman, Miss. Hindi naman ata nasira 'yang ipod mo eh."

"Hindi nga."

"Ok na pala tayo, Ms eh," saad nung pangalawang nagsalita at akmang aalis na sila nang magsalita ako.

"Sinong may sabi? Alam n'yo bang hindi ko kayo pinapakielaman kahit magbubugbugan pa kayo sa harapan ko pero sana huwag niyo naman akong idamay," mahina kong sabi sa kanila.

"Sorry, Ms. Hindi naman namin sinasadya."

"Ok," I said and shrug my shoulders then umalis na.

Ok lang naman talaga sa'kin, basta ba humingi ng tawad at ramdam kong sincere, 'yun lang 'yung importante. Hindi naman kasi ako 'yung tipong nagkikimkim ng galit dahil sa isang tao lang ako galit.

Naglalakad lang ako ng biglang may sumabay sa akin maglakad.

"Woah bilib na talaga ko na you don't care about the world. Kahit nagbubugbugan na sila sa harapan mo ni wala ka man lang pakielam."

"Kilala mo ko Marc at huwag ka ng magtaka."

"Hay naku Zafirah, tanong ko lang, are you living in a selfish world because it looks like you only care about yourself?" Sa tanong niyang 'yun dun ako napatigil at ganun rin siya.

Am I really that selfish?

"I don't know. Ang alam ko lang no one will care about me but me alone."

"It's not true. Maraming tao ang nagmamahal sa'yo."

"Who? Ikaw? Si Janina? Eh dadalawa lang kayo. My father is busy on his own schemes, my mother is busy being a martyr wife, my brother is busy on his mischievous play, and my sister is busy on being a brat. Grandmama is busy on entertaining her rich friends then granpapa is busy on his different businesses especially this university. Tell me, sino pang makakaalala sa'kin?" tanong ko kaya naman umiling na lang siya sa akin.

"Hay naku! Nakalimutan ko, emo ka pala," sabi nito then nauna nang naglakad.

Where does he think he's going?

"Hey! Wait up," tawag ko sa kanya pero hindi ata ako narinig o baka naman nagbibingibingihan lang siya.

Ayun nakita ko siya at bigla kong hinablot 'yung kamay niya para di na niya ko takasan.

Malungkot na nga akong walang kachika, tatakasan pa niya ko.

"Ah. . ."

"Pwede huwag ka munang magsalita. Mamaya na," wika ko habang hila-hila ko pa rin siya.

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now