MUL 27

1.2K 31 2
                                    

“Ang ganda ganda mo talaga Firah,” sabi sa akin ni Janina ng matapos na akong ayusan.

“Huwag mo nga akong bobolahin.”

“Ikaw feeling mo lagi akong nagsisinungaling sa’yo. Maganda ka naman talaga eh hindi nga lang lumilitaw at ngayon lumitaw siya dahil inayusan ka.”

“Ewan ko sa’yo.”

“Hayy naku. Ayan,” sabi nito tapos pinaharap ako sa salammin.

“Sino ang babaeng  ‘yan sa harap ng salamin?” tanong ko at binatukan lang ako nito.

“Syempre, ikaw. Nagtanong ka pa? Alangan namang si Zychela di ba.”

“Oh, ba’t nasama na naman ako?” tanong ni Chela.

“Ito kasing kapatid mo pakiramdam niya lagi ko siyang niloloko,” sabi ni Janina at nagdradrama pa kaya naman binatukan ko naman.

“Aray naman.”

“Ayan. Ang drama drama mo eh.  Di ka naman magiging artista.”

“Ouch naman, Firah. Ikaw pa na bestfriend ko ang hindi naniniwala sa kakayahan ko. Napakasakit Firah. Sobrang sakit.”

“Ewan ko sa’yo. Halika na nga Chela at  iwan na natin ang baliw na ‘yan dito,” sabi ko at lumabas na nga kami ni Chela.

“Hoy. Grabe naman kayo,” rinig kong tawag nito sa amin.

“Kakatawa talaga kayo ni Janina ate.”

***
Nasa simbahan na kami at kasalukuyang naghihintay sa lovers.

“Mika. Nice to see you again,” sabi ni Chela sa first cousin namin na si Mika.

“Nice to see you too Zychela. Ikaw rin Zafirah,” sabi nito kaya nagsmile na lang ako.

“Matagal tagal na rin ng huli nating pagkikita still maganda ka pa rin.”

“Ganun ka rin naman Zychela ah.”

“Syempre naman. Parehas ang lahing pinanggalingan natin eh. Lahi ng mga magaganda,” rinig kong sabi ni Chela.

"Hi, ate Firah,"

"Oh baby Hanna. Kumusta ka."

"I'm fine, ate."

"Hanna, halika na," tawag ni tita at pumunta na nga si Hanna dun. Ang cute talaga ng pinsan ko.

“Zafirah, nakita mo ang papa mo? Wala pa kasi siya rito eh.”

“Hindi ko ma nakita eh.”

“Ganun ba. Sige,” sabi ni mama at umalis na nga.

“Firah, nagugutom ako’t nauuhaw. “

“Anong gusto mong gawin ko?”

“Alis muna tayo. Bili tayo ng makakain, may fifteen minutes pa naman eh.”

“Sige na nga,” sabi ko at umalis na nga.

Tapos na kaming bumili ng pagkain ng may mahagip ang mata ko.

Si papa may kasamang babae at di ko kilala ang babaeng ‘yun. Hindi ako tanga para hindi malaman.

Simula pa lang nung bata pa ako ay isa na ‘yan sa pinagtatalunan nila papa. Akala ko tumigil na siya hindi pa rin pala.

Kahit kailan napakababaero talaga ng ama ko. Hindi ako nagtataka. Isa itong Casanova noon eh.

“Firah, halika na,” sabi ni Janina kaya naman tumango na lang ako at bumalik na nga kami sa church.

“Ayusin na ang formation,” sabi nung wedding coordinator.

“Xander!” gulat kong sabi nang makita ko si Xander.

“Hi my, dear partner.” Nakangiti niyang saad.

“Ibig mong sabihin ikaw ang escort ko?” mahina kong tanong sa kanya.

“Oo naman. Hind ka ba masaya at isang gwapong tulad ko ang partner mo.”

“Hayy bahala ka.”

***
Natapos na ang kasal at nandito na nga kami sda reception. Kasalukuyang ihahagis na ang bulalak ni ate Zy.

Wala akong nagawa dahil kailangan raw naroon din ako para sa paghagis.

Ayaw ko naman talagang makuha ‘yung bulaklak eh kaya lang sa akin talaga ito lumanding at dahil sa reflex ay sinalo ko ito.

Sa kasamaang palad ay si Xander naman ang nakakuha ng garter. Nagkatinginan kami at nginitian lamang ako nito.

At ayun nga ginawa na namin ‘yung dapat gawin.

Sa totoo lang masyado pa akong bata kasi di ba may kasabihan na kung sino ang makuha ng bulaklak at garter ay siyang sunod na ikakasal.

Hindi pa nga ako tapos sa first year college eh. Tsaka isa pa kasabihan lang ‘yun hindi naman totoo.

“Ang ganda mo ngayon ah,” sabi sa akin ni Xander. Magkatabi kasi kami ng upuan dahil nga sa partner ko siya.

“Ano naman ngayon?”

“Woah. Hindi man lang nagpahumble pa pero sabagay maganda ka naman talaga eh.”

Hindi ko alam pero bigla akong namula sa sinabi nito.

“Ganyan talaga kalakas ang kamandag ko at nagagawa kitang magblush.”

“Che,” sabi ko sabay irap rito pero ngumisi lamang ito.

 Sophie’s POV

Hindi ako makakapayag na patuloy maagaw sa akin ni Zafirah si Xander. Ayaw man akong tulungan ni kuya hindi ibigsabihin ay basta basta na lang ako susuko. Ako ata si Sophie Alvarez. Ang babaeng hindi pumapayag na malamangan ng kahit sino.

“Hello.”

“Hello rin po ma’am.”

“Ikaw ba si George Potalopez?”

“Ako nga po.”

“I need you to make a girl fall in love with you. Balita ko you are good at that.”

“Sure, ma’am. Sino po ba?”

“Her name was Zafirah Mae Tan. A first year college in T.U.  having a course of business administration.”

“Sure, ma’am. “

“Ipadala ko na lang sa’yo ang down payment.”

“Sure ma’am.”

“Good. Just make sure that you will make her fall in love with you,” sabi ko at  ibinaba ko na ang telepono.

Hinding hindi na ako papayag na  mawala sa akin si Xander. So Zafirah Mae Tan be prepared.

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now