MUL 53

1K 24 1
                                    

Bryan's POV
Dalawang araw na ng makalipas na malaman ko na nakipagbreak si Xander kay Sophie.

Gusto ko man magalit sa kanya at paulanan siya ng suntok dahil sa ginawa niya sa kapatid ko ay hindi ko magawa dahil tama naman ang ginawa niya.

Bakit siya magpapatuloy sa isang relasyon na siya mismo ay wala ng nararamdaman?

Hindi ko siya kayang sisihin kung nawala man ang pagmamahal niya kay Sophie.

Isa lang siya sa milyong tao na fall out of love.

Awang awa ako sa kapatid ko dahil sa loob ng dalawang araw na iyon ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang magkulong sa kanyang silid at umiyak.

Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya kay Xander ngunit hindi rin naman magwowork out kung isang  one sided love lang naman ang sa relasyon.

Kasalukuyang kumakatok ako ngayon dito sa pintuan ng kwarto ni Sophie.

"Sophie alam kong masakit 'yan na pinagdadaanan mo ngunit kailangan mong kumain. Dalawang araw ka ng hindi kumakain at lumalabas diyan. Please naman oh nag-aalala na ako sa'yo."

"Iwan mo na lang kasi ako kuya," rinig kong sigaw nito ngunit bakas pa rin sa boses nito ang pag-iyak.

"Anong nangyayari dito?"

"Mommy."

Sophie's POV
Agad akong napatingin sa pintuan ng marinig ko itong bumukas.

"Anong palabas 'to Sophie at ang sabi ni Bryan hindi ka raw kumakain sa loob  ng dalawang araw. Kung pwede ba tigilan mo na 'tong childish acts mo," nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi nito.

Agad akong tumayo para makaharap ko siya ng maayos.

"Palabas? Childish acts? Anong alam mo sa pinagdadaanan ko? Huwag mo kong pagsalitaan na alam mo bawat detalyo ng buhay  ko mommy. Kung childish lang 'to bakit kailangan kong masaktan? Wala kang alam kaya huwag mo kong pagsasabihan ng  ganyan."

"Ganyan ka na at sumasagot sagot ka na sa akin ganun. Anong pinagmamalaki mo Sophie?"

"Wala akong pinagmamalaki ang akin lang huwag mong kwestiyonin ang ginagawa ko dahil wala kang alam sa buhay ko. Wala ka namang ibang inatupag kundi trabaho mo. Pakikipagplastikan mo sa mga tao sa paligid mo. You're saying that a good mother well honestly you're not," saad ko rito kaya isang malutong na sampal ang natanggap ko mula rito.

Napangisi na lamang ako dahil sa ginawa nito.

"Diyan ka naman magaling eh. Ang saktan ako samantalang wala ka man lang ginawa para sa akin bukod sa pagbuhay mo sa akin. If you don't mind please LEAVE MY ROOM!" saad ko rito kaya naman wala na nga itong nagawa kundi umalis.

Nabuhay ako na kailangan ako ang nangunguna ngunit kailan pa nga ba ako nanguna?

Sa honor list?

Beauty pageants?

Quiz bees?

Contests?

Hindi naman mahalaga sa akin 'yun eh naging mahalaga lang sa akin dahil sa kaisipang  pagnanguan ako baka mapansin rin ako ng magulang ko.

Baka sakaling mabigyan din nila ako ng katiting na pagmamahal.

Kahit nung nadiagnose na may leukemia ako hindi ko pa rin naramdaman ang pagmamahal nila. Ang akala nila kaya ng pera sagutin ang lahat.

Pinadala ako ni mommy sa States dahil ayaw niya ng responsibilidad sa akin kaya kay daddy niya ako pinasa. Si daddy naman ipinasok ako  sa isang mamahaling hospital pero ni minsan hindi ko pa siya bumisita sa akin. Oo, lagi siyang may pinapadala sa aking mga regalo pero sapat ba 'yun para maramdaman ko ang presence niya?
Si mommy  naman isang beses lang isang buwan tumawag minsan nga nakakaligtaan niya pa.

Hindi ko naramdaman na mahal ako ng magulang ko.

Isang tao lang nagparamdam sa akin na mahalaga ako, na karapat dapat akong mahalin at 'yun si Xander.

Pero wala na eh pati siya nagsawang mahalin ako.

Ganun kaswerte ang buhay ko.

Rose's POV
Napaupo na lamang ako  sa isang upuan dahil sa narinig kong mga sagot ni Sophie.

Alam kong hindi ako naging perpektong ina ngunit ganun ba kalala ang naging pagtrato ko sa kanya para magkaganun siya?

Sabagay tama naman siya eh.

Ni hindi ko alam kung anong mga pinagdadaanan niya.

Ni wala akong kaide ideya na nasasaktan na pala ang anak ko.

"Nakipagbreak sa kanya si Xander."

Wala nga talaga akong alam sa nangyayari kay Sophie.

Ni hindi ko alam na may boyfriend pala ang anak ko.

"Xander? Di ba kaklase niya iyon nung highschool siya?" tanong ko rito dahilan upang mapatango  si Bryan.

"Opo mommy. Sa katunayan hindi lang basta kaklase. Naging boyfriend niya 'yun. Nung madiagnose na may leukemia siya ay nakipagbreak siya kay Xander ng makabalik siya dito sa Pilipinas ginawa niya lahat para bumalik sa kanya si Xander. Nagtagumpay naman siya dun pero hindi na niya muling nakuha ang pagmamahal nito kaya hiniwalayan siya nito ngayon," napaiyak na lamang ako dahil sa narinig ko.

"Bakit hindi ko ito alam?"

"Ni minsan hindi namin naramdaman na anak mo kami. Ako kinaya ko kayong intindihin pero si Sophie kahit matalino 'yun hindi niya kayang maintindihan. Pakiramdam nya wala kang pakielam sa kanya kaya minabuti niya na lang na huwag sabihin sa'yo."

"Bakit? May iba na bang mahal 'yung Xander?" tanong kong muli dahilan upang tumango ito.

"Sino?"

"Si Zafirah. Zafirah Mae Tan."

"Di ba 'yan 'yung anak ni Emilia?" tanong kong muli.

"Siya nga."

Zafirah's POV
Pupunta pa sana ako ng  kusina para kumuha ng maiinom kaya  lang nakita kong naroroon si mama kaya tumalikod na lamang ako para umalis.

"Zafirah," napatigil ako dahil sa pagtawag sa akin nito.

Narinig  ko ang yabag nito na papalapit.

"Zafirah alam kong dapat ako 'yung pinakaunang umintindi sa'yo dahil ako ang ina pero ako pa ang pinakaunang nanisi sa'yo. Alam kong kasalanan ko na araw araw  pinaparamdam ko sa'yo ang kasalanan  mo ng hindi man lang naisip kung bakit mo  'yun ginawa. Kung tutuusin ang kasalanan mo lang naman ay ang pagsagot ng pabalang kay Antonio pero hindi mo na kasalanan na inatake siya sa puso dahil hindi mo naman alam eh. Dahil sa gusto kong may masisi para mabawasan ang sakit pinili kong ikaw na lang ang sisihin ko."

"I'm so sorry Zafirah dahil napakawala kong kwentang ina sa'yo," dahil sa sinabi nito ay napagdesisyunan kong harapin na nga siya.

"Paano mo  nakakayang manatili sa tabi niya gayung puro sakit na lang ang binibigay niya sa'yo?"

"Mahal ko eh. Wala na kong magagawa. HIndi ko kayang iwan siya. Isa pa ayokong lumaki kayo na watak watak ang pamilya. Gusto kong maramdaman niyo na kumpleto tayo," napapikit na lamang ako dahil sa nagbabadyang mga luhang tutulo na naman.

"Patawarin mo rin ako ma dahil nagpadalos dalos ako," saad ko ng maibukas ko ng ang mga mata ko at dun ko naramdaman ang mahigpit niyang yakap.

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now