MUL 48

1K 30 0
                                    

Masyado akong nasaktan dahil sa mga salitang binitawan ni Marc kanina.

“Nahanap mo nga ba talaga ang sarili mo?” tanong niya dahilan upang mapatingin sa kanya ng diretso.

“Masaya ka nga ba talaga?” tanong nito pero hindi na naman ako nakasagot.

“Hindi mo nahanap kung sino ka. Gumagawa ka lang ng excuses para mapaniwala mo ang sarili mo na ito ka. Simula pa lang alam ko na punong puno ka ng maskara. Nagpapanggap. Itinatago kung sino ka talaga. Ngayon na sinasabi mo na nahanap mo na kung sino ka. Bumawa ba ang masakara Zafirah? O baka mas lalong dumagdag lang?”

“Kahit  kailan gusto mo sa damit totoo ganun rin sa relasyon. But why can’t you be true to yourself?”

“Remember who you are Zafirah. Remember,” saad niya at iniwan naman ako dito.

Tama naman talaga siya eh.

Dahil sa kagustuhan kong maging masaya nagsuot na naman ako ng maskara hindi ko na namalayang sobrang dami na palang maskara ang suot suot ko.

Sabi ko na nga eh hindi ko talaga kilala ang sarili ko.

Ni hindi ko alam kung ano talaga ang gusto ko. Ni hindi ko kayang makapagdesisyon sa sarili ko.

Sino nga ba talaga ako?

Look at me, you may think you see
Who I really am but you'll never know me
Every day it's as if I play a part
Now I see if I wear a mask
I can fool the world but I cannot fool my heart

Pagkanta ko habang nakatingin pa sa salamin.

Who is that girl I see staring straight back at me?
When will my reflection show who I am inside?

Bakit nga ba talaga ibang tao ang nakikita ko sa salamin?

Hindi ko man ganun kakilala ang sarili ko ay alam kong hindi ako 'to.

I am now in a world where I
Have to hide my heart and what I believe in
But somehow I will show the world
What's inside my heart and be loved for who I am

Who is that girl I see staring straight back at me?
Why is my reflection someone I don't know?

Must I pretend that I'm someone else for all time?
When will my reflection show who I am inside?

Sinimulan ko na nga tanggalin ang makeup sa mukha ko sinundan ko pa 'yung kwintas ko ar hikaw ko.

Why must we all conceal what we think and how we feel?
Must there be a secret me I'm forced to hide?
I won't pretend that I'm someone else for all time
When will my reflection show who I am inside?
When will my reflection show who I am inside?

Sa totoo lang pagod na rin talaga ako na magdala ng maraming maskara.

Iba ako sa harap ng ibang tao.

Iba ako sa harap ng magulang  ko..

Sa harap ng mga kapatid ko.

Sa harap ng mga kaibigan ko.

Pati na rin kay Xander.

Kahit ako mismo ay hindi maintindihan kung sino nga ba talaga ako.

Isang babaeng walang pakielam?

O isang babaeng gusto lang sumaya?

Tama si Marc. Lagi kong binibili ay original na gamit dahil sa matagal ito.

Pati nga relasyon ko kay Xander hinihiling ko na sana totoo na lang 'yun. Hindi peke.

Pero, ako? Peke sa sarili ko.

Ni hindi ko magawang magpakatotoo sa sarili ko dahil kung nagawa ko nga 'yun sana hindi ako nababalot ng maskara ngayon.

****
Kinaumagahan ay nandito na nga ako sa campus naglalakad ng may marinig akong nagkwekwentuhan at sa mga bosses na yun ay alam ko kung sino na nga ang mga 'yun.

"Huwag ka ngang mainip Courtney konti na lang at magiging atin si Albert syempre sa tulong ng pinakamamahal niyang kapatid na si Zafirah."

"Hindi na talaga ako  makapaghintay."

"Huwag kang masyadong atat. Remember all good things to those who wait."

Kaya pala sila nakipagkaibigan sa akin.

Nagawa ko pang hindi paniwalaan si Kirsten pero si Kirsten naman pala ang tama.

"Ginagamit ka lang ng Elaine at Courtney na 'yan. Gusto lang nilang mapalapit kay Albert kaya sila  nakikipagkaibigan sa'yo."

"Hindi nila magagawa sa akin 'yan Kirsten. Bakit ka  ba nagkakaganyan? Kirsten kaibigan ko rin sila kaya asahan mo na hindi na ikaw ang lagi kong makakasama."

"Yeah. Kaibigan mo nga sila ako hindi," saad nito tapos tumalikod na at nagsimula ng umalis.

Sophie's POV
Nasa meteor garden kami ni Xander nakaupong magkatabi pero hindi kami nagiimikan.

"Xander ok ka lang?"

"Ok lang ako."

"May bumabagabag ba sa'yo?  Sabihin mo. Baka makatulong ako."

"Wala. Um sige una na pala ako. May pasok pa ako eh," sabi nito at umalis na nga.

Ibang iba na talaga siya.

Dati rati lagi pa niya akong hinahalikan kahit sa pisngi lang kapag aalis na siya pero ngayon wala man lang.

May napansin akong nahulog sa sahig ng pag-alis ni Xander. Maaring nahulog ito dun sa hawak niyang  libro.

Agad ko itong kinuha at tiningnan at dun ko nakita ang isang elementary student na Zafirah Mae Tan.

Alam ko naman kung bakit siya may ganito eh. Halata ko pero ayaw ko lang talagang tanggapin at aminin sa sarili ko.

Sobra talaga akong nasasaktan.

Masakit pala talaga pagnasa kamay mo na mismo ang ebidensya na hindi na nga ako ang mahal niya.

Masakit! Napakasakit!

Zafirah's POV
Nang matapos na ang klase ko sa english ay agad kong hinabol si Kirsten.

"Kirsten sandali," pagpigil ko sa kanya.

"Bakit ba?" naiiritang tanong nito ng makaharap na sa akin.

"Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa nagawa ko. Dahil sa pagsama ko kanila Courtney  hindi ko namalayan na napapalayo na pala ako sa'yo. Ikaw ang una kong kaibigan ngayon na college pero hindi ko man lang yun ng  bigyan ng halaga. Hindi man lang kita pinaniwalaan noon na sinabi mong ginagamit  lang nila ako. Sorry. I'm so sorry."

"Ok lang napatawad na kita," saad  nito tapos niyakap na  nga ako.

"Sa akin Zafirah? Hindi ka ba magsosorry?" napabitaw ako at napatingin sa nagsalita at yun si Janina na bigla bigla  na lang lilitaw.

"Sorry din my sadist best friend kung nawalan na ako ng  time sa'yo."

"Kahit hindi ka naman magsorry I already forgave you," sabi nito at niyakap ko na nga rin siya.

Habang kayakap ko si Janina ay dun ko nakita si Marc na nakatingin sa amin at nakangiti kaya  naman nginitian ko na rin siya.

Hindi ko marerealize ang mali ko kung wala si Marc.

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now