MUL 13

1.5K 43 5
                                    


It was a new day at narinig ko ang cellphone na tumunog. Kinuha ko ito at binuksan ang message. Actually galing siya dun sa texter kahapon.

"Life can never be absolutely happy. It can never be perfect. It always has its twists and turns, ups and downs as well. It will make us strong and sometime make us cry but it will make us stand and learn that no matter how difficult it is. There will always be many reasons to smile."

"Kung sino ka man salamat talaga," sabi ko sa sarili ko na waring kausap ang sender.

****

Kumakain na kami ng breakfast.

"Zafirah I heard nagscreening ka sa writer's club?" tanong sa akin ni grandmama kaya naman napatingin ako sa kanya at tumango tapos balik na naman ang tingin ko sa kinakain ko.

"So nakapasa ka?" tanong nito dahilan upang mapayuko ako.

"Zafirah your grandmamma is asking you," saad sa akin ni papa.

"Hindi po," mahina kong sabi.

"What? Zafirah you are not born to be Tan para lang matalo ka. Dapat kasama ka dun. Buti na lang at hindi mo pinagsasabi sa iba na apo ka ng presidente ng Tan University dahil sigurado akong isang malaking kahihiyan ang matatanggap ng grandpapa mo kung nagkataon."

"Grandmama stop na. I know ginawa naman ni ate 'yung lahat ng makakaya niya eh," sabat ni Chela.

"Hay naku Chela talagang tataas ang presyon ko diyan sa ate mo, buti ka pa kahit saan ka magaudition ay natatanggap k,a" sabi ni grandmama kay Zychela. Si papa, mama at kuya ay tahimik lang na kumakain.

Ang unfair talaga ng buhay. Bakit imbis na iencourage nila ako ay lahat pa masasakit na salita ang lumalabas sa mga bibig nila?

Nandito na ko ngayon sa campus at parang wala lang nangyari.

"Oh Zafirah bilisan mo dahil papunta na si ma'am," sabi sa akin ni Kirsten dahilan upang parehas na kaming tumakbo.

Buti nakarating kami habang hindi pa pumapasok si ma'am. Ayoko pa namang malate.

Sophie's POV

Ang boring naman. Inaantok ako.

"Ok magkakaroon ng celebration itong university at mayroong singing contest. Sino ba ang pwedeng maging contestant natin?"

"Ma'm si Sophie po. Di ba dati kumanta kami sa unahan? Siya pa 'yung may pinakamagandang boses," suhestyon nung isa.

"Oo nga," sangayon naman ng iba.

"Ano? Ok lang ba sa'yo Sophie?"

"Yeah," sabi ko ng nakangiti.

Hindi ako umuurong sa mga contest na ganyan.

Zafirah's POV

Hayy buti naman at free time ko na. Wait alam ko free time din ni Janina. Matext nga ang babaeng 'yun.

TO: JANINA

NASAAN KA? WALA AKONG KASAMA EH

END OF MESSAGE

FROM: JANINA

NANDITO AKO SA MAY SCIENCE GARDEN.

END OF MESSAGE

TO: JANINA

SIGE WAIT MO KO DIYAN

END OF MESSAGE

Inilagay ko na sa bag ko 'yung phone at habang naglalakad ako nakasalubong ko si mama kaya naman napatigil ako sa paglalakad at ganun rin siya. Nagkatinginan kami ng ilang segundo at pagkatapos nun ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hindi ko naman intensyon na hindi siya pansinin kaya lang baka may makahalata.

My Unlucky LifeΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα