MUL 41

1.1K 28 2
                                    

"I'm so sorry dahil nalate ako ng konti," saad nito habang nakayakap pa rin sa akin pero hindi pa rin ako tumitigil sa pagiyak.

Masakit eh.

Sobrang sakit.

"Huwag kang mag-alala. Gagawin ko lahat para lang maprotektahan ka laban sa sakit na nararamdaman mo," saad nito ng humiwalay na sa yakap sa akin ngunit nakahawak pa rin ang kanyang mga kamay sa aking pisngi.

"Shhh. Tahan na. Ayokong nakikita kang umiiyak," saad muli nito habang pinupunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.

Maya maya pa ay umupo siya sa unahan ko. 'Yung nakafrog sit.

"A-anong g-ginagawa mo?"

"Sakay na," saad nito pero hindi ako gumalaw.

"Aishhh," rinig kong sabi nito tapos ay hinawakan niya ang mga binti ko at inusog ako papalapit sa kanya dahilan upang mapasakay na nga ako sa kanya.

Nakapiggy back ride ako sa kanya.

"S-saan mo ko d-dadalhin?"

"Huwag ng masyadong maingay ok," aniya kaya naman hindi na lang ako umimik.

****
Maya maya pa ay nandito na kami sa . . . .clinic?

Anong ginagawa namin dito?

"Good afternoon po nurse. Nadapa lang po siya kaya meron siyang konting pilay."

"Sige. Ilapag mo na siya iho at gagamutin ko na lang."

"Naku! Hindi naman po malala."

"Hindi malala pero umiiyak siya?"

"Emotional lang po talaga siya. Ako na lang po ang maggamot sa kanya."

"Osige. Maiwan ko muna kayo ah kasi nagugutom na rin ako at kailangan ko na ring kumain."

"Sige po," saad nito kaya naman umalis na nga si nurse.

"Salamat Bryan ah," saad ko ng makaupo na ako sa edge ng kama.

"Wala 'yun noh."

"Salamat talaga. Kung hindi ka siguro dumating kanina  baka nagbreak down na ako."

"Mahal mo siya noh?" tanong nito kaya agad naman akong napatingin sa kanya.

"Hindi ka naman siguro iiyak ng ganyan kung wala kang pakielam kay Xander."

"Tama ka. Lumaki ako na walang pakielam sa ibang tao dahil sa kaisipang wala ring may pakielam sa akin maliban sa sarili ko pero heto ako ngayon. Nasasaktan ng dahil sa lalakeng ginawa lang akong fake girlfriend para makuhang muli 'yung ex girlfriend niya. Alam ko naman na pagpapanggap lang ang lahat eh pero dahil tanga ako minahal ko pa rin."

"Shhh. Huwag mong sabihin 'yan."

Xander's POV
Nung hinalikan ko si Sophie kanina. Isa lang napatunayan ko sa nararamdaman ko at 'yun ay hindi ko na talaga siya mahal at ang totoong mahal ko ay ang babaeng ginawa kong fake girlfriend.

Ang babaeng nagpasaya sa akin ng nakaraang buwan.

Ang babaeng dahilan kung bakit marami akong natry na hindi ko pa man lang natratry buong buhay ko.

Sayang nga lang at huli na ng narealize ko na mahal ko pala siya. Gusto ko mang ipaglaban ang nararamdaman ko hindi ko magawa.

Dahil pa-paano si Sophie pagnagkataon?

Nakaramdam na lamang ako ng sakit sa aking mga panga ng may kamaong tumama rito.

"Ano bang problema mo?" singhal ko rito.

My Unlucky LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon