MUL 35

1.2K 30 2
                                    

Saturday na ngayon at kasalukuyang nasa covered court ako. May makeup class kasi kami kaya nandito ko ngayon sa T.U. Nandito pala ako sa CC kasi di pa naman kasi time ng klase ko at wala akong kasama. Naisip ko na lang na manood ng mga nagprapractice na athlete.

“Zafirah,” napalingon ako sa tumawag sa akin at dun ko nakita si George na papalapit sa akin.

“Uy ikaw pala,” saad ko ng makalapit na ito sa akin.

“Ba’t ka nandito?”

“Bakit? Bawal ba?”

“Di naman. Nagtataka lang ako. Di ka naman mahilig sa sports eh kaya alam kong di mo hilig ang manood nito.”

“Sa wala akong magawa at mapuntahan eh. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?”

“Captain kasi ako ng soccer team.”

“Weh?”

“Oo nga. Ba’t ayaw mong maniwala?”

“Hindi kasi kapanipaniwala eh.”

“Captain,” tawag sa kanya ng isang lalake and I suppose kasama iyon sa soccer team.

Tama pala talaga ang sinasabi ng lalakeng ‘to.

“See,” sabi nito kaya naman napairap na lang ako habang siya naman ay umupo na nga sa unahan ko.

“Alam mo dapat talaga hindi ako ang captain ng soccer team.”

“Anong nangyari?”

“Si Xander talaga dapat.”

“As in si Xander na. . .”

“Oo. Si Xander na boyfriend mo,” sabi nito kaya naman napatango na lang ako.

“Nung highschool kasi captain talaga siya sa school niya at talagang napakagaling niyang player at nung nirerecruit na siya ng soccer team ay hindi siya sumama.”

“Bakit?” tanong ko rito pero nagkibit balikat na lamang ito.

“Sige Zafirah ah. May practice kami eh,” sabi nito at pumunta na nga dun sa mga kateam niya at ngsimula na silang maglaro.

Aaminin ko na magaling talaga si George sa soccer. Oo nga’t hindi ako mahilig manood ng mga sports pero alam ko naman ang pagkakaiba ng magaling sa hindi.

Paano kaya kung si Xander ang naglalaro diyan.

Eh di siguro mas magaling siya.

Bakit kaya di niya tinanggap ‘yung offer sa kanya?

Nang mapansin kong time na ng subject ko ay sumenyas na ako kay George na aalis na ako kaya naman ngumiti na lamang ito.

***
Wala naman masyadong nangyari sa klase ko. Ayun nagdiscuss lang tapos nagquiz.

Naglalakad ako ng biglang may tumabi na sa aking maglakad.

“Kumusta ang klase?” tanong sa akin ni Xander.

“Ok lang naman.”

“Oh shoot,” sabi ko ng marealize kong nakalimutan ko ‘yung notebook ko.

“Bakit?”

“May  nakalimutan ako,” sabi ko at tumakbo na nga ako pabalik sa room.

Nang nandito na ako sa room ay binuksan ko ‘yung pinto pero di pa ganun kabukas dahil parang may nag-uusap sa loob.

“Pasensya ka na talaga Sophie pero di ko kaya ang pinapagawa mo,” rinig kong sabi ng isang lalake at pakiramdam ko ay kilala ko ang boses na ‘yun.

My Unlucky LifeWhere stories live. Discover now